Happy Sweet Sixteen!
Chy's POV"Chy dito!"sigaw ni CJ habang kumakaway mula sa table nila.
Isang linggo na mula ng masuspende si Jasmin. Kaya baka sa tuesday ay bumalik na sya sa klase.
"Sabi ko naman sayo samin ka na lagi sasabay kumain"sermon naman ni Randy.
Napansin ko magmula noong thief accident mas bumait ang ilan sa mga kaklase ko. Lagi naman akong kinakausap at sinasabayan kumain nitong tatlo. Feeling close. Hindi ko naman sila matanggihan dahil ang kukulit nila. Isa pa utang na loob ko "daw" sa kanila kung paano ko nalinis ang pangalan ko. Totoo naman.
"Ah, oo nga pala..."sagot ko na lang. Naupo ako sa table nila para matapos na.
"Tara hangout tayo samin sa sabado. Nagdownload ako ng mga bagong movies"suggest ni Cedrick habang kumakain kami.
"Tama. Bonding tayo! Game ako"sang-ayon ni CJ habang hinihila ang plato ko ng blueberry pie papunta sa kanya. Nasasanay na ako sa kanya dahil lagi nyang ginagawa yon.
"Ako din"sambit ni Randy bago tuluyang sumubo.
"Hindi ako pwede"sabi ko naman.
"Wag ka ngang kj Chy"pagmamaktol ni CJ na para bang batang nagtatampo.
"Hindi, birthday ko kase sa saturday"paliwanag ko.
"Sige pupunta kami. Damihan mo ang handa ah"nakangising saad ni CJ.
Hindi ko naman kayo ininvite.
"Anong gift ang gusto mo?"tanong naman ni Cedrick.
Sige na nga invited na kayo.
*Saturday Morning*
"Anong ginagawa mo dito? Diba sabi ko mga tanghali na kayo pumunta"bungad ko kay CJ nang pagbuksan ko sya ng gate. Pasado alas otso pa lang kase ng umaga.
"Eh, bored na ako sa bahay e. Tutulong na lang ako maghanda"nakangising sagot nya.
"Wala pang ihahanda kase wala pa si ate Leng. Pumasok ka na nga"napipilitan kong paanyaya. Wala e nandito na sya.
Papasok na sana sya ng may humintong kotse at dumungaw si ate Leng. "O, Bakit dito kayo nag-uusap?"tanong nya.
"Ate!... Papasok na rin po"sagot ko habang pinagbubuksan sila ng gate.
Pumasok si ate kasama si kuya Basty(boyfriend nya) na bitbit ang mga pinamili nila. Kami naman ay naupo sa couch.
"Ate, kaklase ko po"pakilala ko kay CJ.
"Aba, ang aga mo naman pogi. Naku wala pa akong naluluto"nakangiting sabi nya rito na pinisil pa ang pisngi nito.
"Okey lang po tutulong na lang po ako sa pagluluto"presinta nito na nagpapacute pa kay ate.
"Naku, Hindi na. Mabuti pa ay samahan mo na lang si Zyn magsimba"sabi naman ni ate at ginulo ang buhok nito. Zyn ang tawag sakin sa bahay.
"Sige po!"excited na sagot ni CJ.
Nakaugalian na namin ang magsimba tuwing birthday ko. Kasama ko lagi sila mama at ate Leng. Malayong kamag-anak namin sya na kinupkop ni mama.
Sya na ngayon ang tumatayong guardian ko sa lahat ng properties at business na pamana sakin. Hindi tulad ng mga gahaman kong tita ay mas nagmamalasakit si ate sakin. Sinubok na ng panahon ang loyalty nya kay mama.
_______________
"Uy chy tara doon!"parang batang ngayon lang nakapunta sa sementeryo itong si CJ. Feeling nya ba nasa park kami.
Dinalaw ko si mama sa puntod nya after ng mass. Ito ang kauna-unahang birthday ko na wala sya. Ang totoo ay nawala si mama noong isang taon after kong mag-14 years old.
Ang buong akala ko ay hindi ko na sya makikita pa kahit kailan. Kahit ang private investigator na hinared namin ay hindi sya mahanap. Natagpuan naman sya last year pero lumala na ang heart condition nya.
"Chy oh"abot ni CJ ng panyo nya. May hawak pa syang isang tangkay ng bulaklak. Saan naman kaya nya kinuha yun? Hinawakan ko ang pisngi ko. Naiyak na pala ako.
"Tara na ngang umuwi. Tutulungan pa natin si Ate Leng"pag-iiba ko, nakakahiya kasi ang hitsura ko ngayon.
"Asus hindi nya na kailangan ng tulong..."mahinang bulong nya. Pinipilas nya yung petals ng flower na hawak nya.
"Bakit?"taka kong tanong. Sina ate at kuya Basty lang ang magpre-prepare. I'm sure they need help kase hindi naman kami usual na naghahanda.
"Ha?"inosente nyang tanong.
"Anong ha?"nalilitong kong tanong sa tanong nya.
"Hakdog!"pilyo nyang sagot.
Ngumuso lang ako sa kapilosopohan nya. Hakdogin kita dyan e!
Finally nakauwi na rin kami. Kanina pa kase panay ang reklamo ni CJ na gutom na daw sya. Tinutulak nya na nga akong papasok ng gate nang...
"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, Happy birthday! Happy... birthday dear...CHYRRA! Happy birthday!"sabay-sabay na bungad nila ate at ng... mga kaklase ko?
"Surprise! Nag-invite pa kami para masaya"dagdag pa ni CJ. Ibang klase talaga sila.
"Zyn make a wish"sabi naman ni ate hawak ang two-layered strawberry cake.
Pumikit ako at nag wish bago hinipan ang candles. Naghiyawan at palakpakan naman ang lahat.
"Guys, lets start this party on!"sigaw ni Randy na nakamike pa.
Grabe ang saya ng party ko dahil ang kukulit nila. Parang nasa comedy bar kami sa dami ng kalokohan ng tatlo. May mga parlor games na nakaka-excite din talaga. Sila ate ang sponsor ng prize. Sa huli naman ay pinag-sayaw ako ng tatlo at may pa bouquet pa ng flowers.
Nasurprise din talaga ako dahil halos buong section namin ang naroon. Mabuti na lang at marami ang handa. Hindi ako nag-iinvite ng mga kaklase dahil wala naman akong malapit na kaibigan. Hindi ko man halos kakilala ang lahat ay hindi naman naging akward dahil magaling ang mga self proclaim hosts ng party ko.
*Kinagabihan*
"Ate uuwi na rin po kami. Happy birthday Chy! Kita na lang sa school"paalam ni Randy at Cedrick. Sila ang kahulihang umuwi. Nauna na si CJ napagod yata sa kakulitan nya.
"Salamat sa ginawa nyo today. Ingat kayo"paalam ko sa kanila at hinatid ko sila palabas ng gate.
Nabanggit kase sakin ni ate na tumulong sila sa pagluluto. Sila din ang nagdecorate ng garahe kung saan ginanap ang party.
Tinatanaw ko ang mga kaibigan papalayo nang mapansin ko ang isang imahe salikod ng nakaparadang sasakyan. Nakatanaw sya sakin ngunit hindi ko sya masyadong maaninag. Kinilabutan ako kaya nagmamadali akong tumakbo papasok.

YOU ARE READING
That Guy From Nowhere
Ficção AdolescenteUlilang lubos na si Chyrra at palaging mag-isa untill...magkaroon sya ng mga maaasahang kaibigan, tulad na lang nina Zky at Vix. Bigla na lang dumating sa buhay nya ang mga ito. Hanggang nagising nalang syang minamahal ang isa sa kanila. Ngunit, sa...