*Detectives*
Chy's POV"E, paano kung tulad lang pala yung situation?"rinig kong tanong ni Randy kay Cedrick at CJ.
"Situation ng?"tanong ni CJ habang nakatingin sa bagong book nya ng manga.
"Yung nangyari kanina pati na noong nawala yung pera ng klase para sa test"paliwanag ni Randy. Napahawak pa ito sa baba nya na tila nag-iisip ng maigi.
Magulo sa room nang bumalik ako. Lunch break na kaya halos kaunti lang ang naririto. Malamang ay nasa canteen yung iba. Napalingon ang mangilan-ngilan sakin nang maupo ako. Agad akong nilapitan ni Randy.
"Umamin ka nga ikaw ba talaga ang nagnakaw?"tanong nya na para bang nililitis ako ng mga mata nya.
"Pero anong sense? Kasi naman yaman mo kaya. Sa buong klase ikaw ang may pinaka malaking baon araw-araw. Bakit magnanakaw ka pa? Baka may bisyo kang kinahuhumalingan?"sunud-sunod ang tanong nya na para bang mas kinakausap ang sarili.
"Ano?!"hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nya.
"Kung hindi talaga ikaw ang nagnakaw pero nakita sa bag mo... Ibig sabihin may nagframe-up sayo?"patuloy nya pa.
"Tama, dapat tingnan natin ang angulong yan"pagsang-ayon ni Cedrick sobrang fan ng mga korean mystery movies in short feelingerong detective.
"Bakit hindi natin imbestigahan 'to?"sabat naman ni CJ na kasa-kasama nila. Isa pa 'tong adik sa anime at mga manga tulad ng Detective Conan.
"Tutulungan ka namin"saad ni Cedrick nang mapansin na nakuha nila ang atensyon ko.
"A-eh ano kase?... Wag na lang kaya"nahihiya kong pagtanggi. Ang totoo... weird kase sila.
Lumapit sakin si Cedrick at hinawakan ako sa magkabilang braso. "Hindi ka ba curious kung sino nagframe-up sayo?"nangungusap ang mga mata nyang tanong.
"Curious..."sagot ko na agad nilang tinanguan kaya hindi ko na natapos ang sasabihin ko.
"So anong plano? Saan tayo magsisimula?"tanong ni CJ. Hindi pa nga ako pumapayag kung sasama ako.
"Feeling ko dapat mag-umpisa tayo noong araw na nakita yung sobre sa bag mo."paliwanag ni Randy. Sinasali nila ako na parang hindi.
"So kailangan natin yung video noong naghalughog sila Miss baka may kaduda-duda tayong makita..."
Nagpatuloy sila sa mga plano nila nang mapansin kong nakatingin sakin si Sophie (selfie queen ng room). Nginitian ko nalang sya naiilang kase ako. Pilit na ngiti naman ang ginanti nya. kaibigan sya ni Jasmin.
"Sinong kukuha ng kopya ng video?"tanong ni Cedrick.
"Malamang si Chy"sagot ni Randy.
"Ako!?"gulat kong sigaw. "Bakit ako?"
"Edi, tayo nalang. Sasamahan kita. Expert ako sa mga ganyan"volunteer ni CJ.
Magrereklamo pa sana ako pero parang hindi naman nila ako pinapakinggan. Busy na sila kung paano papasok sa faculty room para kumuha ng copy ng video.
Naawat lang sila nang magbell na. Nagsipasukan na ang iba ko pang kaklase. Kanya-kanya silang balik sa upuan nila.
Nagkasalubong ang tingin namin ni Jasmin. Halos mawala ang itim nito sa mata kung irapan ako. Galit na galit. Hindi ko talaga alam kung anong kasalanan ko sa kanya. Hobby nya na akong sungitan at awayin ever since.
Kahit nasa gitna kami ng klase ay ang plano nina Randy ang tumatakbo sa isip ko. Mamaya na namin kukunin "daw" ang video.
"What happened to you Miss Lopez?"tanong ni Mrs. Desengaño na nasa tabi ko na pala. Tinutukoy nya ang mga kalmot ko sa braso at mukha.
"Oh, your not the only one. How about you Miss Rodriguez?"baling naman nya kay Jasmin.
Pareho kaming napakatayo at hindi makapagsalita. Ilang minuto pa ang naging katahimikan.
"I can't take it anymore. Bakit ayaw nyo magsalita. Ako na ang magkukwento mga pasuspense pa kayo. Ganito nga yun Mrs. Desengaño..."biglang sabat ni Randy kahit kailan ay ubod ng daldal.
Ikinuwento nya ang lahat in complete details at may action pa.
"Wag kang sasabat kung hindi ka naman kausap Mr. Luciano"puna nya dito at pinakatitigan ng masama. Proud naman itong naupong muli na para bang papuri ang narinig.
"Miss Rodriguez I think you should apologize to Miss Lopez right?"baling nito kay Jasmin.
Wala sa loob syang nag "sorry" sakin. Tinanggap ko naman ito para paupuin na kami. Plastic!
*Classes done*
Tanging si CJ, Cedrick, Randy at ako ang natitira ngayon dito sa room. Naghihintay kami ng isang oras. Gusto namin makasiguro na walang teacher doon.
"Bakit nyo pala ako tinutulungan?"tanong ko habang nakatanaw sa bintana.
"Basta ako na-eexcite ako sa gagawin natin!"puno ng siglang sagot ni Cedrick.
"Tama ito ang unang case natin bilang mga detectives"masayang pagsang-ayon ni CJ na inayos pa ang suot nyang salamin.
Ano daw?!
"Malabo mata mo?"tanong ni Randy. Gusto ko rin itanong yon kase wala naman syang salamin kanina.
"Hindi. It just set the mood"sagot nya at ngumisi pa.
High school students na ba talaga 'tong mga kasama ko?
Nilatag ni Cedrick ang isang cartolina. May mga nakasulat at nakadrawing doon.
"Okey guys. Gumawa ako ng analysis. Tingnan nyo, kahit base sa set up ng mga upuan ay may malaking posibilidad na hindi si Chy ang nagnakaw. Malapit sa pintuan ang upuan nya."isa-isa nyang tinuro ang mga pangalan sa paligid ng pangalan ni Danica.
Si Danica at Randy ang magkatabi. Sa kasunod naman na upuan ay sina Erica at Nate. Tapos sa unahan nila ay sina Jasmin at Lee. Sa kaliwa ay sina Mae at Joshua. Sina Jay at Cath naman sa kanan. In short napapalibutan "daw" ito ng mga possible na suspect.
"Lahat sila nasa crime scene. Suspect silang lahat syempre liban Kay Randy dahil never naman 'tong napirme sa upuan nya"patuloy nya. Which is true dahil palaboy ito sa classroom.
"Kung may nanakawin ka dapat alam mo kung saan mo mismo kukunin 'yon"dugtong ni CJ.
"We still need more details to complete my assumptions...5:30 na! Tara na"hirit ulit ni Cedrick.
Tahimik at malinis ang hallway nang tahakin namin. Tumigil kami sa tapat ng nakalock na pintuan ng faculty room.
"Tara na pagpasok natin dito mga detectives na tayo"banat ni CJ. Kanina ko pa napapansin na isip bata ang isang 'to.
![](https://img.wattpad.com/cover/231109371-288-k369363.jpg)
YOU ARE READING
That Guy From Nowhere
Ficção AdolescenteUlilang lubos na si Chyrra at palaging mag-isa untill...magkaroon sya ng mga maaasahang kaibigan, tulad na lang nina Zky at Vix. Bigla na lang dumating sa buhay nya ang mga ito. Hanggang nagising nalang syang minamahal ang isa sa kanila. Ngunit, sa...