Chapter 19: A Transferee

17 2 0
                                    

Sapphire's POV


"Do you have your period?"


Kinuha ko naman yung binabasa kong libro at itinapon kay Lucas.


"Lumayo ka muna sa akin."sabi ko at kinuha yung binato kong libro.


Pumasok naman sina Akhiro, Kent at Euphy ng classroom.


"Morning!"bati ni Euphy.


Tumango naman yung iba at yung iba katulad ni Fia at Jane ay nakipagbeso naman.


"I told you to wake up. You almost got late."rinig kong bulong ni Raine kay Akhiro.


Napatawa na lang ako. Ang cucute nila eh.


"Good morning!"bati ni Sir Gion na ikinagulat namin dahil minsan lang ito lumitaw para sa aming klase.

"I just want to introduce your new classmate. Please come in." Pagkasabi niya nun ay pumasok ang isang pamilyar na lalaki sa room.

"Hi. I'm Bryan Cross King. Please take care of me."saad nito sabay bow.


Napatulala naman ako at nahulog yung ballpen na kanina kong nilalaro.


"C-chan?"

"Sa-chan? Wah! You're here."sigaw nito at niyakap ako nang mahigpit.

"What are you doing here?"

"I'm on a mission right now."bulong niya.

"Pwede ka ng bumitaw at di na ako makahinga ng maayos."


Napatawa siya sa sinabi ko at unti-unting kumalas sa kanyang pagkakayakap. Naramdaman ko ang mga tingin sa likod at harap ko.


"He's my childhood friend when I took a vacation in Japan."


Pagkalipas nang aming klase, hinila ko agad siya palabas.


"Samahan kita maglibot dito sa academy."

"Wah! Arigato, Sa-chan!"


Nalibot na namin ang halos kalahati at namalayan na lang namin na maglu-lunch na.


"Here. Say ahh~"sabi niya at isinubo yung hinati kong steak.


Ngumunguya lang ako at nalasahan ko yung timpla ng nanay niya.


"Delicious, right? Mom cooked it."

"Nag-improve na naman nanay mo. Tell her it's so tasty."


Nakita ko na nahihirapan pa rin siya sa paghihiwa ng steak kaya inagaw ko na lang  'to at baka maging bistek ang mangyari dito.


"Sorry, Sa-chan."mahina nitong sambit.

"It's okay."


Dumaan naman si Jane na may dalang libro kasama si Jiro.


"Sapphy, sabay ka na. Pupunta kami sa glasshouse ngayon."saad ni Jane.

"Pass muna. Ililibot ko muna si Cross para hindi maligaw. Medyo walang sense of direction kasi 'to."

"Okay lang naman ako, Sa-chan-"

"No, I'll accompany you. We also need to catch up things."

"Ah! That's why I like about you."bulalas niya habang shinasake yung mga kamay ko ng mabilis.

"Tsk."


Napalingon naman ako at nakita ko si Lucas na padabog na tumayo at halos bumaliktad yung kinakainan nilang lamesa.


"O to M to G! Somebody is jealous~"pangaasar ni Fia.

"Jelly~Jelly~"ginatungan pa ni Mike.

"Oh! Sapphy, what have you done?"sambit naman ni Euphy at napatakip ng bibig.

"Why are you acting like that? Para naman akong bibitayin dahil sa reaksyon ng mukha niyo."sabi ko at napapunas ng pawis.

"You're dead."maikling sambit ni Kent na nakapataas ng balahibo ko. Hindi naman totoo yun, diba?

"Luh? Mamamatay sa pagmamahal."dagdag ni Jiro.


Naguluhan naman ako at wala akong ginawang mali kundi i-welcome lang yung kaibigan ko.


"Uhm. Alis na muna kami."pagpapaalam ko at mabilis na hila si Cross para makatakas sa mga pangaasar.

"Just be ready for you final judgement anytime soon."habol ni Kuya Rence at napuno ng halakhakan ang buong cafeteria,


Hinila ko si Cross sa Garden of Life at pumunta malapit sa isang lagoon.

"Dito nakatira yung ilang mga water fairies. Your main power is water, right?"

"You're left. HAHAHA."

"Puro ka talaga kalokohan. Mana ka talaga kay Pops. Let's go next to... The arena."


Nadaanan  namin ang isang statue ni Princess Clementine malapit sa arena.


"So majestic and enchanting, right It's like she's out of this world?"tanong ko habang nakatingin sa estatwa. Makikita mo na nababalot ng magarang damit at may mamahaling korona na nakapatong sa kanyang ulo. Makikita mo sa ngiti nito kung gaano kabusilak ang kanyang pagkatao.

"Yeah. I believe she's gorgeous like you.

"Yan~ diyan ka magaling. Alam mo kung hindi lang kita pinsan, pinatulan ko na yung trip mo kaso na-immune ata ako nang sobra dun sa kambal kaya walang epekto yan."sambit ko at mariin pinisil ang pisngi nito.

"Ouch! And because you did that! Kiss my cheeks para gumaling." Nakahalukipkip pa nitong utos. Napatawa ako dahil akala mo'y isang batang hindi napagbigygan bilhan ng gusto niya.


Mabilis ko naman siyang binigyan ng halik sa pisngi at normal na rin pati sa amin yun. Mas malala pa nga yung kambal dahil lumaki sila sa Europe. At first, hindi ako sanay sa mga ganyan pero kinalaunan ay tinanggap ko naman dahil sa pisngi lang naman pati kahit anong sabihin ko ay hindi rin sila titigil.


***


Sa kabilang dako malapit sa arena, may isang tao na nagmamanman sa bawat kilos ng dalawa. Nasa kalayuang distansya ito kaya naman hindi mo mahahalata ang presensiya nito. Nagliliyab na mga mata ang makikita at tila'y nakatingin ito nang masama sa lalaking kasama ni Sapphire at gustong itapon 'to malayo mula kay Sapphire.



Magical Academy (Rewritten from EK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon