Chapter 18: Night with you

18 3 0
                                    

Sapphire's POV


Nakarating na kami sa venue na pinag-gigitnaan ng Garden of Life pati ng glass house na minsan namin tambayan.


"Nasaan na ba sila?"tanong ni Fia na kanina pa umaatungal sa harapan ko.

"Tsk! Gustong-gusto mo na makita si Mike mo."bulong ko.

"Oy! Narinig ko yun. Porke may Lucas ka na. Hindi ko pa nakakalimutan ang PDA niyo sa classroom.


Napailing na lang at umupo sa assigned seat namin na malapit sa glass house. Hinila ko na lang sila kaysa naman maghintay kami nang nakatayo.


Pagkalapit namin, nakita namin si MIke na may dalang bulaklak katulad nung iba tulad ni Kent, Jiro at Akhiro.


"Sorry we're late."

"Yeah. We just fixed something."dagdag ni Euphy na naka-angkla ang isang kamay sa braso ni Kuya Rence.

"Ayan na pala partner mo."sambit ko kay Fia at itinulak ito sa bisig ni Mike.

"Sapphire, ingatan mo naman prinsesa ko. Papakasalan ko pa yan eh."saad ni Mike.

"Wala pa kasi yung Lucas niya."


Napairap na lang ako Fia at dumiretso sa aking upo.


"Let's start our party, wizards of MA! Grab your partner and dance the night away."


Nakahalumbaba naman akong natira sa lamesa habang hinihintay yung isa. May ilan na nagbalak isayaw ako pero pinili kong hindi tanggapin.


Pumasok ako ng glass house at medyo maririnig ang tugtugan sa labas. Tumingin ako sa may buwan at half-moon pa lang 'to. Natakluban ang buwan ng mga ulap buti na lang bukas ang ilaw sa loob ng glass house. Pumunta ako malapit sa may fountain at tiningnan ang mga magic particles na patuloy dumadaloy.


May narinig akong kaluskos sa aking likuran at may nakita ako isang batang babae na nakaputi.


"Remember me?" The little girl asked me. She seems familiar to me.

"I guess you can't remember me. I'm Alicia Woods. I'm the protector of this garden and also that fountain your looking at."

"I'm Sapphire. Pleasant to meet you. I've heard na hindi ka masyadong nakikipag-usap sa mga tao."

"You somehow feel like her. That's why I'm talking to you."

"Who?"

"You'll know someday. I was locked up here. Till now I'm defying my fate. I'm waiting for her to come back. He promised me he's going to."makahulugang sambit nito.


Pagkasabi niya nun ay umalis na siya kasabay ng pag-ihip ng hangin. Nakatulala lang ako kung saan siya nakatayo kanina. Defying fate huh. Kumirot naman yung puso ko kaya lumabas na ako ng glass house para maibaling ang atensyon sa ibang bagay.


"Saan ka naman galing?"tanong ni Jane na nakaupo na sa designated seat namin.

"Nagpahangin lang."

Magical Academy (Rewritten from EK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon