Chapter 55: "Lost and Found"

654 38 11
                                    


MAICA ENTRATA

1 WEEK LATER

Alas diyes na ng gabi at abala akong mag impake ng mga namin ni Bebe Lucas para bukas ang nakatakdang araw sa first ever major walk ko sa Dubai Fashion Week sa linggo and guess what? ako ang daw ang kauna-unahang filipina na maka sama doon diba nakaka overwhelmed kaya excited na ako at hindi mawawala ang kaba. Naging maayos ang aking audition at sa pambihirang pagkakataon ay natanggap ako at ito na nag pag kakataon kong rumampa sa Dubai Fashion Week.

Hindi parin ako makapaniwala sa mga blessings at pagbabago sa aking buhay. Hindi ko akalain na dadating ako sa punto na makabilang ako sa pagiging isang modelo. Nag umpisa ito lahat noong nakilala ko si Mr. Robin sa isang mall isa siyang sikat na photographer dito sa pilipinas at ipinakilala niya ako sa mundo ng pag momodelo. Hindi naging madali nung umpisa may mga times na gusto ko nang sumuko dahil feeling ko hindi ako bagay sa ganito pero nilakasan ko ang loob ko ito nadin siguro ang way para muli akong bumangon at iupgrade and sarili ko bilang si Mai version 2.

Yes, Mai na ang ginagamit ko bilang screen name ngayon. Halos mag dadalawang taon na ako sa industriya na ito. Unti unti akong nakikila ng mga magazine companies at isa ako sa mga napipili at nakukuha bilang cover nila at minsan kasama ko pa ang ilang sikat na mga artista dito sa pinas.

"Mama....." Malambing at utal utal na boses na pag tawag ng aking bebe na si Lucas habang nakahiga sa kama at umiinom ng kanyang gatas sa bote.

Si Bebe Lucas Anjohn siya ang anghel ko at inspirasyon ko sa buhay ngayon siyempre kasama nadin ang aking pamilya. Mag two years old na si Bebe Lucas sa Disyembre ng taon ito. Wala man siyang kinikilalang Papa ay maayos kong napalaki ang anak ko sa tulong ng aking kapatid at magulang. Noong una ay hindi matanggap at makapaniwala ang pamilya ko sa nangyari at hirap na dinanas ko sa bansang Germany.

(FLASHBACK)

Nakasakay ako sa pribadong eroplano papauwi ng pilipinas hindi ako makapaniwala na babalik na ako. Hindi ko parin mapigilan ang sarili ko sa pag iyak. Iniisip ko ang reaksyon ng aking mga magulang ano na lang ang mukhang maihaharap ko sa kanila pag nakita nilang ganito ang kalagayan ko? Kung nakinig lang siguro ako sa kanila hindi mangyayari ang pait at sakit ng mga ito sa akin. Nabigo ako... naging pabigat lang ako sa aking pamilya imbis na makatulong at itaguyod sila.

Bakit hindi ka dumating......Edward?. Bakit... iniwan mo ako?........pati ang batang dala ko sa aking sinapupunan na naging bunga ng ating pagmamahalan...akala ko pa ipaglalaban mo ako? Bakit sa huli ay hindi ako ang iyonh pinili?.

Tanging nasasabi ko sa isip ko habang patuloy akong humihikbi. Sobrang sakit nang nararamdaman ko ngayon na parang tinutusok ng isang milyong karayom ang puso ko ramdam ko din ang panginginig at panghihina ng aking katawan.

"Miss are you okay?." Pag aalalang tanong ng isang stewardess sa akin habang hawak ang likod ko at marahang tinatapik.

Hindi ko nagawang makasagot dahil patuloy ang agos ng luha sa aking mga mata....ilang oras din ako bago kumalma at hindi ko na namalayan na naka tulog na ako dahil sa pagiyak ko sakitat pagka talo ang namumutawi. Hindi ko na alam ang oras hanggang sa naramdaman kong may tumatapik sa akin dahilan ng aking pag ka gising.

"Miss Maica, please wake up nandito na po tayo sa Pilipinas."

Isang mahinhin na boses na pag bati ang gumising sa aking habang unti unti kong minumulat ang aking mga mata...

Ahhh...ang pilipinas...naka uwi na ako......sa wakas....

Nasambit ko sa aking isip na sa wakas wala na ako sa impyernog lugar....ipinapangako ko sa sarili ko muli akong babangon mag sisikap sa buhay at isang araw ang mga taong nanakit...nangiwan,nangmaliit,at nag alipusta sa akin ay sila ding luluhod sa aking harapan.

Wild Temptations II [R-18] -MayWardWhere stories live. Discover now