Chapter 9: Return of Sapphire

18 1 0
                                        

I took a deep breathe and  looked at the academy. I'm finally back sa loob ng apat na araw. Sumakit naman ang ulo ko ng malaman ko ang dahilan kung bakit ako pinabalik ng aking grandparents.


"Ate, madami bang magaganda dun?"

"Ate, they told us that many wizards there are really strong. Is that true?"

"Dude, let's just compete on how many girls can we collect."

"Deal."


Sumakit ang ulo ko habang naririnig yung mga boses nila habang nagda-drive.


"Can you please stop! That's why ibinigay kayo sa akin dahil sa ugaling yan. Di niyo ba alam na kung bakit kayo nakick out dahil kahit anak ng may-ari ng school niyo pinaiyak niyo. And please! Mamimingwit na nga lang kayo yung masakit pa sa ulo. Next time usisain niyo muna."

"That's what we like about you, couz!"saad ni Topher.

"I agree."pagsang-ayon naman ni Tristan.


Napatingin naman ako sa rearview mirror at makikita mo ang mala-among mukha na di mo aakalain na kung gaano sila kabilis magpalit ng damit ay ganun din sila kabilis magpalit ng jowa.


"I've heard some rumors na hindi lang yun ang dahilan kung bakit kayo nakick-out."

"Well, we didn't know na pati mama niya maaano ng aming charm. Couz, she's literally like our mother's age kaya naman we made a prank and we didn't expect na mare-reveal yun sa buong school."kwento ni Tristan at proud pa ang loko sa kanyang ginawa.


Huminto na ako ng makita ko ang Magical Academy.


"Welcome to your new school."saad ko.


Bumaba na kami at dumaan sa Garden of Life at nagbabakasakaling nakatambay sina Claudia dun.


"Girls!"bulalas ko nang makita ko sila nagkukumpulan sa patio.

"Sapphy!"sigaw ni Claudia.

"We miss you!"saad ni Jane at yinakap ako nang mahigpit.

"OA niyo. Ilang araw lang ako nawala."


Nakita ko naman na kasama nila ang royalties kaya naman mabilis akong nagbigay galang at nagpapakilala. Mainit naman nila ako sinalubong ng pagbati.


"Where have you gone to?"saad ni Euphy.


Tumingin naman ako sa likuran ko at nakita ko na nawawala ang dahilan ng pag-absent ko.


"Topher! Tristan!"tawag ko at alam ko na rinig na rinig 'to sa buong garden.


Nakita ko naman yung dalawa na hinihingal na lumapit sa akin.


"They're the reason."maikli kong sambit.

"Oh! The Light twins are back. Welcome back."saad ni Raine na bagong dating lang habang hila-hila ang isang lalaki.


Magical Academy (Rewritten from EK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon