*Marlon POV*
Bago kami makarating sa bahay nila Mark ay nagkanya kanya munang paalam sa mga magulang na lahat kami ay uuwi ng late, tinawagan ko naman ang nanay ko para ipaalam na gabing gabi na nga ako uuwi, nung una ay hindi sila pumayag dahil una delikado ng umuwi ng gabing gabi at pangalawa wala na akong masasakyan. Kaya sabi ko magpapasundo nalang ako sa Driver namin pagwala na akong masakyan mamaya, pumayag naman siya dahil wala na siyang magagawa. Sinabi ko naman sa mga barkada ko na kailangan kong umuwi bago mag 12 dahil wala na akong masasakyan pagnagtagal pa ako ng higit sa 12 ng madaling araw. Pumayag naman sila pero nung una ay pinipilit nila akong matulog nalang dito pero sabi ko, wala akong damit kaya pumayag naman sila pauwiin nalang ako.
Pagpatak ng 8 ng gabi ay nagsimula na nga kaming naginuman, paikot ang tagay namin 2 lang ang baso isa para sa chaser at isa para sa alak. Hindi naman nagtagal ay mapapansin mo nang nagsisimula ng malasing ang lahat at lalo ng umiingay. Chismis dito chismis duon, parang daig pa namin ang mga babae sa pagchichismisan. Hindi naman nagtagal ay ako na ang naging topic nila.
"Ano ba kasing nangyari kanina sainyo ni Michael" ani Louie. Nagsimula naman na akong magexplain.
"Ganto kasi yung nangyari, itong si p*tang*nang Michael nagsumbong kay Miss Dela Rosa" pagsisimula ko.
"Na ano?" Tanong nila.
"Yung nangyari nung Wednesday, yung niloloko natin siya na galit ako bago tinakot ko siya na sasapakin ko siya dahil sa nangyari nung gala na pinagtripan niya yung pagkain ko" sabi ko, wala namang umimik at lahat sila naghihintay na ipagpatuloy ko yung nangyari. "Bago yun na nga, nagsumbong pala si g*go na parang kinakawawa ko siya, pinagbantaan tuloy ako ni Miss Dela Rosa na isususpend ako pag hindi ako humingi ng tawad, eh alam niyo namang mainit ngayon ang mata ni Ms. Dela Rosa at ni Principal saakin, kaya malamang isa yun sa dahilan bakit gustong gusto niya akong masuspend. Buti nga at napigilan ko sarili ko kanina kung hindi nasapak ko na si Miss." Pagsasaad ko sa nangyari kanina
"Gago ka ba edi mas na suspend ka pag ginawa mo yun" ani ni Joshua
"Kaya nga hindi ko tinuloy"
"Bakit nga pala ang init ng ulo sayo ngayon nila Miss Dela Rosa eh dati naman magkasundo kayo nun." Tanong ni Mark
"Dati yun, lahat nagbabago" sabi ko. Sinadya ko naman iwasan yung tanong niya dahil alam kong uusisain lang nila lalo yun kaya iniba ko nalang yung topic "Oo nga pala, tinawagan niyo ba si Jerry para ayain?" Tanong ko
"Tinawagan ko kanina pero hindi daw siya pinayagan ni Sophie" ani Mark.
"Magvideo call nalang kaya tayo sa gc" pagsusuggest ni Karl, para naman kaming mga tanga, magkakasama na nga, nagvivideo call pa sa kanya kanyang phone. Hindi naman ganun katagal ay sinagot na ni Jerry yung video call.
"Yow mga tol, sorry hindi pinayagan ni master baka daw may kasamang babae" pagpapaliwanag nito. Habang kausap naman namin si Jerry ay biglang innaccept din ni Michael yung video call. Tss andito nga pala siya sa gc.
"Hello" pagbati ni Michael sa video call, lahat naman sila napalingon bigla saakin. Hindi ko nalang siya pinansin at yung biglang tingin ng tropa pero bigla akong nagulat sa nakita ko. Magkasama si Michael at Paul. Tinignan ko naman ang oras at napansing 9 pm na. Sobrang daming pumasok sa isip ko at isa na dun ay bakit magkasama pa sila ng ganitong oras. Hindi din naman nagtagal ay nasagot na ang katanungan ko ng biglang tanungin ni Louie bakit magkasama pa sila ni Paul.
"Ahh, antagal bago dumating yung bus, nasiraan daw kanina kaya medyo nadelay yung pagdating" sabi ni Michael. Nagulat naman ang lahat ng bigla akong nawala sa video chat. Pagdadahilan ko ay palowbat na ako.
"Mark pahiram ako charger hindi ko dala akin" sabi ko. Nang akmang kukunin ko naman ang charger ay muntikan akong matumba dahil narin siguro sa tama ng alak. "Magchacharge lang ako sa kwarto" pagpapaalam ko. Dumiretsyo naman ako sa kwarto ni Mark pero hindi ako nagcharge. 80% pa battery ng phone ko at pagdadahilan ko lang yung kanina para hindi na nila ako tanungin pa ng husto. Sampong minuto din akong nakatingin lang sa kawalan ng bigla kumatok si Donny sa kwarto.
*knock*knock*knock*
"Marlon? Gising ka ba?" Tanong nito.
"Oo, saglit nailock ko pala yung pinto" binuksan ko naman agad yung pinto para makapasok si Donny.
"Pinacheck ka nila Joshua kala nila nakatulog ka na" sabi nito
"Ahh, sobrang tagal ko na ba dito? Hinihintay ko mafullcharge phone ko" pagsisinungaling ko. Napansin naman niya na hindi nakacharge yung phone ko kaya bigla siyang nagtaka. "Kakabunot ko lang, tara na at baka naghihintay sila" pagdadahilan ko.
"Kala namin nakatulog ka na" ani Mark. Sinabi ko naman yung sinabi ko kanina kay Donny. "Oh, 4 na shots na miss mo" sabi nito habang inaabot ang baso ng alak at chaser. Apat na sunod sunod naman inom ang ginawa ko na nagdulot ng biglaang pagikot ng paningin ko. Alam ko na sa sarili kong lasing na ako kaya medyo nagdahan dahan narin ako sa pagiinom.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay tinignan ko ang oras sa aking telepono, nagulat ako ng malamang wala pang dalawang oras ng magsimula kaming uminom. At dahil narin siguro sa alak bigla ako nagkaruon ng hindi makapaniwalang confidence. Inilabas ko ulit ang telepono ko sabay click sa IG, hinanap ko naman ang pangalan ni Paul sabay message ng I MISS YOU. Nakablock kasi ako sa lahat ng social media account niya except dito.
Tumagal tagal pa ay wala ako narecieve na kahit anong message kaya nasa isip ko ay baka tulog na o baka may ginagawa, pero dahil syempre lasing na ako, hindi ko alam na tinawagan ko na pala siya.
Tila biglang umakyat lahat ng ininom kong alak sa utak ko ng marinig ko ang isang boses, at hindi kay Paul ang isang yun.
"Hello" sabi ng boses sa kabilang telepono. Tinignan ko pa ulit ang pangalan ng aking tinawagan para tignan kung tama ba ang natawagan ko. Nang icheck ko ay tama naman ito kaya tinanong ko bigla kong sino ang kausap ko
"Sino toh?" Medyo galit na tanong ko.
"Hello, si Michael toh, tulog si Paul, saglit gigisingin ko lang siya" hindi na nga ako nakapagpigil pa ng marinig ko ang pangalan niya at higit pa sa lahat kasama niya si Paul.
"Tangina, kanina pa kayo magkasama, ano yan sa bus station kayo natulog?" Pasigaw na sabi ko, na kinagulat ng lahat. "Nasaan kayo" galit na sabi ko pero walang sumagot sa kabilang linya kaya tinignan ko kung naputol ba yung tawag ko o hindi lang talaga sumasagot. Nang makita ko namang hindi pa napuputol ay bigla ulit akong nagsalita. "Hoy tinatanong kita" pasigaw na sabi ko, bigla namang may sumagot sa kabilang linya na tila bagong gising.
"Hello" sabi nito.
"Nasaan kayo" hindi galit pero malakas na pagkakasabi ko.
"Nasa bus pauwi na" sagot nito
"Exact location kung nasaan kayo, pupuntahan ko kayo ngayon" sabi ko, narinig ko naman ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya.
"Lasing ka ba Marlon?" Tanong nito.
"Sino nag sabi sayong lasing ako? Sino? Yang kasama mo diyan?" Medyo galit na tanong ko. Inagaw naman ni Ron agad saakin ang telepono ko.
"Ahh, hello po, sorry po nakainom po tong kasama namin huwag niyo nalang pong pansinin, sorry po talaga" nagulat naman si Ron ng marinig niya kung sino yung nasa kabilang telepono.
"Oks lang Ron, patigilin niyo na painumin yan, pag nahimasmasan na eh pauwiin niyo na baka kung anong gulo pa mapasok nan." Narinig ko na sinabi ng nasa kabilang telepono.
"Hindi nga ako lasing"
"Tumigil ka na nga Marlon" masungit na sabi ni Ron. Sabay sagot naman niya sa sinabi ni Paul sa telepono. "Oo, ako na bahala dito sa kupal na toh, sorry at naabala ka" sabi ni Ron. Binaba naman na agad ni Ron ang linya pagkatapos nitong magpaalam. Hindi ko naman na namalayang nakatulog pala ako. Nagising nalang ako nasa loob na ako ng sasakyan namin pauwi sa bahay.
BINABASA MO ANG
Uncontrolled Love❤
Romance"Oo masakit, pero kailangan kong tanggapin" sabi nito habang pinipigilan niyang tumulo ang mga luhang namumuo sakanyang mga mata. "Kailangan kong tanggapin na kahit kailan alam kong wala akong space diyan sa puso mo." "Sinubukan kong pigilan, sinub...