The real thief
Chy's POVPagkapasok ko palang ay nakatingin na lahat sila sakin. Mayroon pang mga nagbubulungan.
Magnanakaw! Ang kapal ng mukha Bakit ba hindi ka pa magtransfer? Get lost! ang mga katagang ito ng bumungad sakin. Nakasulat ito sa desk ko gamit ang marker.
Napatingin ako sa mga nasa paligid ko. Hinuhusgahan ako ng mga tingin nila. May mga napapa-irap pa. Naiiyak akong umupo. Kumuha ako ng cologne at wipes. Ginamit ko iyon na pambura sa marker. Nakakainis hindi ko mabura! Nag-umpisa nang tumulo ang mga luha ko sa magkabila kong pisngi.
"Kahit burahin mo pa yan. Alam pa rin namin na ikaw ang magnanakaw"komento ni Jasmin na ngayon ay nakatayo na sa tabi ko.
Hindi ko sya pinansin at mas diniinan ang pagbubura sa nakasulat.
"Desperada"bulong nya na sapat lang para marinig ko.
"I-ikaw ba!?"tanong ko na nanginginig sa galit.
"Ano?"maang-maangang nyang tanong.
"Ikaw ba ang nagsulat nito?"tanong ko ulit sa mas mataas na tono.
"Ano naman kung ako, totoo naman"nang-aasar nyang sagot.
Nag-init ang ulo ko sa narinig ko. Mas nanginginig na ako sa galit ngayon. Napatayo na ako at handa ko na syang sugurin nang...
"Uy Chy!"sigaw ni CJ mula sa pintuan. Nasa likod nya naman si Cedrick. Agad nila akong nilapitan at itinago sa likuran nila.
"Anong meron dito?"tanong ni CJ at napatingin sa upuan ko.
"Hindi naman si Chy yung nagnakaw"biglang sabi nito.
"Ano?"tanong ni Jasmin sa kanya na para bang hindi kapani-paniwala yung sinabi nya.
"Kung may nanakawin kang bagay you have to wait for perfect time along with the knowledge where exactly the thing is... Common sense guys paano naman mananakaw ni Chy yung pera e ang layo-layo nya kay Danica. Knowing her hindi naman sya umaalis sa upuan nya"paliwanag ni CJ.
Napapatango naman kaming nakikinig sa mga sinasabi nya. Maliban kay Jasmin na nakakulubot ang mukha at any moment e mag-oobject.
"Hindi naman sapat yung mga haka-haka lang"komento nya.
Sabi na e kontabida talaga.
Paulit-ulit kong pinanood yung video kagabi pero wala naman akong napala.
Lutang ang isip ko sa mga nangyari kagabi. Hindi rin ako nakatulog."Hay naku, kung si Chy ang magnanakaw, ewan ko lang kung amateur sya o tanga"pagyayabang na singit ni CJ habang nililinis ang suot na salamin. Ayan na naman yung fake eyeglasses nya.
"Ano"-ako
"what"-Jasmin"Isipin nyo nga kung magnanakaw kayo? Ilalagay nyo ba sa madaling mahanap yung ninakaw nyo? Syempre itatago nyo yon"pagpapatuloy ni CJ.
"My point sya dun"bulong ni Josh na nasa tabi ko.
"Yap, Alam naman natin lahat na counter measure kapag may nawawala ang paghahalungkat ng mga gamit ng lahat. Sinet-up lang si Chy"dagdag pa ni Cedrick.
Umugong ang bulungan sa room.
"What do you mean?"aligagang tanong ni Jasmin.
"What is happening here?"nagulat kaming lahat sa kararating lang na si Miss.
Natahimik lahat kaya lumapit si Miss sa kumpulan namin. Nakita nya ang sulat sa desk ko.
"Who did that?"tanong nya. Walang gustong sumagot.
"Sino?"tanong nya ulit ngunit sa pagkakataong 'to ay galit na ang kanyang tono.
"Si Jasmin po Miss. Inabutan ko po sya kanina"mahinhing sagot ni Mae.
"Why?"baling ni Miss kay Jasmin na ngayon ay mangiyak-ngiyak na.
"Alam ko po kung bakit"singit ni Randy naka bag pa ito. Ngayon lang 'to nagparamdam. Late.
May kinuha sya sa bag nya at ipinakita samin iyon. Printed selfie photo ni Sofie na kasing laki ng bond paper.
Tinitigan namin sya at inantay na magsalita ulit.
"Ito oh!"napipikon na turo nya sa bahaging likod ni Sofie sa larawan.
Nagulat ako sa nakita ko. Si Jasmin hawak ang puting bagay na kinuha nya mula sa gamit ni Danica. Wala si Danica sa upuan nya. Mangilan-ngilan lang din ang tao base sa picture. Umingay ang paligid nakita na rin siguro nila ang tinutukoy ni Randy.
"Jasmin, Chyrra and Randy follow me!"seryosong utos ni Miss bago tuluyang lumabas.
Sinundan namin si Miss hanggang sa Disciplines Office. Doon ay pinaamin nila si Jasmin ngunit hindi naman ito nagsalita. Umiiyak lang ito kahit pa pinatawag ang magulang nya.
Tinanong naman nila si Randy kung paano nya nakita ang picture. Nahihiyang umamin si Randy na madalas nyang iistalk si Sofie dahil crush nya ang dalaga. Hindi nya inaasahang mapapansin ang ebidensya sa picture. Pinabalik na sya ng classroom.
Binalingan nilang muli si Jasmin na umiiyak na. Ayaw parin magsalita o magsorry man lang. Patuloy lang sya sa pag-iyak kaya pinabalik na rin ako sa klase. Naiwan ito dahil inaantay ang mga magulang nya. Naawa ako dahil napahiya sya sa karamihan pero naiinis din ako dahil ayaw nyang mag dahilan o mangatwiran man lang.
Nang makabalik kami ay nagkaklase na si Sir Cortez. Mukhang alam nya naman ang nangyari dahil pinaupo nya na kami at hindi na tinanong pa.
*A.m break*
Lahat may hangover pa sa mga nangyari kaya panay ang tanong nila sa tatlo. Hindi na nila ako ginugulo dahil hindi ko din naman sila sinasagot. I hate attentions.
Natahimik lahat nang pumasok si Jasmin sa room habang nasa pinto naman ang mga magulang nya kasama si Miss Joyce. Nang makuha ang gamit ay umalis si Jasmin kasama ang parents nya.
Napatingin akong muli sa desk ko at napa buntong hininga. Sinusubukan ko ulit na burahin ang marker sa desk ko. At least nalaman na kung sino yung tunay na nagnakaw.
YOU ARE READING
That Guy From Nowhere
Fiksi RemajaUlilang lubos na si Chyrra at palaging mag-isa untill...magkaroon sya ng mga maaasahang kaibigan, tulad na lang nina Zky at Vix. Bigla na lang dumating sa buhay nya ang mga ito. Hanggang nagising nalang syang minamahal ang isa sa kanila. Ngunit, sa...