Chapter 26

250 21 0
                                    

Marlon's POV

Hindi ko alam kung bakit pero kumukulo ng sobra ang dugo ko ngayon. Nagpaalam ako kanina kay Ysa na lalabas ako saglit ng bilyaran para bumili ng pagkain pero halos kalahating oras na ay hindi parin ako bumabalik.

Kasalukuyan akong nasa 3rd floor ngayon kung saan ang mga stall ng pagkain at nasa gitna nito ay ang mga bandang tumutogtog. Halos maghahating gabi na pero sobrang dami parin ng tao nandito.

"Miss isang sisig nga po, no rice bago isang beer" sabi ko sa tindera ng isang stall.

"Ok po sir, iserve ko nalang po sa table niyo." Sabi nito. Umupo naman ako malapit sa may stage kung saan ang mga bandang tumutogtog. Ilang minuto pa ang nakalipas ay dumating ang inorder kong sisig kasama ang malamig na beer.

"Magkano lahat miss?" Tanong ko rito, pagkatapos nito sabihin ang presyo ay ibinigay ko din naman ang bayad. May klase ako bukas ng hapon kaya isang beer lang ang inorder ko.

"Hi" sabi ng babaeng lumapit saakin. Tinignan ko naman ito mula ulo hanggang paa.

"Yes? How can I help you?" Sabi ko. Ngumiti naman ito habang nagpapabalik balik ang tingin saakin at sa mga kaibigan niya.

"Can I get your number? Nadare kasi ako ng mga kaibigan ko na kunin ko daw number mo" nahihiyang sabi nito.

"Sure" nakangiting sabi ko, kinuha ko naman ang telepono nito saka nilagay ang number ko.

"Thank you" nahihiya paring sabi ni girl 1.

[A/N: So hindi ko na papangalanan yung mga babae since side character lang naman sila kaya girl 1,2&3 nalang]

"Welcome" nakangiti ko paring sabi. Pagalis nito ay nakatanggap ako ng message from unknown number kaya ng tumingin ako sa lugar nung mga babae kanina ay bigla silang kumaway. Tumayo naman ako sa inuupuan ko saka lumapit sa table nila.

"Is this sit taken? mas madali akong kausap pag personal kesa text messages " sabi ko.

Yes I know I'm such a flirt pero mas okay naman toh kesa bumalik ako sa bilyaran para mainis lang

"No, actually we reserved it for you" sossy na pagkakasabi ni girl 2. Tatlo silang nakaupo sa table na yun at katabi ko ngayon yung babaeng lumapit saakin kanina.

"Oh, how kind of you" Nakangiti ko paring sabi.

"College student?" Tanong ni Girl 3.

"Yes 2nd year college Legal Studies" sabi ko.

"Looks like we got ourselves an aspiring lawyer" sossy na pagkakasabi ulit ni Girl 2.

"Jackpot ka na girl" sabi ni Girl 3 kay girl 1. Magsasalita palang sana si Girl 1 nang biglang may tumawag saakin sa telepono.

"Wait excuse, sasagutin ko lang toh" sabi ko saka tumayo sa upuan ko at sinagot ang tumatawag. "Hello" pambungad na sabi ko.

"Anong Hello hello, hoy Marlon nasaan ka na? Isang oras ka ng wala dito? At bakit ang ingay diyan? Wait nasa 3rd floor ka ba?" Tila galit na sabi nito.

"Oo, kumakain lang ako saglit" pagsisinungaling ko.

"Kumakain? Saglit? Isang oras ka ng wala" mataas na tono nito.

"Oo ito na pabalik na ako ubusin ko lang kinakain ko" sabi ko, bago paman maibaba ang linya bigla nagsalita yung mga babaeng nasa table kanina.

Uncontrolled Love❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon