Chapter 1

3 0 0
                                    

*Suspect*
Chy's POV

P.E ang pinaka-ayaw kong subject. Bukod kase sa nakakapagod ay lampa din ako. Madalas lang akong mapahiya sa buong klase.

Ngayon, nasa classroom kaming mga girls para magpalit ng P.E uniform. Ano kayang gagawin namin ngayon sa P.E?

"Anong problema Danica?"rinig kong tanong ni Jasmin sa treasurer namin.

"Nawawala yung pera ng test paper"mangiyak-ngiyak na sagot nito na hindi magkada-ugaga sa pagkalkal ng pouch nya.

Umugong ang bulungan sa classroom. Nagtitinginan ang bawat isa na para bang sinisiyasat kung sino ang maaaring kumuha.

Isang malakas na lagabog ang nagpatahimik sa lahat. Bumukas ang pinto at iniluwa nito si  Randy ang pinaka-epal namin kaklase. Mabuti na lang at nakapagbihis na ang lahat.

"Hoy bilisan nyo daw. Magsi-baba na kayo sa gym!"sigaw nya.

Napansin nya yata si Danica na aligaga at ang bukod tanging hindi napatingin sa kanya. Ngayon naman ay umiiyak na ito.

"Oh, problema nyan?"tanong nya.

"Nawawala kase yung bayad sa periodical test ng buong klase"paliwanag ni Jasmin na muling nagpa-iyak kay Danica.

Walang salita'y kumaripas ng takbo si Randy. Ilang saglit pa ay bumalik itong kasama si Miss Joyce na adviser at Mapeh teacher namin. Kasunod din nila ang iba pa namin kaklase.

Since puro babae ang naiwan sa classroom ay isa-isa kaming kinapkapan at pinalabas ng room. Hinalughog din nila ang bawat gamit sa room.

Naiwan sa loob sina Miss Joyce at Danica upang maghanap sa mga bags at locker. Kasama naman nila si Jasmin na Vice President ng klase dahil absent ang President. Sya Ang kumukuha ng video na ginagawa talaga upang maging patas samin lahat.

Ilang minuto pa ay pinapasok na kami sa unahan naman ay naroon si Miss hawak ang isang sobre.

"Nakita namin ang pera sa gamit ng isa sa inyo. Disappointed ako sayo...sobrang nakakadismaya. Magpunta ka sa faculty room mamayang breaktime. Kapag hindi ka umamin sa maghapong ito ay hintayin mo na lang ang kaukulang parusa"turan ni Miss Joyce.

Hindi na nagklase si Miss Joyce dahil sa nangyari. Nang makalabas si Miss ay umugong ang mga bulung-bulungan. Maingay ang lahat maliban kay Danica at Jasmin.

"Uy sinong kumuha?"usisa ni Randy kay Danica. Medyo malakas ang pagkakatanong nya kaya napatingin ang lahat.

Lahat kami inaantay ang magiging sagot. Kaya lang nabigo kami nang umiling lang si Danica.

"Hayyy...nakaka-intriga naman! Sino ba kase yun?!"sigaw ni Randy na napasabunot pa sa buhok nya sa pagkabigo. Umugong ulit ang bulungan at haka-haka ng ilan.

Dumadako kay Jasmin ang tingin ko. Masama ang tingin nya sakin. Nagkatitigan kami. Sanay na ako sa mga paganto-ganto nya. Mainit talaga ang dugo nya sakin. May humarang kaya nabali ang titigan namin.

Ilang saglit pa at pumasok si Sir Cortez para magklase sa math. Tuluyan nang natahimik ang buong klase.

*Lunch break*

Sa sobrang init ng panahon ay sumalampak nalang ako sa desk ko after kong kumain ng lunch. Nakakapanghina ang init ng panahon.

"Ano?! Diba mayaman naman sya? Bakit naman nya nanakawin yung pera?"-Nicole

"Ewan ko rin. Yun kase sabi ni Jasmin sakin kanina e nakita daw nila sa bag nya yung sobre na may pera."-Bhea

Mukang kilala na nila yung kumuha ng pera. Mayaman?

"Ang kapal naman pala ng mukha nya. Tingin mo nagpunta na si Chyrra sa faculty room para umamin?"-Nicole

Dapat lang no. Wait, what!? Chyrra? Ako?!

Napatayo ako sa pagkakasubsob ko mula sa desk. Nagulat naman silang dalawa nang makita ako.

"Si Chyrra ang kumuha ng pera?! Legit ba yan?!"gulat na bulalas ni Randy mula sa pintuan. Kabuntot ang mga minions nya. Si CJ na feeling hapon at ang half korean na si Cedrick.

Bakit ako?

That Guy From NowhereWhere stories live. Discover now