"Dito ka nag enroll?" Keith asked while walking towards meObvious ba ha? Ano kaya ang ginagawa ko rito? edi nag enroll!
"Oo dito"
"So ikaw pala yung pinaguusapan nila na may maganda daw na senior high student" sabi nang isa nilang kaibigan na si Spencer
"Maganda, tss" Franz sarcastically said
Napalingon ako sa kaniya pati mga kaibigan niya. Bakit Franz hindi ba ako maganda? Tama ka, hindi naman talaga ako maganda. Ikaw feel na feel mo na gwapo ka? Totoo naman, ang gwapo mo, gago lang.
Ngumiti lang ako sa kanya at nagpaalam na sa kanila na pupunta na ako sa room. While I was walking, nakita ko ang dean namin at ngumiti ako sa kanya. Agad siyang lumapit sa akin para sabihin na ihahatid niya ako sa classroom para ipakilala na ako sa mga kaklase ko. Ayon nakapasok na kami sa classroom at may maraming estudyante na, siguro tapos nang kumain.
Tumingin sila sa amin at agad naman silang umayos sa upoan nila dahil may dean. Nakatingin sila lahat sa akin at siguro alam na nila na ako yung new student.
"Everyone this is your new blockmate," Mrs. Apollo announced "Sige na Gray introduced yourself" she whispered
Huminga ako nang malalim bago ako nag salita "Hi everyone," I smiled "I'm Gray Raven Chen" simpleng sinabi ko
"Any questions?" tanong ni Mrs. Apollo sa mga ka blockmates ko para naman may idugtong ako sa introduction ko
Ang daming kamay na nakataas. Nagulat ako roon, akala ko kasi walang ma cu-curious sa akin.
"Half Chinese ka?" a boy with a curly hair asked
"Yes and also Spanish"
Their mouths formed in to an 'o' at nag bu-bulungan na ang iba
"Kaya pala ang ganda ganda mo" a girl smiled cutely
Umiling ako at tumawa nang mahina
"Any talents?" a girl infront of me asked
"Well..... I can sing?
Kinakabahan agad ako dahil doon. Alam ko naman kapag may magtanong nang ganoon at sabihin mo na may talent ka, dapat may sample.
"Sample! Sample! Sample!" everyone said, excited sila na marinig akong kumanta
Naaalala ko tuloy si Franz kahapon. Naaalala ko yung pinatugtug niya, 'I Had Nothing'. Nag desisyon nalang din ako na yun nalang ang kakantahin ko.
I took a deep breath bago ako nag simula. Tahimik na ang aking blockmates. Nagsimula na rin ako sa pagkanta.
"Can't run from myself.
There's nowhere to hide...
Don't make me close one more door.
I don't want to hurt anymore....."
At hanggang sa natapos ko yung kanta. Umingay ang aking mga ka blockmates, nagsitayuan ang iba, ang iba naman ay pumalakpak nang malakas. Napangiti ako non, masaya ako dahil masaya sila.
Tumingin ako sa dean namin at nakita kong pumalakpak din siya. Pagkatapos tinuro na rin niya kung saan ako u-upo. Dinirekta ko ang aking paningin kung saan yun. Nasa likod iyon, may nakita akong bakante na upoan at ang katabi ko naman ay lalaki na pamilyar sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/227223654-288-k848994.jpg)