Chapter #28 - Who's who

720 22 1
                                    

Third Person’s POV

Masayang namamasyal sina Shane, Serenity at Mark sa mall para mag enjoy. Nagsimula silang magpunta sa play room para makapag enjoy si serenity. At kita naman sa mukha ng anak na excited ito na makalaro sina Shane at Mark. Bihira lang din na makasama nila sa ganitong bagay si serenity sa kadahilanang ipinagpatuloy ng dalawa ang pag-aaral sa America hanggat sa matapos sila at napag desisyunan na nga na makauwi sa pilipinas.

“Mommy, Dada, I want to go to that fun house first. Let’s go there! Gusto ko mag bounce bounce” wika ng anak.

“Sure baby. Kung saan mo gusto” sagot naman ni Shane.

“Yehey! Punta tayong fun house” Masayang wika ng bata.

They are enjoying their time as family. And at the end of the day, nagyaya na si Serenity na bumili ng toy na ireregalo niya sa bago niyang kalaro. Nagpunta agad sila sa toy section para maghanap ng laruan na sa tingin nila ay magugustuhan ng anak nina Lyka at Robin.

“What toy would you like to buy for your new playmate baby?” tanong ni Mark sa anak.

“I don’t know daddy. Sayang kasi hindi Girl and anak nila Tita Lyka at Tito Robin. That way, alam ko kung ano talaga ang magugustuhan niyang toy” Wika ng anak. “Ikaw nalang ang pumili Dada. You’re a boy. I’m sure alam mo kung ano ang pwede natin iregalo sa bago kong playmate”

“Sure baby. Umm… dun tayo sa may maraming toys for boys” turo ni Mark sa lugar na napakaraming kotse, baril-barilan at kung ano ano pang mga laruang panlalake.

“Okay, Dada” sagot ni Serenity at mabilis na hinila si Shane at Mark.

Tumingin tingin sila ng maaring iregalo sa anak nina Lyka. Malakas na Humalakhak ang bata ng makita ang isang toy car na pwede nila sakyan at paandarin. “Dada, Mommy this looks cool parang yung pag-Drive lang ni Dada. Eto nalang Mommy ang regalo natin sa bago kong playmate” masayang sambit ng bata.

“Sure baby. Let me call muna ung nag-handle dito para ipa pack na yung toy car” Sambit ni Mark at umalis muna para maghanap ng mag-aasikaso sa pagbili namin sa laruan.

Sandali lang at lumapit si Serentity kay Shane at parang hindi maipinta ang mukha na hinila ang palda niya. “What is it baby?” tanong ni Shane sa anak.

“Mommy, gusto ko po makalaro yung bago kong playmate gamit ung reregalo natin sa kanya. But that car is for boys. I want a toy car to mommy. For girls”nakasimangot na sabi ni Serenity.

“Are you sure baby? Diba mas hilig mo ang dolls kase ang pretty nila?” si Shane.

“Yes I like dolls mommy. But I want to play a toy car too. It looks cool. Please mommy… pretty please…” at nagpa-cute na si Serenity.

Napailing nalang si Shane sa trinato ng anak. “Okay then” sagot niya kaya naman nagtatalon sa tuwa si Serenity.

“Yehey! Yes! Yes! Yes! Bibili din ako ng car! Tara na mommy dun sa may laruan ng mga girls baka nandun yung car na pan-girl” mabilis na sabi ni Serenity at Tumakbo papunta sa dereksiyon kung nasaan ang mga laruan na panbabae.

“Baby, wait! Slow down” sigaw niya sa anak ngunit nagpatuloy parin ito sa pagtakbo kaya naman hinabol niya na ito. Ngunit dahil kay Serenity lang siya nakatingin hindi niya napansin ang lalake na dumaan sa harap niya kaya naman nabunggo niya ito at natumba siya.

“Oh gosh miss. I’m sorry. Are you hurt?” sambit ng lalake at tinulungan siya tumayo.

“No it’s fine. I’t my fault anyway. Hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko” sambit niya at pilit na hinahagilap ng mata kung saan na nagpunta si Serenity.

Aalis na sana siya para hanapin ang anak ng bigla siyang hawakan ng Lalake sa braso.

“Shane?” takang tanong ng lalake.

Mabilis naman siya na humarap ulit sa Lalake. “You know me?”


Mark’s POV

“Dada!” rinig kong boses ni Serenity.

“O baby, bakit ka nandito nasan yung mommy mo?” tanong ko sa kanya.

“I don’t know Dada. Inaya ko kasi si Mommy na Bili din ako ng toy car na pang-girl naman tapos tumakbo ako dun sa maraming toy for girls tapos po hindi ko na nakita si Mommy” sagot niya.

I sigh and kneel para mapantayan si Serenity. “Dapat kasi Baby hinintay mo si Mommy. Let’s go find her baka nagaalala na yun kung saan ka nagpunta” sambiit ko sa kanya at bumalik kami sa kung saan ko sila iniwan kanina. Habang papunta kami doon ay naaninag ko na agad siya na kausap ang isang lalake…

Fuck! What the fuck is he doing here?

Mabilis namin nilapitan sina Shane at hinila siya palayo sa lalake. “O Mark” bati niya sakin at natuon ang atensiyon niya kay Serenity. “Baby, buti naman at nakita mo ang Dada mo. Nag-alala ako sayo” Sambit niya kay serenity at binuhat ito.

Hindi ko parin tinatanggal ang tingin ko sa lalakeng nakatayo ngayon sa harapan namin. “Kilala mo siya, Mark” Tanong ni Shane.

“Yeah… Yes I know him… very well” sagot ko. “Kamusta na?” Tanong ko dito.

Hindi naman siya sumagot at pilit kaming pinakatitigan. “Umm… Mark? Miind telling me who’s this friend of your? He seems to know me” sambit ni Shane at kumapit sa braso ko.

“He’s my dear friend. His name is… Gino” sambit ko na para bang nagdadalawang isip kung dapat ko ba talaga siya pakilala sa kanya.

“oh… Hi then. Nice to meet you” at inandot at kamay niya dito. Saglit lang at kinuha din yun ni Gino.

“Hi” maikling bati nito.

Pinakawalan naman agad ni Shane ang kamay nito at ngumiti. “So I guess you already know me kaya naman hindi na ako magpapakilala” masayang sabi ni Shane.

Si Gino naman ay nakatitig parin sa kanya na para bang nagtatanong. I broke the Silence by getting Serenity from Shane and saying… “ And this is our daughter. Serenity” sabi ko at ngumiti sa kanya. “Serenity, say hi to tito Gino” sambit ko habang nakatingin lang sa reaction ni Gino.

“Your daughter? Both of you?”  di makapaniwalang tanong niya.

Ngumisi ako sa kanya at inakbayan si Shane. “Yes” maikling sagot ko. “Mauna na kami bro, may gusto pa kasi bilhin aitong anak namin” sambit ko at tinalikuran na namin siya.

Hindi na ako papayag na saktan mo pa si Shane, Gino. Akin na Shane ngayon. Masaya na kami. Kaya naman hindi ko papaya na makuha mo pa siya sakin.

~• to be continued •~

Hi there my dear readers... I'm very sorry for the slow update. I know marami sainyo medyo naiinis na sakin. Pagpasensyahan niyo na ako. I have my personal reasons kaya di ako agad nakapag update. But still thank you parin sa mga nag-aantay at patuloy na pagsupporta sa 'The life of the gangster queen'

Love you guys and thanks for the support *muah*

The Life of the Gangster QueenWhere stories live. Discover now