MMB 03:|D'OTHER SIDE|

141 7 2
                                    


MMB 03: D'OTHER SIDE

Its hard to tell your mind to stop loving someone when your heart still does.

--

51 missed calls...

Galing lahat kay Tex,

Puro lang siya lahat missed calls, Di naman yung nagti-text ayaw nya nun.

Ilang araw na akong di nagpaparamdam kay Tex.. Simula nung pagkakita ko sakanya sa mall. Hay!! Di ko pa kasi kaya. Masyadong masakit pa.

Dahil matagal akong di nakalabas ng bahay naisipan kong maglakad lakad sa village kasama ang aso kong si Bombay. Bigay to sakin nung weird na lalaki sa may playground noon. Aba ito ata ang bestfriend ko na baby ko pa.

Habang naglalakad kami biglang tumabok si bombay. Kaya hinabol ko naman ito:

"Bombay!! Bumalik ka--." Nabitin sa ere lahat ng sasabihin ko sa nakita.

Natagpuan kong hawak sya ng taong gustong-gusto kong makita at the same ayaw din. Magulo ba?

"Let's talk."

This is it...Bombay cheer me up plsss.

Napadpad kami sa park at heto't pareho kaming nakaupo sa swing na walang imik, Mga ilang minuto din bago ito nagsalita.

"Bat di mo sinasagot yung mga tawag ko?"

"Magbreak na tayo." Walang emosyon sabi ko lang rito.

"WHAT?" Napatayo naman ito agad sa sinabi ko.

"Ayoko na." I give up on him.

"Aish! Anong ayaw mo na?"

"Pwede ka ng nakipag date sa lahat ng babaeng na gusto mo."

"GEEZ WAG KA NGA, AT SINONG MAY SABING GUSTO KONG MAKIPAG DATE SA IBANG BABAE AH? TANGA NITO...BAT KO NAMAN GAGAWIN YUN EH MAY GIRLFRIEND NAKO AT IKAW YUN. SO KUNG MAY KAILANGAN MAN MAGDATE ..TAYO YUN." Sigaw nito.

Sa tagal naming magkarelasyon ngayon ko lang siyang narinig magsalita ng ganun kahaba.

"Pero---."

Di ko na natapos ang dapat kong sasabihin ng bigla nya akong kabigin at marahang halikan sa labi.

>//////////////<

Hindi ito first kiss namin, Actually pang siyam na kiss na namin toh. Panung nangyari yun? Ninanakawan ko sya ng halik pag tulog. Hehe naughty me I know.

Naramdaman kong kinakagat-kagat nya yung lower lip ko.

Gosh ...Ang lambot-lambot ng lips nya.

Ilang minuto din kaming naghalikan. Nang nahahapo na ako at kinakapos sa hininga ay ako na mismo ang pumutol ng paghahalikan namin kahit gustong-gusto ko pa. Landi~.

"P-Papatayin mo ba ako?" Hingal kong asik dito.

"Oo!! Talagang papatayin kita... You're breaking up with me?! Alam mo ba yang pinag sasasabi mo?! Ha?"

"Eh ikaw kasi."

"Ako pa ngayon? Ee ikaw nga tong di nagparamdam ng ilang araw diyan di mo pa sinasagot mga tawag ko."

"Eeeeeeeiiiiiii Kasi akala ko...Nakita ko."

"Nakita?"

"Oo, Ikaw...Kayo nung babae mo sa mall nung nakaraan." Nakutusan naman ako nito.

"Aray ah." Daing ko.

"Gago ka pala eh. Wala akong babae..Yung sa mall? Walang kwenta yun. Para kaya sayo yun."

"At panung naging para saakin yun? Eh ilang araw ko ngang iniyakan yun."

"Bobo mo...Iginante lang kita dun sa sugpo na yun, Dahil sa kanya kaya lagi kang dinadarag ng mga babaeng baliw sa school."

"Alam mo?"

"Ay hindi...Hula ko lang. Igagante ba kita kung wala akong alam." -_____-

Sa sobrang kaligayahan eh nayakap ko na lang ito.

"Thank you Tex...I love you talaga."

"Bati na tayo ah."

"Anong sagot mo dun sa I love you ko?"

"Bakit tanong ba yun?"

"Ehhhhh."

"Break na lang."

"Grr Salbahe nito."

"Kaartehan kasi." -_-

Kahit kelan toh. HMP!! Wala man lang ILOVEYOU TOO talaga.

REC

Pinaliwanag na saakin ni Tex lahat di naman talaga sya nagtaksil. Okay aaminin ko na kasalanan ko na nagconclude kasi ako kagad. Malay ko ba naman kasi diba? At kaya pala di nya ako nahatid ng isang araw pauwi dahil nakipag bugbugan lang naman sya sa kateam mate nya at kung bakit? Hindi ko alam. Kailan pa naging basagulero ang isang yun? Yung nakita ko naman daw sa mall walang lang daw yun pinagsabihan nya lang daw yun babae para tigilan ba ako. Sweet diba? Kahit di nag i-I love you yun sakin okay lang. Natural na sakanya yun. Pinaglihi sa ampalaya e.
Ang important naipapakita naman nya. Minsan nga lang. Hehe...

Save~

Kung si Eya ng (Diary ng panget) sa diary nagsusulat ng hinaing sa buhay at si Steff ng (Campus royalties) sa Cellphone puwes iba yung akin. Yung sa aking voice record katamad magsulat kasi tsaka magtype e. HEHE

***

»»»| VOTE? COMMENT PLSSSS.

*Sorry sa mga typo.

My MEAN BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon