Chapter 6

8 0 0
                                        




"Bakit ka nandito?' Lumilinga siya kung may kasama ba ako dito. "At mag isa ka lang?"




He sounds concerned, pero para saan pa yang pa concern concern niya? 




Hindi ako nagsalita at tumayo na. Bumalik ako kung saan ako humiga kanina at umupo. Tumingin nalang ako sa langit na puno ng mga bituin. 




Narinig ko ang mga yapak niya patungo dito. Ang aking mga mata ay nakatutok parin sa langit pero kitang kita ko sa gilid nang aking mata na umupo siya sa tabi ko.




Why did he suddenly sit beside me? Akala ko aalis na siya pagkatapos non. Nagkamali pala ako, well this is kind of awkward.




"Ang ganda noh" wala sa sarili kong sinabi




Namalayan ko na tumingin siya sa akin at bumalik din sa langit.




"Maganda nga" huminga siya nang malalim bago nagsalita ulit "So you went here to watch the sky"




Tumingin ako sa kaniya 





"Yes, this is what I always do when I'm bored or when I need some air"




Ang mga mata niya naka tutok lang sa langit kung sa'n may maraming mga bituin at ang napaka liwanag na buwan. Ang gwapo niya kapag naka side view, kitang kita mo talaga ang napaka tangos niyang ilong also his long and naturally curved lashes. 




Oh to be those lashes- ay ang tanga ko, dapat pala 'Oh to have those eyelashes'




Hindi ko namalayan na ang tagal ko pala na nakatitig sa kaniya. Nagulat nalang ako nung tumingin siya sa akin, nakakunot ang kaniyang noo, tila bay iniisip niya kung bakit ako nakatitig sa kaniya. 




Umiwas kaagad ako ng tingin at awkward na tumingin sa harap, at ngayon siya naman ang nakatitig sa akin. Kung nakakamatay ang titig niya, siguro patay na ako ngayon. Parang ang lalim ng iniisip niya na nakakatitig sa akin.

Crazy, Stupid, LoveWhere stories live. Discover now