Chapter 7

1 0 0
                                    

Transferee
Chy's POV

Maaliwalas ang panahon. Naupo ako sa duyan na yari sa kahoy dito sa bakuran namin. Ang saya ng pakiramdam ko.

Nadako ang tingin ko sa mga bulaklak na tanim ni mama. Ang lulusog nila habang dinidiligan ni mama. Ni mama? Napatayo ako sa pagkabigla.

"Ma?"marahang tawag ko sa kanya. Nilingon nya ako nang nakangiti.

Nilapitan nya ako at mahigpit na niyakap. Hinawakan nya ang suot kong kwintas matapos namin magyakap. May mga ala-alang nagbalik sa akin. Mabigat ang loob ko sa mga ala-alang iyon.

Nang balingan ko ulit si mama ay wala na sya sa kinatatayuan nya kanina. Nilibot ko nang tingin ang buong paligid. Wala sya? Unti-unting umikot ang paligid at naging madilim ang lahat.

"Zyn? Zyn? Zyn?!"tawag ng kung sino.

Nagmulat ako ng mga mata nasa tabi ko si ate Leng. Nag-aalala na nakatingin sya sakin.

"Binabangungot ka ba? Naungol at umiiyak ka"tanong nya.

"A-ate Leng napanaginipan ko si mama. First time nyang nagpakita sakin"masaya kong kwento sa kanya.

"Pawis na pawis ka"sabi nya habang pinapahid ang pawis ko.

"Mag-almusal na tayo"yaya nya bago tuluyang tumayo at lumabas ng kwarto ko.

Napabalikwas ako. Yung panaginip ko kagabi. Nagmamadali akong bumaba papuntang bakuran. Umikot ako sa nag-iisang puno ng manga kung saan ko nilibing yun. After mamatay si mama ay inilibing ko dito ang lahat ng makakapagpaalala sa kanya.

"V! Z! Namiss ko kayo!"natutuwang niyakap ko ang dalawang chibi doll na regalo sakin ni mama noong 7th birthday ko. Nakalibing ito kasama ng ilang mga pictures namin ni mama at lumang music box.

Binuhat ko ang plastic na kahon na pinaglalagyan ko ng mga iyon. Umakyat akong muli sa kwarto ko. Pinakatitigan ko ang mga bagay na nakalalatag sa kama ko.

Kinuha ko ang lumang music box. Isa itong treasure chest na gawa sa kahoy at may maliit na kandadong ginto. Binuksan ko ito gamit ang susing nasa necklace. Bumukas ito at lumitaw ang dalawang anghel naumiikot-ikot sabay sa saliw ng tugtog ng music box.

Naalala ko ang araw na iabot sakin ni mama ang music box. Dahil ang araw na iyon ang huli namin pagkikita bago sya tuluyang pumanaw.

Hindi ko mapigilang umiyak sa hinagpis na nararamdaman ko. Niyakap ko sina V at Z. Kaya nga ba inilibing ko ang mga ito dahil sa mga ganitong pagkakataon. Hindi ko maiwasang magsenti.

"Zyn, kain na kanina pa kita ini-in-tay..."bungad ni ate na bahagyang nagulat sa hitsura ko.

"Oo nga pala"masigla kong sagot at pinalis ang mga luha ko. Nilapag ko na rin sina V at Z sa kama.

"Bakit ka umiiyak?"nag-aalalang tanong nya na agad akong nilapitan.

"May naalala lang po ako"pilit ngiti kong sagot. Marahil ay nagets nyang ayaw ko ng pag-usapan pa.

"Tara na"malungkot na aya nya.

Tuluyan na kaming lumabas para mag breakfast.

*Monday morning*

Maingay na tunog ng alarm clock ang gumising sakin. Nagmulat ako ng mata pero hindi na muna ako bumangon. Nakakatamad naman pumasok.

Ilang minuto pa ay pinilit ko ang sariling maligo. Nang magbihis ako napansin kong nawawala sina V at Z sa kama ko. Hinanap ko sila. Sa ilalim ng Kama, sa kabinet, sa lagayan ng labahin. Wala? Saan sila napunta?

That Guy From NowhereWhere stories live. Discover now