Chapter 4

1 0 0
                                    

Who the hell?
Chy's POV

Paper clip? Inilabas ni Randy ang baliko at tinuwid na paper clips. Ilang minuto pa ay nabuksan nya ang pinto ng faculty room.

"Dati ka bang carnapper o bukas- bahay gang?"bilib na bilib na tanong ni CJ na naka-thumbs-up pa.

Ngimisi lang si Randy sa kanya at nagpatiuna sa pagpasok. Tinanaw namin ang madilim at malawak na faculty room.

"Tara!"
"Teka!"

Halos sabay namin bigkas ni CJ.

"Sasaglit lang ako sa mesa ni Sir Cortez kinuha nya kase yung bagong book ko ng boko no hero"maramdamin nyang sambit. Wala naman sa amin ang pumansin sa kanya.

"Sa pinakahuling mesa sa kaliwa, doon ang desk ni Miss"sabi ko naman kay Randy.

Hinayaan namin na lumaboy si CJ ang kulit kase. Sinamahan ako ni Randy sa mesa ni Miss. Si Cedrick naman ang look-out.

Binuksan namin ang computer ni Miss. May password. Ano kaya? Nilibot ko ng tingin ang buong table para makakuha ng idea. Si Randy Kung anu-ano ng tinatype. Tapos nakita ko ang calendar nya naisip ko agad na baka birthday nya. Ganoon naman yung common e. Tinype ko then...shoot! na-open ko din. Kinopya nya yun sa USB na dala nya nang biglang...

"Guys, may paparating na gwardya! Tago bilis!"pabulong na sigaw ni Cedrick na patakbong nagpunta samin.

Nagpulasan silang lahat. Iniwan ni Randy yung USB pati...ako.

Natataranta kong pinatay ang desktop at nagtago sa ilalim ng table.

Nakita ko pang nagflashlight si manong habang pasipol-sipol. Nakadungaw sya sa bintana ng pinto. Binuksan nya pa iyon at ginalugad nang tingin ang buong room. Nawala ang ilaw ng flashlight at rinig ko ang footsteps ni manong palayo.

Binuksan ko ulit ung computer. Nang makitang nakopya na ang video ay ineject ko na ang USB at pinatay ang computer.

"Guys?!"pabulong kong tawag sa kanila. No response.

"Guys? Okey na yung video nakuha ko na. Asan na ba kayo? Wala na si manong. Labas na"ulit ko pa. No response. Iniwan na ba nila ako?

Sinuyod ko ng tingin ang lahat ng sulok ng kwarto. Sigurado na ako iniwan nila ako. Tinahak ko agad ang pintuan. Nilock ko ang door knob mula sa loob bago tuluyang lumabas. Mga traydor!

Mag-aalas 'syete na pala. Mag-isa akong naglalakad sa madilim at malamig na pasilyo ng aming paaralan. Naalala ko tuloy bigla yung mga kwentong mostly daw ng mga public schools ay dating sementeryo. Nangilabot ang buo kong katawan kasabay ang pagtayo ng mga balahibo ko.

Lakad-takbo ang ginawa ko para makalabas na ako agad. Bigla na lang may humawak at humatak sakin. Nagulat ako at sa sobrang takot ay hindi na nakapagsalita pa.

Tinakpan nya ang bibig ko gamit ang malamig nyang kamay. Nagtatago kami sa likod ng plant box ng isang classroom. Dumaan kase sa hallway si Manong na pasipol-sipol pa rin. Chinicheck nya ang bawat classroom.

Nakahinga ako ng maluwag nang makalagpas na sya. Naalala ko yung nasa likod ko. Nilingon ko sya. Buong akala ko ay isa kina CJ, Randy at Cedrick ang makikita ko pero hindi. Sino 'to?

"Wait kaklase ba kita?"nagtatakang tanong ko ulit.

"Hindi mo ba ako nakikilala?"sagot nya.

"Hmmm...hindi"nalilitong kong sagot.

Nangiti sya sa pagkalito ko. Cute pala sya sa close up.

Bahagya syang natawa na para bang may nakakatawa akong sinabi. Hinatak nya ako sa kamay. "Sasamahan kita palabas"saad nya pa.

Tumatakbo kami papunta ng flag pole. Malapit na ito sa main gate. Nang marating namin ay sarado iyon. Hinatak nya ulit ako at sa may eco garden naman kami nagpunta.

Mula sa malayo ay natanaw ko ang tatlong naglalakad patungo sa gawi namin. Naaninag ko ang mukha ni Cedrick kaya patakbo ko silang sinalubong.

"Saan ka ba galing?"bungad sakin ni CJ. Wow huh!

"Kayo?! Bakit nyo ako iniwan sa faculty room?!"singhal ko sa kanila. Ako pa talaga.

"Akala namin kasunod ka namin lumabas"paliwanag ni Cedrick.

"Nagpanic kami kaya nagsilabas kami. Hindi ka pala sumunod"paliwanag ni Randy. Isa pa to.

"Lumayas kayo nang hindi kinukuha yung flashdrive?"hindi makapaniwalang tanong ko.

In the first place yon ang pakay natin duh!

Hindi ako makapaniwalang sa tatlong ito. Buti na lang ay may tumulong sakin. Nilingon ko sya sa likuran ko pero...nawala sya. Nagpalinga-linga ako pero wala talaga. Tang'na multo ba yon?!

"Tara na, sino pa bang hinahanap mo ha?"nagtatakang tanong ni Randy.

"Si ano...yung tumulong sakin makapunta dito. Yung kasama ko. Nasa likod ko lang sya kanina"kinakabahang paliwanag ko.

"Chy...mag-isa ka lang kanina pa"seryosong sabi ni Cedrick. Tumango naman yon dalawa.

"Hindi yung kasunod ko kanina"paliwanag ko ulit hoping na nakita din nila sya.

"Hoy, seryoso ba 'to wag ka naman  manakot"halatang natatakot sya base sa tono ng boses nya.

Diyos ko... ano po yung kasama ko kanina? Mu-multo?

"Tama na nga Yan! Ikaw naman, Alam kong bamabawi ka lang kase naiwan ka kanina. Tara na!"sabi ni Randy at hinatak ang naninigas kong sistema.

Sa may pader sa likod ng bahay kubo kami dumaan palabas. Butas na kase ang bahaging iyon at natatakpan na lang ng sira-sirang yero.

Sigurado akong may kasama talaga ko kanina. Kaya paanong...

"Chy?"tawag sakin ni Randy at bahagya pa akong inalog.

"Hmm?"wala sa sariling tugon ko.

"Yung USB ko kako. Ipapasa ko nalang sa messenger yung video para mapag-aralan nyo rin"paliwanag nya.

"Ah, oo sige"sagot ko lang habang inaabot sa kanya ang USB.

Naglalakad kami pauwi. Walking distance lang kase galing school. Halos magkapit-bahay lang kami ni Randy. Dalawang bahay lang ang pagitan. Samantalang sina CJ at Cedrick ay sa kabilang kanto pa nakatira kaya nagjeep na ang dalawa pauwi.

"Chy"untag muli sakin ni Randy.

"Lutang ka. Nasa tapat na tayo ng gate nyo oh"sabi nyang muli. Nasa tapat na pala kami ng bahay ko.

Tinanguan ko lang sya at wala sa loob na pumasok sa gate. Who the hell is he?

That Guy From NowhereWhere stories live. Discover now