MAICA ENTRATA
Sa pag baba ng tawag sa akin ni Kuya Vincente ay agad akong tumakbo papunta sa information desk kung saan nandoon sila ni Bebe Lucas salamat po Lord! Hindi niyo pinabayaan ang anak ko. Kung sino man ang nakakita kay Bebe Lucas ay ituturing ko yung isang utang na loob sa kanya. Mabilis akong tumatakbo ngayon kahit na nakakabunggo na ako ng ilang mga tao ay nag sorry na lamang ako. Pag karating na pag karating ko sa tapat ng information desk ay nakita kong palinga linga si kuya na parang may hinahanap na kung sino.
"Kuya Vincente! Bebe Lucas!!!." Malakas kong pag tawag sa kanila habang nag lalakad papalapit sa kinatatayuan nila at lumingon naman sa direksyon ko. Naging maluwag naman ang pag hinga ko nung nakita ko na si bebe Lucas.
"Maica!...hinahanap ko ang lalaking nag dala kay Lucas dito pero bigla siyang nawala parang bula." Pag sabi ni kuya sabay dahang dahang ini-abot sa akin si bebe Lucas.
"DADAAAAA!!!." Bigla naman pag sigaw ni bebe Lucas habang may tinuturo siya sa kung saang direksyon nung buhat buhat ko na siya na tila ba gusto niya ako papuntahin sa direksyon na iyon.
"Did you get scared bebe Lucas ko? Sorry....Mama is so careless...." Pag sasabi ko kay bebe Lucas habang kinikiss ko ang pisngi niya. Guilt ang nararamdaman ko dahil sa kapabayaan ko.
"Sayang hindi mo manlang naabutan yung lalaking nag dala kay Lucas dito." Pag sabi naman ni kuya na halatang nanghihinayang.
"Ok lang yun kuya, kung nasaan man siya ngayon ay malaki parin ang utang na loob ko sa kanya." Sagot ko naman kay kuya Vincente.
Bumalik na kami sa lounge area kung saan nag aantay sa amin sina Nanay at Tatay na halata sa kanilang mga mukha ang labis na pag alala. Agad na tumayo si Nanay sa pag kakaupo niya sa sofa at dali daling lumapit sa akin kasabay ng pag yakap sa amin ni bebe Lucas.
"Buti naman anak nakita niyo si Lucas..." Pag kakasabi ni Nanay Lorie.
"Oo nga Nay, salamat talaga sa lalaking nakakita kay Lucas." Si Kuya Vincente.
"Pag palain sana siya ng Panginoon." Si Tatay.
Ilang minutong biyahe mula sa airport ng makarating kami sa hotel na aming tutuluyan napaka laki at kita mo kung gaano karangya ang itsura nito modernong moderno at pati ang mga gold na disensyo na nakaukit sa kisame at pader nito. Malugod kaming sinalubong ng mga tauhan ng hotel may ibang mga pilipino ang nakakakilala sa akin dun kaya kinawayan ko sila at nag pa picture.
Tapos non ay tumuloy na kami sa aming hotel room 266 kasama pa namin ang ibang staffs para tulungan at ipaliwanag sa amin lahat ng mayroon sila sa hotel na ito at kung ano ano pang features. Napaka laki ng kwarto na ito may napaka laking kama na kulay ginto ang frame. Mapapanganga ka nalang talaga kung gaaano kaganda ito. Agad ko naman ibinaba si bebe Lucas sa kama sabay humiga. Sarap sa pakiramdam ahhhhh... Bigla ko naman naramdaman si bebe Lucas na humiga sa bandang tiyan ko habang nilaro-laro pa ang aking mga daliri napa ka cute!.
"Anak, ano oras daw pala ang meeting niyo ng designer?." Pag tanong naman ni Nanay Lorie habang ina-ayos ang mga gamit namin.
"Mamaya pa gabi Nay, 6pm kaya siguro magpapahinga muna ako." Nanlalatang sagot ko. Sobrang bagsak ang katawan ko dahil sa pagod plus kulang pa sa tulog kaya nakakaramdam ako ng antok.
"Hoy! Pangit! Ano ka bang babae ka?! naka suot ka pa ng sapatos mo tapos nahiga ka na agad? Tsk!." Sigaw ni kuya Vincente na nag rereklamo sa akin pero nararamdaman ko naman na tinatanggal niya ang suot kong heels.
"Hayaan mo na Vincente pagod yan...hayaan muna nating mag pahinga." Sabi naman ni tatay Paulino.
"Salamat Tay!!!." Sagot ko kay tatay dahil siya lagi savior ko pag dating sa kuya kong mapang asar.
YOU ARE READING
Wild Temptations II [R-18] -MayWard
FanfictionINTRODUCTION: The second book and continuation of "Wild Temptations1" Edward and Maica got their ways separated Many years passed Maica started a new life she auditioned to be a model in a big magazine company. Her life changed and succeeded now s...