CHAPTER 7

62 4 0
                                    

Pabagsak na ihiniga ni Trix ang likod niya sa kama. Kauuwi niya lang galing sa libing ni Leo.

He look at the empty ceiling with an empty head. Tumingin lang siya sa kisame na parang anytime ay may lalabas na kung ano para gulatin siya.

He took a deep breath before he get up. Nakatulala lang din siya habang nakaupo sa dulo ng kama. Walang gana na nagawi ang tingin niya sa cellphone niyang tumunog.

"Haist!" Ungot niya bago sinagot ang tawag.

"Carl" walang buhay na sagot niya sa tawag nito.

"Pinapatawag ka ni boss ngayon. May ipapagawa ata sa 'yo" ani Carl.

Napapikit siya ng mariin at nagulo nalang ang buhok niya gamit ang kamay niya.

"Oh, sige, sige. Papunta na 'ko" sagot niya nalang at binaba ang tawag.

Ngayon ang araw ng libing ni Leo at akala niya ay makakapagpahinga man lang siya ng isang araw matapos magtrabaho ng sunud-sunod nitong nakaraan.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at kukunin na sana ang susi ng motorsiklo niya ng biglang may kumatok sa pinto ng tinutuluyan niya.

Nangunot ang noo niya at kinuha ang baril na nakatago sa ilalim ng unan niya. Maski si Leo ay hindi alam na may tinatago siyang baril.

Kinasa niya ang baril niya at dahan-dahang nagtungo sa pinto.

Dahan-dahan niyang inalis sa pagkakalock ang pinto ng tinutuluyan niya. Mabilis na binuksan niya ang pinto at itinutok ang baril sa taong nasa harap ng pinto niya.

Napasinghap si Cassey at bahagya pang napaatras ng makitang nakatutok sa kanya ang baril ni Trix.

Napabuga naman ng hangin si Trix at mabilis na ibinaba ang baril niya saka iyon itinago sa likod ng suot niyang pantalon.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong kaagad ni Trix.

Medyo naasar si Cassey dahil parang wala lang dito na natutukan siya ng baril. Kaya hindi niya naiwasang hindi magtaray.

"Grabe, ha! Wala man lang sorry ja'n dahil sa pagtutok mo sa 'kin ng baril?" Mataray na saad niya.

"Pumasok ka na" tanging sinabi ni Trix at tumalikod.

Hindi makapaniwalang napatingin si Cassey sa papalayong bulto ni Trix kaya sa pagpasok niya ay patabog niyang sinarado ang pinto.

Nakita niya na nakaupo si Trix sa nag-iisang upuan sa inuupahan nito habang nakatukod ang mga braso sa sandalan ng bangko kaya kitang-kita niya ang naglalakihang braso nito.

"Anong ginagawa mo dito? 'Di ba dapat nasa trabaho ka ngayon?" Walang emosyong tanong bi Trix.

Umingos naman si Cassey at naupo sa dulo ng kama.

"Tulungan mo 'ko" turan niya habang sinasalubong ang tingin ni Trix.

"Saan?"

"Mahanap ang pumatay kay Trix" mabilis niyang sagot.

Napabuga ng hangin si Trix at tumayo mula sa pagkakaupo.

"Sinabi ko na sa 'yong ako na ang bahala sa kanya. Manahimik ka nalang at pumasok sa trabaho mo" may inis na turan ni Trix habang nagsasalin ng tubig sa baso.

Napatayo si Cassey at nagtungo kay Trix. "Paano ako mananahimik at magtatrabaho kung may gumugulo sa isip ko? Madali lang para sa 'yo na sabihin 'yan dahil hindi ka naman namatayan!"

Napaigtad si Cassey ng pabagsak na ibinaba ni Trix ang plastic na baso at tumingin sa kanya ng masama.

"Trix..."

Tears Of Pain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon