I can feel my heart beating so fast when I heard him say that. Putcha ano tong nararamdaman ko? Hindi ko maintindihan. Tumango nalang ako at nagpatuloy nang naglakad. Na sa likod ko lang siya, buti nalang para hindi niya makita ang mukha kong parang kamatis. Ang pula.It was an awkward walk. Nung nakabalik na ako sa bahay, nakahinga ako nang maayos, hindi kasi ako nakahinga nang maayos kanina dahil sabay kaming umuwi. Umakyat na rin ako da kwarto ko para magpahinga. Naligo na rin ako at nag bihis na pagkatapos kong nagpahinga.
Bumaba na ako para kumain nang breakfast. Pagkatapos, umakyat ulit ako sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at nakatingin nalang sa bubong.
Bukas na pala ako pupunta sa school. Ang hirap kasi mag aadjust pa ako. "Saan kaya nagaaral si Franz?" napaisip tuloy ako sa nangyari kanina. Laging seryoso ang mukha niya tuwing nakatingin ako sa kanya. Ano kaya ang itsura niya kapag nakangiti siya. I widely smiled while thinking about that. Cute!
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa mga iniisip ko. Bumangon ako para tingnan kung anong oras na, alas dos na. Hindi ako bumaba kasi hindi pa ako nagugutom. Lumabas nalang ako sa balcony ng kwarto ko para tanawin ang labas. My eyes stopped at the window kung sa'n ko nakita si Franz ngayon na nagpatugtug sa kaniyang gitara. It was an electric guitar. Narinig ko kung ano ang pinatugtug niya. 'I Had Nothing'.
I smiled when I saw him, he's busy with his guitar. He's filming it. I smiled even more when I saw him smiled at the camera and made a peace sign then stopped recording. Kumunot ang noo niya nang mapansin kung sino ang nakatitig sa kanya. His eyes immediately went to me and it widened, tumayo sya at naglakad papunta sa window niya at padapog na sinira ang kurtina.
Ang cute niya naman niya kapag naka smile siya, sana naka smile nalang siya palagi para mas approachable siya tignan.
Lumipas ang ilang oras gabi na, bumaba ako para kumain pagkatapos umakyat na rin ako para makapaghanda na ako bukas. Bukas na kasi ako pupunta sa school, sasamahan ako ni mama because I'm not that familiar with the place. Natulog ako nang mahimbing.
Nagising ako nang maaga at naghanda na para mamaya. Tapos na akong maligo at nag bihis na. Nag suot lang ako nang white oversized tshirt na may design ng favorite band ko sa harap 'Paramore' at black high waisted jeans, naka tuck in yung shirt ko kasi oversize siya, nag suot na rin ako nang white sneakers. Naka ponytail lang ang buhok ko para malinis tignan. I looked at myself at the mirror, ngayon ko lang talaga madescribe yung mukha kasi dati wala talaga akong pakealam sa itsura ko. My face is round with almond shaped eyes, medyo singkit ako dahil sa mama ko, wala namang lahi si mama na Chinese, si papa lang ang may lahi na Chinese, Spanish kasi yung lahi ni mama.
Naglagay lang ako nang lip balm sa manipis kong labi at lumabas na para kumain ng breakfast. Nag drive na si mama papunta sa school ko at may sinabi siya sa akin bago kami bumaba.
"I will accompany you until you get your ID, after that aalis na ako dahil may trabaho pa ako, ikaw na ang bahala sa uniform mo, okay?" sabi niya habang nag aayos nang mga gamit niya sa bag
Tumango lang ako at kinuha ko na ang aking tote bag. Lumabas na kami ni mama sa sasakyan at naglakad na papunta sa loob ng school.
"Woah" mahina kong sinabi pero may halo na pagkamangha
Grabe ang laki ng eskwelahan na ito, malaki naman ang Meadows High, pero mas malaki ito. My eyes wandered at the big buildings in this school, kulay white at blue ang pinta ng mga building dito.