Claudia's POV
Sumapit na ang araw at hindi pa rin umuuwi si Sapphire sa aming dorm.
"I'm very sure. Based on this list, Ms. Villanueva left the campus last night."sabi ni Ms.George habang nakatinginsa book or records. She's the one who permits the students to leave the academy.
"Thank you."sabi ko.
Naglakad ako sa meeting place namin.
"Did you find something? Clues?"tanong sa akin ni Fia.
"She's not within the area. Umalis daw ng academy si Sapphy kagabi."
"What? It's the third time she didn't tell us about it."sabi naman ni Jane.
"Any news?"tanong ni Euphy na bagong dating.
"She's outside the campus."sabi ni Fia.
"Bigla na lang kasing nawawala."sabi ni Loraine na may pag-aalala.
"I hope she's fine."pag-aalalang saad ni Clementine.
Napatingin naman ako sa babaeng ito. Di ko alam pero ang sarap niyang itapon. Simula ng dumating siya biglang nag-iba na ang kilos ni Sapphy.
"Umalis lang pala siya ng campus."dagdag nito.
Napataas ako ng kilay. Umalis LANG? It's a big deal lalo na kung hindi niya pinaalam sa amin. Umalis na LANG ako baka mabato ko pa siya ng libro kong sobrang kapal.
"Claudia! Wait!"
Napalingon naman ako at nakita ko si Kent.
"Pagsabihan niyo yang prinsesa niyo na itikom ang bunganga niya kung di ipapakain ko sa kanya yung libro ko. Di ko nagugustuhan ang ugali niyan."inis kong tugon.
"I'm sorry about that. Hindi naman ang ganyan ang ugali niya dati."
"People seems what they are not. Remember that."
Napatungo na lang siya sa sinabi ko. Alam ko na medyo harsh ako magsalita pero prangka akong tao.
"I'm sorry, Kent. Baka dala lang ng init ng ulo ko. Magpapahangin lang ako kaya iwan mo muna ako."sabi ko at ngumiti.
"A-absent ka?
Tumango ako at bumigkas ng isang teleportation spell. Hay! Pagnakita ko talagang Sapphire na yan ibabato ko siya sa North Korea. Ang sakit sa ulo. Umupo naman ako sa damuhan ng makarating ako sa bahay ko. Na-miss ko lang yung bahay kung saan ako lumaki at mga nagpalaki sa akin.
Sofia's POV
Hindi pumasok si Claudia nung umaga iyon. Nasa cafeteria kami para mag-lunch. Ang made-describe ko lang sa araw nito -- bwiset. Ang sakit sa tenga nung boses ni Clementine. Akala mo napakahinhin gumalaw at hindi makabasag ng pinggan. Akala ko ba parang mala-anghel ang boses nito eh parang nga nakakangilo. Masaya naman silang nagtatawanan. Syempre matagal na nilang hindi nakasama yung Clementine na yun kaya naman todo kwentuhan sila. Pero hindi ko talaga kayang makita na magkadikit si Lucas at Clementine.
Paano na si Sapphy? Eh, kung itapon ko kaya sila sa mga pating. Akala ko ba may namamagitan sa dalawang yun kasi naman hindi mo minsan mapaghiwalay at palihim pang nagkikita minsan. Dakilang stalker kami minsan eh. Syempre kami ang bumuo ng fansclu namin. Di ako papayag na lumubog ang ship na ginawa namin. Malapit ng lumayag eh may pumigil pa.
"I'm done."sabi ni Jane at umalis sa kinatatayuan niya. Siguro hindi na niya kinaya ang atmosphere.
Muntik na nga akong masuka nung sinusubuan ni Clementine si Lucas.
Ngumiti naman ako at umalis na rin. Nakita ko na dapat susunod si Mike pero mabilis akong pumunta sa gubat summoned my guardian.
"You know what you have to do."malamig na saad ko.
Mabilis naman na gumawa ng portal si Shiva at tumungo ako doon. Pagkaraan ng ilang segundo, napunta ako sa isang kwarto. Makikita mo sa gitna ang isang nakalutang na orasan at may apat na upuan ang nakapalibot dito.
North
East
West
South
Umupo ako sa west chair. Biglang may portal na nag-appear sa gilid ko at nakita kong lumabas ay si Claudia.
"Saan ka galing?"tanong ko habang tinatanggal ko ang restraining accessories na nasa katawan ko. Gumaan naman ang pakiramdam ko.
"Nagphangin lang. Baka may maitapon lang ako sa black hole."kalmadong tugon ni Claudia at binuklat na naman niya ang kanyang libro. Umupo naman ito sa south chair.
Mga ilang minuto ang lumipas at dumating naman si Jane kasama ang kanyang alagang ferret na nakapulupot sa leeg nito.
"Hinahanap ko pa kayo kanina. Nag-cutting class tuloy ako."sabi niya at umupo sa east chair.
"Nakakatamad pumasok lalo na nung umalis si Sapphire."sabi ko at tumingin sa nakalutang na orasan.
"Malapit na pala ang lunar eclipse at birthday ni Clementine."sabi ni Jane.
Tango lang ang binigay kong sagot sa kanya habang nakatigin sa kamay ng orasan.
"Aish! Ba't kasi may ganito pa tayo?"tanong ni Jane habang inaalis ang kanyang restrainer. May apat kaming restraining accessories-necklace, earrings, bracelet and ring. My gem is ruby while kay Jane ay amethyst. Kay Claudia naman ay emerald at kay Sappire naman ay sapphire.
Kinuha naman niya yung scepter niya at pinaglalaruan ito.
"What's the plan?"tanong ko.
"Nothing. We just have to wait until lunar."sabi ni Claudia at isinara yung spell book na kanyang binabasa.
"It's hard to pretend."ngawa ni Jane.
"You're right. Ang bigat kaya sa pakiramdam nun mga restrainers. Akala mo may dala mong ang mundo."sabi ko.
Biglang nagliwanag ang mga scepter namin at nag-react din yung orasan. Ibig sabihin may nangingi-alam sa daloy ng oras. Napatayo kami at nag-iba agad kulay ng mga mata namin. Nagkatinginan naman kami. Sinuot namin ang aming korona para mas lalong kontrolado namin ang kapanyarihan namin lalo na wala na ang restrainer namin.
"Ruby, check the location."utos sa akin ni Claudia
"Amethyst, analyze the situation."sabi naman niya kay Jane na ngayon ay busy sa hawak niyang sphere.
Inaayos naman ni Claudia or should I say Princess Serene Emerald Altheda ang orasan lalo na wala si Sapphy na nakakapag-ayos nito. Ang kaninang walang liwanag na nanggagaling sa orasan ay nagbalik na at hindi na masyadong maliwang ang aming scepter kaya naman napa-upo kami sa pagod.
We are the guardians and the lost princesses of GEMS.
BINABASA MO ANG
Magical Academy (Rewritten from EK)
FantasyThere are four little princesses that were lost at the mortal world because of a war. What if they found something that could change their view forever? Will they sacrifice the fantasy they're living in right now or not? Let's go and join Sapphire...
