*Play the music: Tagu-Taguan by: Moira Dela Torre*
It's been 2 days na since me and Calleon saw each other. Pagkatapos niya akong hinatid sa gabing iyon, hindi na siya muli pang bumisita. Na curious ako pero baka naman may nangyari sa bahay nila kaya hindi siya bumisita. Hindi naman ganito noon. Kapag nandito siya sa Argao, palagi naman kaming magkikita, walang araw na hindi siya bumisita dito sa amin, minsan kasama niya si Callean yung twin niya.
"Manang Fely!" I shouted as soon as I saw their maid na si Manang Fely
Nakita kong nagulat siya sa aking presensya dito sa bahay nila Leon. Ngumiti ako sa kaniya pero hindi nakangiti si Manang sa akin, parang may mali, hindi namin ganito noon. Noon kasi kapag nakita ako ni Manang Fely ay ngumingiti siya pero ngayon, wala. But I set it aside.
"Si Leon po? Andyan po ba?" tanong ko sakanya, Andito ako sa labas sa gate nila, wala naman akong balak pumasok, gusto ko lang talaga malaman kung saan si Calleon.
"U-Uh n-natutulog pa kasi Ven, may lagnat ata eh" nauutal na sambit ni Manang Fely
"Ahh ganon po ba? Kaya pala hindi kami nagkita o hindi siya bumisita sa aming nung nakaraang araw." napakamot ako sa ulo ko "Sige po Manang babalik lang siguro ako bukas" I smiled at saka umalis.
Kinabukasan, pumunta ulit ako doon, nakita ko si Manang Fely, kumaway ako sa kaniya at ngumiti nung tumingin siya sa akin. Sinuklian lang niya ako nang malungkot na ngiti.
"Manang si Leon po? Okay na po ba siya?" nagalalang tanong ko.
I have this bad feeling that I can feel simula nung tinanong niya ako sa simbahan.
"Paano pag aalis na ako?"
Hindi ko nalang pinansin ang pakiramdam na iyon, baka naman kasi dahil lang ito sa pag o-overthink ko.
Kung umalis man si Leon alam ko na aalis siya kasi nagpapaalam naman siya sa akin eh. Imposible talaga na nakalimutan niyang magpaalam sa akin. Tumingin ako kay Manang at nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.
Naghintay ako sa sasabihin ni Manang pero wala siyang sinabi, nakatingin lang siya sa akin. Ngunit, ngumiti parin ako sa kaniya, hindi ko pinahalata na malungkot ako, hindi ko pinahalata na ang dami dami nang pumasok sa aking utak at nagugulahan na ako.
"May lagnat parin po ba? Ahh sige po babalik nalang po ako bukas" masigla kong sambit kay Manang.
Naglakad na ulit ako, at hindi ko na napigilan ang aking sariling umiyak. Kanina ko pa itong tinatago ang aking nararamdaman. Umiiyak lang ako habang naglalakad.
Hindi ako bumalik doon kina Leon kinabukasan, dahil dinala ko si lola sa hospital, nakita ko kasi siya sa garden, siguro nagdidilig tapos nawalan siya nang malay. Umiiyak ako habang tiningnan ang aking Ama (lola in chinese) na natutulog sa kama ng hospital. Papunta na si Mommy at Daddy dito, siguro mamaya pa sila dadating kaya dito muna ako at babantayin si Ama.
Sabi ng doctor na wala naman sakit si Ama, siguro sa init lang daw iyon, kailangan lang daw magpahinga muna, at iwasan din na lumabas siya para hindi maiinitan muli.
Maya maya, dumating na si Mommy at Daddy dito sa hospital. Nag alala ang kanilang mga mukha sa akin at kay Ama. Lumapit ako kina Mommy at Daddy. I hugged my Mom and cried. Humigpit ang kaniyang yakap sa akin at mas lalo akong umiyak. My Dad also hugged me while Mommy is hugging me, ngayon sila nang dalawa. Hinalikan ni Dad ang aking ulo. I needed this, I needed this comfort.
"Gray, anak, when your Ama wakes up, babalik na tayo sa bahay, okay? Uuwi na tayo si siyudad" Mom told me, while caressing my hair, ang ulo ko na sa balikat niya.
I didn't like my Mom's idea, I still have 3 days dito sa Argao at hindi ko pa nakausap o nakita si Leon. Gusto ko siyang makita, pero hindi kasi siya lumalabas. Susubukan kong pumunta sa bahay nila mamaya.
Tumango lang ako at nagpaalam na pupunta ako sa bahay nila mamaya.
There was no one in there garden, andito ako sa labas nang gate nila Calleon, for now no more smiles, I'm tired. I looked back, because I heard a car behind me. I saw their car, Leon's car. Tumingin lang ako dito at hindi na lumapit. Bumukas ang shotgun seat, at nakita kong bumaba si Leon doon. I can feel my heart hurting while looking at his face, with no smiles. He was just looking at me seriously.
Humakbang ako papalapit sa kaniya pero bago pa man ako makalapit sa kaniya, umatras siya. I stopped, it hurts so bad, watching him being distant, like I'm some kind of a virus. Tears were starting to form at the side of my eyes. My heart is beating so fast, my hands are shaking, because of fear, the fear of losing someone very exceptional to me, and when I lost that someone, a part of me will be lost too.
I sadly smiled at him and expecting a word or a reaction from him, but he remained serious. I looked through Calleon's eyes, but I saw nothing.
And just that, he went inside his car, before I could even embrace him... He left me hanging, he left me with nothing but... Pain.