Chapter 18: Regionals

387 18 0
                                    


*Marlon's POV*

Kalahating buwan na ang nakakalipas simula ng mangyari ulit ang hindi ko inaasahan. Hindi ko rin maisip kung bakit ako tumakbo at tumakas matapos kong gawin iyon. Hindi ko alam kung dahil ba takot ako o dahil duwag ako. O baka yung dalawa. Kalahating buwan ko naring hindi kinakausap o pinapansin si Paul. Alam ko din na napapansin na ito ng mga barkada namin.

Nasa sports complex kami ngayon at kasalukyang nakaupo sa bleachers habang pinapanood ang boys volleyball team ng school namin kalaban ang XXX International School.

"Woaaah Go Joshuaa, Go Paulll!" Malakas na sigaw ng mga kaibigan ko. Napansin ko naman ang kanina pang nakatingin na si Gelica.

"May gusto ko bang sabihin" pagkompronta ko dito. Tinitigan lang naman ako nito ng matagal, kaya ng mainip ako sa kakahintay sa sagot nito ay itinuon ko nalang ulit ang atensyon ko sa mga naglalaro.

"Patapos na silang maglaro, tara bumaba na tayo salubungin natin sila" ani Ysa. Nang pababa naman kami ay bigla akong tinawag ni Gelica.

"Marlon pwede mo ba akong samahan" ani Gelica.

"Saan" tanong ko.

"May naiwan kasi akong gamit sa room na pinagistambayan kanina ng mga players bago magsimula ang game, kay Michael sana ako magpapasama kaso busy siya sa student council" pagpapaliwanag nito.

"Duon din naman tayo papunta mamaya" sabi ko.

"Matagal pa naman bago sila bumalik duon, baka mamaya mawala yung gamit ko." Nakasimangot na sabi nito. Sumingit naman si Josephine sa usapan namin at sinabihan akong samahan ko na at baka may masama pang mangyari kay Angelica pag magisa lang nitong pumunta lalo na't sobrang daming tao nanunuod sa palarong ito.

Hindi naman nagtagal ay nakasunod na ako kay Angelica pabalik sa room ng mga players. Pagpasok namin dito ay walang tao maliban saamin.

"Bilisan mo nang kunin para makabalik na tayo agad sakanila." Paguutos ko dito. Bigla naman itong tumingin saakin.

"Anong meron sainyo ni Paul" tanong nito. Nagulat naman ako dahil hindi ko inaasahan ang tanong na ito.

"Ha?" Sabi ko.

"Nakita ko kayo nung gabing yun" sabi nito. Kumunot naman bigla ang noo ko. "Bakit mo hinalikan si Paul, anong nararamdaman mo kay Paul, anong relasyon niyo ni Paul?" Sunod sunod na tanong nito.

"Kung ano man ang ginagawa ko, kung ano man ang nararamdaman ko, at kung may relasyon man kami ni Paul, ay wala ka na duon. Wala kang karapatang malaman." Galit na sabi ko.

"Siya ba? Siya ba ang dahilan kung bakit ka nakipagbreak saakin datin?" Malakas na sabi nito.

"Paano kung oo, may magagawa ka ba?" Sabi ko.

Bigla naman itong umiyak "paano naman ako? Mahal pa din kita Marlon" ani Angelica.

"Pero hindi na kita mahal Angelica." Pagsingit ko sa sinabi nito. "Baka nga hindi talaga kita minahal Angelica" pahabol na sabi ko. Nang marinig naming may nagbukas ng pinto ay bigla akong hinalikan ni Angelica.

"Oh shitt" malakas na sabi ni Joshua. Inilayo ko naman agad saakin si Angelica. Paglingon ko naman sa may pinto ay tumambad saakin ang lahat ng volleyball players kasama narin ang buong barkada ko at barkada nila Ysa. Napansin ko naman ang biglang paglabas ni Paul sa room. Hahabulin ko na sana ito ng bigla akong hinawakan ni Michael para iharap sakanya at sapakin.

"Potangina pre, kung galit ka parin saakin dahil sa akala mo ako ang nagsumbong noon kay Miss Dela Rosa ok lang, pero yung susulutin mo pa yung girlfriend ko para lang makabalo saakin potangina pre iba na yun." Galit na sabi ni Michael. Hindi din naman ako nakapagtimpi at sinapak ko ito pabalik.

Uncontrolled Love❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon