*Cat fight*
Chy's POVHabang nagkaklase si Ma'am Dogello sa harap ay hindi ako makapag-focus.
Alam kong wala akong kasalanan pero hindi ako mapakali. Alam kong kahit na nagkaklase kami ay nasa akin ang atensyon nila.Ramdam ko ang mga sulyap ng mga mapanghusga kong kaklase. Magmula nang marinig ni Randy ang usapan kaninang lunch break ay kumalat na ang tsismis sa loob ng room.
Natapos ang lahat ng subjects namin ng wala akong natutunan. Occupied ang utak ko kung dapat ba akong pumunta sa faculty room?
Bakit ako pupunta e hindi naman ako yung kumuha?
Syempre para linisin ang pangalan ko.
Pero pag pumunta naman ako ay para ko na rin inamin na ako talaga ang kumuha.
Paano ko naman mapapatunayan na hindi ako kung hindi ako pupunta?
Ayos nakikipagtalo na ako sa sarili ko.
Napaiktad ako sa tunog ng bell. Uwian na. Mabagal kong inayos ang mga gamit ko. Gusto ko kaseng bigyan pa ng oras ang sarili ko. Para na rin magpaiwan. Nakatungo lang ako kung kaya nang mag-angat ako ng ulo at mag-isa nalang ako sa room. Nabuo ang pasya kong wag pumunta. Hindi ako ang magnanakaw.
Palabas na ako nang mabunggo ko ang isang lalaki. Kala ko nakaalis na lahat.
"Sorry"wika nya.
Tumango lang ako dahil ayokong tumagal pa ang usapan.
"Nga pala pinapatawag ka ni Miss"sabi nya pa ulit.
Ngayon kailangan ko na talagang magpunta.
Pinawisan ako habang nakaupo at kaharap si Miss. Pinapanood nya sakin ang videong nakunan nila. Nang buksan ang bag ko ay bumungad agad ang sobreng pinaglalagyan ng pera. Hindi ako makapagsalita sa napanood ko.
Papaano?
"Ikaw ang pinaka hindi ko pagdududahan. Mabait. Tahimik. Matino. So, bakit nangyari ito?"hindi makapaniwalang tanong ni Miss.
Wala akong mahagilap na sagot. Hindi ko rin naman alam kung paano nangyare.
"Miss, hindi ko po talaga alam kung papaano ito nangyari. Hindi ko po ninakaw yung pera."naiiyak kong sagot.
Ilang saglit pa kaming nagkatitigan bago nagbawi ng tingin si Miss. Nabalot naman kami nang katahimikan.
"Kaya mo bang patuyan? Sa gamit mo nakita ang pera Chy"seryosong tanong nya sakin.
"Opo"wala sa loob kong sagot. Hindi ko alam kung bakit para tumaas ang self esteem ko.
"Fine, prove it."huling winika ni Miss bago nya ako tuluyang pinauwi.
*Kinabukasan*
Maaga akong pumasok para hindi makasabay ang iba. Sa sobrang pag-iisip ko ay nakatulog na pala ako. Nagising lang ako nang may marahas na umuga sakin.
"Hoy gumising ka! Ninakaw mo yung wallet ko no?!"bintang ni Jasmin sakin.
"Ano?! Hindi no! Bakit ako ang pinagbibintangan mo?"gulat man ay naiinis kong sagot.
"E Sino lang bang magnanakaw dito ikaw lang naman!"sigaw nya sakin sa nanunutyang tono.
Sabi nga sa lumang kasabihan "biruin mo na ang lasing wag lang ang bagong gising." Hindi ako pala-away na tao pero hindi ko napigilan ang sarili ko.
Sinugod ko sya at sinambunutan hanggang gumulong gulong na kami sa sahig. Masakit ang anit ko at mahapdi rin ang balat ko. Hindi ko maintindihan ang gagawin kaya ginagaya ko nalang lahat ng ginagawa nya sakin.
Kalmot. Sabunot. Gulong. Repeat.
May sigawan akong naririnig. Mukhang pinalilibutan na kami ng mga estudyanteng nanunuod. Tapos may isang pares ng kamay ang humahatak sakin. Hinawakan nya ako sa magkabilang braso. Nakita ko rin na may umawat at humawak kay Jasmin. Napaghiwalay kaming dalawa. Pareho kaming nanginginig sa galit. Tahimik naman ang lahat at inaantay ang mga susunod namin gagawin.
"Anyare dito?...."
Napatingin kaming lahat sa taong nagsalita na kakarating lang. May hawak syang hello Kitty na mahabang wallet. Agad naman kumalas si Jasmin sa may hawak sa kanya at lumapit kay Randy. Marahas nyang hinablot ang wallet at chineck ang laman.
"Anong nangyare dito?"takang-taka nyang tanong habang palipat-lipat ng tingin samin ni Jasmin.
"Saan mo nakuha yung wallet?"singit na tanong ng taong nasa likod ko na hanggang ngayon ay hawak parin ako.
"Sa hagdan napulot ko. Ipagtatanong ko nga kung kanino e. Ano ba kaseng nangyare dito?"naguguluhang paliwanag nya.
Sa unang pagkakataon natuwa ako kay Randy. Hindi ko maiwasan na mapaluha kaya tumakbo ako palabas para hindi nila ako makitang umiiyak.

YOU ARE READING
That Guy From Nowhere
Genç KurguUlilang lubos na si Chyrra at palaging mag-isa untill...magkaroon sya ng mga maaasahang kaibigan, tulad na lang nina Zky at Vix. Bigla na lang dumating sa buhay nya ang mga ito. Hanggang nagising nalang syang minamahal ang isa sa kanila. Ngunit, sa...