MMB 09: MR.STRANGER
It will be okay in the end... If it is not yet okay, Then it is not the end...
--
Monday
Achuu A-a achuu~
Lahat ng madaanan ko napapatingin saakin. Agaw atensyon naman kasi tong pagbabahing ko.
Achuu~
*Sniff*
*Sniff*
Dahil siguro toh dun sa pagpapaulan ko nung last friday. Nung araw na nalaman ko na ang lahat. Yung alin ang sa totoo at sa hindi.
Achuu~
Ang sama ng pakiramdam ko. Feeling ko lalagnatin ata ako. Hay!!! Wag naman sana. Malapit na ang finals kaya hindi ako pwedeng magkasakit.
Paliko na ako ng biglang may kung sino ang pumatid sakin na syang dahilan para matumba ako.
*BLAG*
Pagtingin ko yung mga limang babaeng mga baliw na fan girls lang naman ni Tex. Pina-ikutan nila ako habang nakasalampak sa sahig.
"Oops! I'm not sorry, Ang lampa mo naman kasi." Mapang asar na sabi nung isa sakanila.
"Hindi pagiging lampa ang pagtumba kung pinatid ka." Matapang na sagot ko.
"Sumasagot ka ha, Ito sayo." Hinila nung isa yun buhok ng walang pakundangan at pinag tatadyakan naman ako nung ibang kasamahan pa nito.
Kahit gusto kung lumaban hindi ko magawa. Madami sila isa lang ako.
"Tama na!" Mangiyak-ngiyak na sabi ko sa mga ito.
"Tama na? Huh! Bagay lang toh sayo, You flirt. Akala mo kung sinong maganda.. Malandi lang pala talaga." Sabi nung isa na may hawak sa buhok ko.
"Please.. Tama na." Umiyak na pakiusap ko pa.
"HEY! What do you think your doing huh?" Sabi nang kung sino. Dahilan para mapatigil ang mga babaeng nananakit saakin.
"All of you, Stay away from her." Dagdag pa nito.
Sinubukan kong tignan sino man ito, Pero dahil sa sobrang bugbog na ang katawan ko. Nanlabo na ang paningin ko tsaka nawalan ng malay.
***
Nagising ako na nasa clinic na ako. Kung paano ako napunta dito? Ay siyang di ko alam.
Basta ang alam ko naglalakad ako papuntang room ko ng pinatid ako at pinagtulungan ng mga fan girls ni Tex then may umawat tapos.. Tapos Hmmm wala na. Hinimatay nako. Naputol ang pag iisip ko sa mga nangyari nang pumihit pabukas ang pinto.
*Eeeeek* ( The door has opened )
Oh yung nurse pala.
"Mabuti naman at gising ka na."
"Ahh Opo. Kanina pa po ba ako dito?" Tanong ko.
"Mga dalawang oras na din. Sakto nga lang gising mo uwian na."
O_O
"Hooo?" Ang tagal naman.
"Haha.. Natural lang yun, Nabugbog kasi yung katawan mo. Grabe nga yung nangyari sayo e. Tignan mo oh.. Puro ka pasa at gasgas, Napaka talaga ng mga estudyante dito noh. Tsk tsk" -Nurse
Napakamot naman ako sa ulo ko.
"Hindi naman po lahat."
"Ai Oo naman, May mababait din. Gaya mo tsaka yun gwapong lalaking nagdala sayo dito." Sabi ng school nurse na may malawak na ngiti sa labi.
Nagdala?? Oo nga. Sino nga ba?
"Huh? Gwapong lalaki? Sino po?"
"Yung gwapo. Hindi mo ba yun kilala? Yung matangkad, maputi, mala-close up din ngumiti.. Hmmm basta yung gwapo."
-_-
"Eh? Ang daming pong ganun dito sa school nun a."
"Hindi... Hindi naman ata yun taga-rito sa school. Iba yung uniform niya." A lot of ??????? Ibang uniform pero nandito sa school? Anlabo.
"Ganun?"
"Oo yata? Siguro? Eii Ewan.. Oh siya umuwi ka na, Nang makapag pahinga ka pa ng maigi. Anong oras na din e."
"Uh-uh Opo, Thank you po." Paalam ko sa school nurse tsaka tumayo na para umuwi na. Hay!! Panu toh ngayon? Anong sasabihin ko sa tita pagnakita niya itong itsura ko??
Bahala na nga lang..
Pero still I'm curious kung sino ba yung nagdala sakin sa clinic. Sa malamang siya din yung umawat sa mga babaeng ng harassed sakin kanina.
REC•
Kung sino ka man ng nagligtas at nagdala sakin sa clinic, Maraming salamat. I hope to see you soon.. Para naman mapasalamatan kita sa personal. Again thank you.
Save~
To be continued...
***
»»»|LEAVE A COMMENT GUYZ..
*Don't steal my work PO, Hala ka! Bad yun.
*Sorry sa typo's.
BINABASA MO ANG
My MEAN Boyfriend
Historia CortaHe MEAN the world to me. He MEAN everything to me. Even if he's so MEAN to me. My name is Gillette Velasco and this is my story.