Chapter 13: L

24 3 0
                                        

"Sapphire."tawag sa akin ng isang boses.

"Sino ka?"tanong ko habang hinahanap kung saan nanggaling ang boses.


Napatingin namana ko sa may puno na may duyan at nandun siya nakaupo.


"I'm L."saad niya at tumawa nang mahinhin.


Bumaba siya sa duyan at lumapit sa pwesto ko.


"I just want to warn you. Be careful at the moon."saad nito habang hinahabi ang mga bulaklak upang gawing korona.

"Huh?"naguguluhan kong sambit.

"Shhhh... Just keep acting like you always do. Don't do anything."saad niya at napansin ko na kasing-height siya ng pangkaraniwang mga 9 years old.

"What do you mean? Please what are those dreams about?"saad ko.


"The time will come and everyone will be free like you."


Pagkatapos nun ay binalot ito ng liwanag ang buong hardin.


"May the goddess blessed you."


***


Argh! Parang binibiyak ang ulo sa sobrang sakit. Ito ang naging dahilan kung bakit ako nabalik sa realidad.


"Sapphire! She's awake."sigaw ni Jane.


Dahan-dahan naman ako umupo at sumandal sa pader. In just a second, nakapalibot na sila sa kama ko.


"Anong nangyari? Nasaan ako?"tanong ko.


Nagulat naman ako nang biglang pumalahaw ng iyak sina Jane at Fia.


"Wah! Nagka-amnesia ang kaibigan namin. Nasaan na ba yang lintek na Barbie na yan."iyak ni Fia.


Naguluhan naman ako sa pinagsasabi niya kaya naman bumaling ang aking tingin kina Raine.


"What happened?"

"Do you remember us?" Isa pa 'to.

"Guys! Wala akong amnesia or anything. Gusto ko lang malaman kung anong nangyari. Comprehende?"


Naramdaman ko na lang na niyakap ako nung tatlo habang puno ng luha ang mga mukha nila.


"Guys masyado kayong OA. Ilang araw lang naman ako nandito."


Magical Academy (Rewritten from EK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon