Chapter 21: Debate

315 16 0
                                    

*Marlon POV*

Ilang araw na ang nakalipas noong pumunta ako sa condo nila karl para tulungang alagaan si Paul. Paguwi ko naman sa condo ko ay nakaalis na rin sila Ron at iba ko pang tropa pauwi sa probinsya namin.

Miyerkules na ng hapon ngayon at kasalukuyan kong pinapasa lahat ng mga reports at case study ko.

"Mr. Roxas" pagtawag ni Atty. Velasco sa apelyedo ko bago ako makalabas ng pintuan.

"Yes attorney?" Pinalapit naman ako nito sakanya.

"I've read partials of your reports and I can say a job well done" pagpupuri ni Atty. Velasco saakin. Napangiti naman ako ng marinig ang sinabi nito.

"Thank you attorney" hindi maitagong tuwa na sabi ko.

"Also Mr. Roxas, Monday next week our university is joining the annual universities debate. I know this is a short notice but I would like you to be one of our debaters, only if you're interested though. At syempre may extra credit din sa subject ko, nagkaproblema at hindi na makakasama si Mr. Dela Cruz kaya kinulang ang school ng isang representative." ani Atty. Velasco. Inisip ko naman muna bago ako sumagot.

"Saan po ba gaganapin attorney, anong oras at sino mga makakasama ko kung sakali?" Pagtatanong ko. Kinuha naman nito ang suit case niya at inilabas ang isang papel.

"The venue for this year debate will be Unibersidad ng Malayong Silangan, and your co-debater is Mr. Lam Co and Ms. Agusan. The debate will start at 2 pm in the afternoon." ani attorney habang binabasa ang nasa papel. "Don't worry, Mr. Lam Co and Ms. Agusan already knows the topic and which side you guys will defend." Pahabol niya.

"I see." Inilabas ko naman ang telepono ko upang tignan ang schedule ko sa byernes. "Sir I have classes in the afternoon on Monday" sabi ko

"Don't worry you will be excused. After all, this event would benefit the school. Plus some of your professor will be there too" ani Attorney.

"Then I guess it's settled attorney." Ibinalik naman na nito sa suit case ang papel na kanina'y hawak niya. Bago ito lumabas ng silid aralan ay sinabi niya kung saan ko makikita sila Leo Lam Co at Marielle Agusan.

Lumipas naman ang huwebes, byernes, sabado at linggo na puro paghahanda sa gaganaping debate ang ginawa namin. Hindi naman namin iniisip na mananalo kami sa gaganapin na debate lalo na't bigatin at magagaling na debaters ng kanya-kanyang universities ang mga lalahok rito, isa pa ay kulang din kami sa paghahanda. Ngunit isa lang ang tangi naming iniisip, at yun ay ang ipakita sa ibang malalaking universities na kaya naming makipagsabayan sa pakikipagdebate.

Kasalukuyan na kaming bumabyahe patungo ng Unibersidad ng Malayong Silangan kung saan gaganapin ang event.

"Do your best my students. Remember that you don't need to win, just enjoy the debate and defend your side of the topic well. Although mas maganda kung manalo kayo hahaha. Make us all proud" pagpapalakas ng loob ni Attorney Velasco saamin.

"Don't worry Attorney we will do our best to win." Paninigurado ni Leo.

Ilang minuto pa ay nakarating naman na kami sa pagdarausan ng event. Ala-una palang ng hapon kaya nagpasya muna kaming magpunta sa cafeteria.

"After the debate I'll treat you guys to dinner" ani Attorney. Napangiti naman si Leo at Marielle sa sinabi nito

"Attorney I guess I'll pass this time, makikipagkita po kasi ako sa mga old classmate ko after nitong event. Dito po kasi sila nagaaral, but still thank you po sa invitation." Sabi ko. Ngumiti naman si Attorney.

"That's ok, mas ok nga yun eh mababawasan magagastos ko" pagbibiro ni attorney, nagtawanan naman kami. "But are you sure na old classmate mo talaga ang imemeet mo?" Napatingin naman si Leo at Marielle saakin.

"What do you mean sir?" Pagtatakang sabi ko.

"Former classmate or girlfriend?" Pangangasar ni Attorney. Natawa naman ako

"Former classmate lang talaga attorney, wala po akong girlfriend" sagot ko sa sinabi nito.

"Sabi mo eh" pangangasar parin ni attorney.

Ilang minuto nalang bago mag alas-dos ay nagpasya na kaming pumunta na sa hall kung saan gaganapin ang event, pero bago kami makarating ruon ay nakasalubong ko si Ysa.

"Oyyy Marlon ano ginagawa mo dito?" Pasigaw na sabi ni Ysa. Nakita ko namang ngumiti sila Leo.

"Hmm former classmate nga talaga attorney" sabi ni Leo na may halong pangangasar.

"Hi Miss, I'm Attorney Velasco, Marlon's Professor" ani Attorney habang iniaabot ang kamay.

"Hello po, I'm Ysa, highschool classmate ni Marlon" iniabot naman ni Ysa ang kamay din nito.

"See Attorney, I told you former classmate talaga" sarkastikong sabi ko.

"Oo na Marlon" ani Leo. "Hi, I'm Leo Lam Co, Co-debater of Marlon"

"Hi, I'm Marielle, Elle for short, co debater din ni Marlon." Pagpapakilala din ni Elle

"Ah so nandito kayo para sa event?" Pagtatanong ni Ysa. Tumango naman ako. "Sakto Vacant namin, pwede ba ako manood."

"Sure why not" ani Attorney.

"Sige po babalik ako may tatawagin lang" pagpapaalam ni Ysa. Pagalis naman nito ay pumasok na kami sa hall para makapaghanda.

Ang makakalaban namin ngayon ay ang University of Central College, isa sa mga magagaling na unibersidad sa bansa makipagdebate.

A/N: gusto ko pong humingi ng paumanhin sa lahat ng nagbabasa ng uncontrolled love. Hindi po ako nakapagupdate nitong mga nakaraang linggo o buwan dahil marami po akong inaasikaso. Gusto ko din pong magpasalamat sa mga nagbabasa ng Uncontrolled Love.💖

Uncontrolled Love❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon