Famous
Chy's POVSabi nga nila "may tenga ang lupa, may pakpak ang balita." Mabilis na kumalat sa school ang tungkol sa mga transferee.
"Nakita nyo ba yung transfer sa class A? Grabe ang gwapo nila"kinikilig na saad ni ateng maharot.
Nasa c.r ako. Ang lugar na tsismisan ng mga babae.
"Sino?"tanong ng kausap niya.
"Si Zky at Vix! Iiihhh!"halos tumili nyang sagot.
"Vix? Diba may girlfriend na sya. Yung babaeng lagi nilang kasama"saad naman nung isa.
"Hindi no...sure ako hindi, kase hindi sila bagay"mariing pagtutol nya.
"Ako yung soon to be girlfriend nya"kinikilig na pahayag nito. Nagtawanan silang pareho bago lumabas ng c.r.
Lumabas ako ng cubicle. Aysus masungit yun! Naghugas ako ng kamay bago tuluyang bumalik sa room. Nang maupo ako ay nakita kong lumapit kay Vix si CJ.
"Vix may nagpapabigay sayo"abot ni CJ ng chocolate bar na may kasamang pink na sobre. Malamang ay love letter yon.
Lunch break kaya magulo sa room. Kanya-kanya kami ng tambay at kwentuhan.
"Henry nalang sabi... Sayo na lang yan"pagtatama nya sa itinawag ni CJ sa kanya.
"Wow salamat Vix...teka, pati itong love letter?"saad naman nito na hindi pinansin ang sinabi nya.
"Oo, tapon mo kung ayaw mo"sabi nya pa. Walang puso.
"Ang suplado mo talaga"komento ko.
"Hindi naman" saad nya.
Ang totoo ay naging komportable na ako sa kanila dahil sa lagi nilang pag-sama sa amin. Lalo na kay Zky. Ngayon ay anim na kaming laging magkakasama.
Noong una ay natatakot ako kay Vix dahil lagi syang suplado at nakabusangot. Hindi tulad ni Zky na pala ngiti at mahilig magbiro. Ang nakakapagtaka lang kay Vix ay magalang sya sakin. Tulad nalang ngayon.
Ngiwi lang ang naging tugon ko sa kanya. Nailang ako kaya nilapitan ko na lang si CJ na kinakain yung chocolate bar.
"CJ ano yun?"tanong ko sabay turo kay Randy na dumadaldal sa harap.
"Ha? Saan?"tanong nya na nilingon ang tinuturo ko.
Sinamantala ko iyon at pumutol sa chocolate bar na kinakain nya. Malaking bahagi ang napunta sa akin kaya nagmaktol sya sa inis.
Tumakbo ako sa unahan dahil hinabol nya ako. Halos libutin na namin ang buong classroom sa paghahabulan. Nang macorner nya ako ay tinulungan ako ni Zky.
"Ops, tama na yan"awat ni Zky na puma-gitna sa aming dalawa.
"Umalis ka nga dyan. Kakagatin ko lang ang mangungupit na yan!"inis na inis na banta ni CJ.
"Bawal"umiiling na pagtutol naman nitong isa. Natatawa naman akong kinagat yung chocolate na ninakaw ko.
"Bakit ba lagi mong kinakampihan yan si Chy. May crush ka ba dyan?"nagtatampong tanong nito.
Napatingin samin yung mga mahaderang kong mga kaklase na may crush kay Zky.
Lumapit samin si Cedrick at inakbayan si CJ. "Ano ka ba? Syempre nag-iisang babae yan sa tropa. Lalaki tayo e, alam mo na..."nagtatawang paliwanag nito.
"Uy Zky may naghahanap sayong chics nasa may pinto"excited na balita ni Randy samin na kinikilig pa.
Napalingon kami sa may pinto. Pati na rin ang mga abangers na may crush kay Zky. Nakatayo doon si Meghan. Sya yung sigang muse ng kabilang seksyon.
Nilapitan sya ni Zky at nag-usap sila.
Inakbayan ko si CJ. "Uy sorry na agad"nakangiting pagsosorry ko.
Dinedma nya ako at umupo sa upuan nya. Basta talaga pagkain.
"Hala sorry na nga e"pilit ko kanya at umupo sa tabi nya. Parang bata naman syang hindi umiimik.
"Sige na sayo na dessert ko bukas"huling hirit ko. Unti-unti syang ngumiti at tumango. Sabi ko na nga ba!
"Bati na tayo?"paniniguro ko. Ngumiti sya at yumakap na parang bata. Nakakatuwa ang batang to daling utuin. Ginulo ko ang buhok nya.
Bumalik ako sa upuan ko. Umalis naman si Vix sa upuan nya at pinuntahan si CJ. Kausap pa rin ni Zky si Meghan.
"Chocolate o, mahilig ka ba dyan?"sabi ni Cedrick at inabot sakin ang isang chocolate bar.
"Hindi talaga ako mahilig sa chocolate. Nakakatuwa lang talagang asarin si CJ"nakangising paliwanag ko.
"A, ganun ba?Oo nga no" natatawang sang-ayon naman nya.
"Maiba ako, tatlong linggo palang sina Zky pero sikat na sila dito sa school. Laging may dalaw"saad nya.
"Oo, Lalo na sa mga babae"medyo irita kong sang-ayon.
"O bakit parang galit ka? Wag mong sabihin na may crush ka sa kanila?"pang-aasar ni Cedrick.
"Sira, Wala no! Kapag kaibigan, kaibigan lang"paliwanag ko.
As if naman magkagusto ako kay Vix nuknukan ng sungit yun. Ito naman si Zky pwede pa kaso puro biro, mukha walang seseryosohin.
"Ganun ba yun?"may pagdududa nyang tanong.
"Ganun ang ano?"singit ni Randy na umupo sa tabi ko. Consistent talaga ang isang to sa pag-epal sa mga usapan.
"Wala!"sabay namin sagot ni Cedrick na natawa na lang sa kanya.
*Class done*
Sabay kami laging umuwi at kung minsan ay pumasok. Kumain sa canteen at tumambay sa classroom. Kulang na lang ay magkapalit-palit kami ng mukha.
Habang pababa na kami ng hagdan ay nakasabay namin si Meghan. May kasama syang dalawang babae.
"Uy Zky si Meghan oh?"kinikilig na turo ni Randy dito.
Bahagyang kumaway si Zky kay Meghan pero umirap lang ito at nagmamadaling bumaba.
"May L.Q agad kayo?"nakatawang bulaslas ni Randy.
"Hindi ah, friends lang kami"sagot naman ni Zky.
"Aaaaawwww"sabay-sabay na hirit namin apat na kunwari pa ay nasaktan. As if naman maki-join itong si Vix.
"Kaya pala ang sungit e. Binasted mo"habol pa na asar ni CJ.
"Mga sira hindi ganun yun"nahihiyang depensa ni Zky.
Grabe naman friendzone lang sa kanya si Meghan ibang klase!
Tinawanan namin sya dahil bigla syang namula. Nagkakaasaran pa rin kami nang may humarang samin. Dalawang cute na babae na mas bata samin ang nakatingin kay Vix.
"Para po sayo"nahihiyang abot ng isa sa kanila. Cupcake iyon na naka-box. Ang cute naman nila.
Matagal na tiningnan iyon ni Vix. Gaya nga ng nasa isip ko ay hindi nya iyon tinanggap. Nauna itong lumakad. Ang selan talaga! Mangiyak-ngiyak yung bata nang iwan namin.
Bago kami makadating sa main gate ay biglang huminto si Randy.Lumingon-lingon pa ito. Napahinto din kaming lahat.
"Bakit? May naiwan ka?"tanong agad ni Cedrick.
"Wala, baka lang may magconfess din sakin e"nakangising sagot nito sabay nguso sa grupo ng mga kababaihan na makakasalubong namin.
"Asa ka pa"bulong ni CJ sa kanya na ikinatawa namin lahat.
Sabay-sabay namin syang iniwan. Ang kapal talaga ng isang iyon.
Nang makalabas kami sa gate ng school ay nagpaalam na sila CJ at Cedrick. Nag-kocommute sila pa-uwi.
Kami ni Randy ay naglalakad kasama yung dalawa. Ang totoo ay hindi namin alam kung saan sila nakatira. Malamang ay sa village lang din namin. Sa gawing iyon din kase sila dumadaan.
YOU ARE READING
That Guy From Nowhere
Teen FictionUlilang lubos na si Chyrra at palaging mag-isa untill...magkaroon sya ng mga maaasahang kaibigan, tulad na lang nina Zky at Vix. Bigla na lang dumating sa buhay nya ang mga ito. Hanggang nagising nalang syang minamahal ang isa sa kanila. Ngunit, sa...