*A/N: Sa taas po ng bawat chapter ko ilalagay ang mga maiikling impormasyon tungkol sa mga tauhan heheheh.
*Marlon- Middle Class pero ang tingin ng mga kaklase niya sakanya mayaman, Kumukuha ng BS Legal Management, anak ng politician, pangatlo sa magkakapatid technically bunso.
*Marlon POV*
nakatanggap ako ng isang tawag mula sa aking kaibigan at hindi ko inaasahan ang dahilan.
"Hello?"
"Hello Lon punta ka dito sa condo nila karl, patulong naman kami sa pagasikaso kay Paul" sabi ni Ysa sa phone habang magkausap kami
"Bakit anong meron?" Nagtatakang sabi ko
"Knockout si Paul eh madaming nainom" sabi ni Ysa
"Ha? Bakit ako?" Hindi ko maisip kung bakit sa dami rami ng pwede niyang tawagan eh ako pa, alam kong alam nila kung anong nangyari saamin ni Paul, at alam ko ding hindi magugustuhan ni Paul na makita ako duon.
"Dali na ngayon lang naman, may tama narin kami nila karl kaya mukhang hindi na namin kaya asikasuhin si Paul" sabi ni Ysa
"Tss, iinom-inom kasi kayo hindi niyo naman pala kaya alagaan mga sarili niyo" bakas sa pananalita ko ang pagiging sarkastiko
"Sus kunwari ka pa alam ko naman gusto mong makita si Paul, dali na ibibilin ko nalang sa guard na paakyatin ka dito sa room namin" bakas din sa pananalita ni Ysa ang pagiging sarkastiko
Bigla akong natigilan sa pagsasalita dahil tama ang sinabi ni Ysa na gusto ko nga talagang makita si Paul pero hindi ko talaga alam kung paano.
"Hoy ikaw na nga lang nakikiusap na tulungan kayo kung ano-ano pa pinagsasabi mo diyan"
"Dali na andami mo pang satsat" sabi ni Ysa
"Tss, oo na sige na pupunta na ako maligo lang ako saglit" sabay binaba ni Ysa ang phone
Agad naman akong pumasok sa loob ng banyo at naligo.Ilang minuto lang ang nakalipas ay lumabas nadin ako ng banyo, hindi ko din alam kung bakit sobrang bilis kong naligo. Agad akong dumeretsyo sa lagayan ko ng damit upang maghanap ng susuotin. Ilang minuto lang ulit ang nakalipas ay nakabihis na ako at agad agad na bumaba sa condong tinitirahan ko.
Bago ako makarating sa condo nila karl ay naisipan kong bumili muna ng gamot sa hangover at mga rekado sa gotong lulutuin ko. Agad naman din akong dumiretsyo sa condo nila pagkatapos bumili
*Knock*Knock*
Tatlong beses ko ding inulit ang pagkatok bago nila buksan ang pinto.
Pagbukas na pagbukas ng pinto ay sumalubong agad saakin ang amoy alak na si Karl at si Ysa."Ang tagal mo namang dumating, nagpagwapo ka pa ata bago pumunta dito" sabi ni Ysa
"Hahahahahha" nagtawanan silang dalawa ni karl
"Tss, pinapunta niyo ba ako dito para insultuhin?" Pinakita ko sakanila kunwaring naiinis ako
"Ito naman ang init-init ng ulo, pinapatawa ka lang eh" sabi ni Ysa
"Tss"
"O sya ikaw nang bahala kay Paul at hindi na naming kaya ni karl hinihintay ka lang talaga naming dalawa bago bumulagta dito" sabay tawa ni Ysa at ganun na din ni Karl
"Asan ba siya?"
"Anduon tulog na tulog" sabay turo ni Karl sa sofa kung nasaan si Paul
Pinanuod ko muna silang lumayo bago ako lumapit kung nasaan si Paul, nung naramdaman kong nakalayo na sila ay nilapitan ko na si Paul para tignan.
"Paul tumayo ka na diyan, duon ka sa kama matulog" habang inuuga ko siya, pero hindi parin talaga siya nagising, inulit ko ang paguga sakanya pero hindi talaga siya nagising. Ilang minuto pa ang nakalipas ay hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa mukha niya na para bang gusto kong kabisaduhin ang bawat hulma ng kanyang mukha, natinag lang ako ng bigla siya nagmulat ng mata.
"Paul sa kama ka nalang matulog" hindi ako nakatanggap ng sagot mula sakanya kaya inulit ko ulit iyon.
"Sa kama ka na matulog, mahihirapan ka diyan sa sofa" pero wala talaga akong nakuhang sagot sakanya, bigla nalang ulit siyang pumikit.
"Bubuhatin nalang kita papunta sa kama kung tinatamad kang tumayo" binuhat ko nga siya papunta sa kama na medyo malayo sa kama kung nasaan sila Ysa, natatakpan ito ng isang pader kaya hindi mo masyadong maaninag kung may tao ba o wala. Pagkatapos ko siyang ihiga sa kama ay kumuha ako ng planggana at towel para punasan ang buong katawan ni Paul. Napatigil ako sa ginagawa ko ng biglang pumasok sa isip ko na hindi magugustuhan ni Paul ang ginagawa ko ngayon pero wala naman masama kung pupunasan ko siya diba, ginagawa ko lang naman toh para hindi siya mainitan dahil marami siyang nainom na alak, napagdesisyonan kong ituloy nalang dahil hindi naman niya malalaman kung ano ginagawa ko.
Ilang minuto pa nakalipas ay tapos ko nang punasan ang katawan ni Paul kaya tinignan ko kung may dala bang pangpalit na damit kung sakali si Paul ngunit nabigo ako kaya naghanap nalang ako ng damit sa aparador nila Karl na pwede kumasya kay Paul tutal eh medyo mataba naman si Karl at payat si Paul.
BINABASA MO ANG
Uncontrolled Love❤
Romance"Oo masakit, pero kailangan kong tanggapin" sabi nito habang pinipigilan niyang tumulo ang mga luhang namumuo sakanyang mga mata. "Kailangan kong tanggapin na kahit kailan alam kong wala akong space diyan sa puso mo." "Sinubukan kong pigilan, sinub...