Chapter 14: Under the Tree

21 1 0
                                    

Sapphire's POV


Tumama sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Nakabalik na rin ako sa academy at nagtungo sa aming bahay.


"Sapphire!"tawag sa akin ni Claudia habang kumakaway.


Napangiti naman ako nang makita ang tatlo na tumatakbo papalapit sa akin. Kinuha naman nila yung dala kong mga natirang pamalit.

Pagkaayos ng gamit narinig ko na tinatawag ang pangalan ko sa baba. Ah! May pasok nga pala kami ngayon. Inihagis ko ang gamit ko sa 2nd floor at buti naman sinalo 'to ni Fia.


Tumalon na ako sa bintana at masyadong hassle pagbaba pa sa hagdanan.


"Sapphire! Kababalik mo lang dito parang gusto mo na ulit bumalik sa ospital. Paano kung nabalian ka."bulalas ni Fia habang chine-check ang katawan ko.

"She's right.  May pinto tayong tinatawag."

"Enough. Baka malate pa tayo."saad ni Cluadia.


Sumakay kami sa isang van kung saan kasama namin ang ilang mga royalties. Napansin ko na nasa unahan bahagi si Lucas at nakita kong ngumiti siya. Napaiwas na lang ako dahil yung ngiti niya yung tipong mapang-asar at nakaka-fall.


"Hoy!"sigaw sa akin ni Jane na nakapagpabalik sa akin sa ulirat,

"Ha?"

"Okay ka lang ba?"


Tumango lang ako at tumingin sa harap. Nakita ko sa rear view mirror yung ngiti niya. Di ko na lang pinansin at naramdaman na tumigil na ang van. Dahil nga nasa pinakadulo ako kaya huli akong baba ngunit nakita kong hindi pa nababa si Lucas.


Lumabas na lang ako pero hindi ko inaasahan na tumama yung ulo ko sa taas ng pintuan ng van.


"Pft. What a stupid girl."rinig kong saad ni Lucas bago ako lampasan. Umiling-iling pa ito  habang naglalakad. Makalog sana brain mo!

"Okay ka lang ba? Para pinagsakluban ng langit at lupa ang muka mo."saad ni Claudia.


Di na lang ako umimik at sumunod na lang sa kanila.


Royal Section

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Royal Section



"Welcome to the Royal Section!"bati ni Raine na nauna nang  pumunta dito.


Nakatingin naman ako sa nagtataasang kisame ng silid na 'to. Halos nababalutan ng ginto ang bawat disenyo at mas malaki pa ito sa dati naming classroom.

Magical Academy (Rewritten from EK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon