*A/N: Karl- Taekwando player, happy- go-lucky, bahay nila ang mahilig pagsleepoveran, Kumukuha ng kursong MassCom, friend ng lahat, magulo kasama (friendly way).
*Karl POV*
Napansin ko ang tila pagkawalang gana ni Paul ngayong araw, iniisip ko nalamang na dahil ito sa hangover niya kagabi.
Pagkatapos naming kumain ng Goto ay nilapitan ko si Paul na tila ang lalim ng iniisip.
"Baka mahulog naman kami diyan" tumingin lang saakin si Paul na para bang nagtataka sa sinabi ko. "Ang lalim kasi niyang iniisip mo" kumunot naman ang noo niya kaya hindi ko nalang tinuloy ang pangangasar ko sakanya. Nagulat naman ako sa biglang niyang pagtayo.
"Uuwi na ako may pasok na bukas" walang emosyon na pagkakasabi ni Paul
"Ahhh sige hintayin mo nalang muna lumabas sa banyo si Ysa bago ka umalis para makapagpaalam ka sakanya" agad din naman akong tumayo para kunin ang telepono ko sa lamesa. Ilang minuto pa ay lumabas na si Ysa galing banyo na naging hudyat ni Paul para makapagpaalam at umalis, naiwan ako at si Mark sa taas habang hinatid ni Ysa si Paul sa baba. Hindi din naman nagtagal ay nakabalik na si Ysa sa kwarto namin. Nagkwentuhan muna kami saglit bago maisipan ni Ysa na umuwi narin.
Alas-sais na ng hapon ng mapansin ko ang damit ni Paul na naiwan sa upuan, kaya naalala ko bigla na damit ko ang suot ni Paul kanina bago umuwi. Agad ko din namang tinawagan si Paul.
*Ring*Ring*Ring*
Matagal ding nagring ang telepono nito bago niya sagutin
"Bakit" sagot niya sa telepono
"Naiwan mo damit mo dito, papadala ko nalang kay Ysa bukas"
narinig ko naman ang pagbuntong hininga nito bago sumagot"Ah, sge hiniram ko pala damit mo"
"Ok ok, san mo pala nahanap damit ko?" nagtatakang tanong ko dahil kahapon lang naman nakapunta si Paul dito. Bumuntong hininga ulit siya bago sumagot.
"Si Marlon nagsuot saakin hindi ko alam san niya kinuha" nagulat naman ako sa narinig ko dahil alam ko ang nangyari sakanilang dalawa noon.
********
3 Years Earlier.......Nagsend si Paul ng chat sa gc ng section namin. At nakakagulat ang laman nun.
"Hindi ako pumapatol sa tulad mo"
Nagulat kaming magkakaklase sa sinend ni Paul at hindi rin namin alam kung nagkamali lang ba siya ng chat o may pinapatamaan siya sa gc
"Hala ako ba yan?" Pabirong reply ng kapatid ni Bea. (Nasa gc namin siya kasi meron kaming activity sa school na kailangan ng costume at siya yung nagprovide saamin nun)
Hindi naman na nagreply sa gc namin si Paul nung araw nayun pero hindi dun nagtapos ang lahat
*ting*ting*
Nakatanggap ako ng mga messages galing naman sa gc namin magtrotropa at nakakagulat ang laman ng mga yun.
Nagaaway sila Paul at Marlon dahil sa nangyari sa bahay namin kahapon na hindi ko naman alam kung ano. Ilang beses din akong inprivate message ng iba kong tropa na kasama sa gc na yun kung ano daw ba ang nangyari kahapon sakanilang dalawa, wala naman akong maisagot kasi hindi ko din alam kung anong nangyari, parang ok naman sila kahapon. Saka ko lang nalaman kung anong nangyari ng banggitin ni Paul sa gc na manyak si Marlon. Pero hindi din ako makapaniwala kasi magkakasama naman kami sa kwarto at kasama namin pinsan ko nung araw na yun kaya feeling ko imposible mangyari yung sinasabi ni Paul. Tumagal din ang bangayan ng dalawa at si Marlon na ang unang tumahimik para tumigil narin ang pagbabangayan nila sa gc. Hindi ko alam kung bakit tumahimik si Marlon kasi alam kong never yan tatahimik paginaaway siya lalo na ngayon ang laking pagbibintang ang binabato sakanya. Kaya inmessage ko narin siya para tanungin at alamin kung ano ba talaga nangyari.
"Woy, Marlon anong nangyari sainyo ni Paul" tanong ko sakanya. Matagal din bago siya nagreply malamang sa malamang ay pinapahinahon pa niya ang galit niya.
"Malay ko sakanya, inaakusahan niya akong ginalaw ko siya eh magkakasama naman tayo sa kwarto, kaya kung sakali mang galawin ko siya malalaman mo nanduon ka din eh, nakita mo ba na ginalaw ko siya? Hindi naman diba? Atsaka kahit tanungin mo pa yung pinsan mo halos sabay nga lang kami matulog nun kaya pano ko gagalawin yan si Paul kung tulog ako ano yun sleep fucking?" Hindi ko man kaharap si Marlon pero alam kong galit siya.
Tama nga naman sinabi niya kung sakali mang may nangyaring ganun dapat alam ko din kasi magkakasama naman kami sa kwarto nun.
"Nagulat nga din ako sa sinabi ni Paul eh, pero bakit ka niya aakusahan nang ganun? Ok naman kayo kahapon ah?." Tanong ko sakanya, iniisip ko kung bakit aakusahan ni Paul si Marlon nang ganun kung wala naman talagang nangyari, kilala ko si Paul hindi siya magaakusa nang ganun katinding bagay sa isang tao, kahit lagi siyang nakikipagaway."Hindi ko nga din alam kung saan niya hinuhugot yang inaakusa niya saakin" sagot naman nito.
Matagal din kaming nagusap ni Marlon pero hanggang ngayon hindi ko padin malaman kung bakit inaakusahan ni Paul si Marlon. Pero isa lang ang alam ko merong isa sakanila ang nagsisinungaling.
Lumipas ang mga araw, linggo at buwan pero tila mas lumalala pa rin ang tensyon sa pagitan ng dalawa, hanggang napasama narin ako sa away, pero ngayon 2 versus 1 at nasa side ako ni Marlon. Napasama ako sa away nila dahil narin sa katangahan ko, pero malay ko bang seseryosohin ni Paul ang biro ko na baka kaya siya nagagalit kay Marlon eh dahil baluktot siya, dun nagsimulang magalit naman siya saakin, hindi rin naman ako papatalo kaya in the end kakampi na ako ni Marlon. Natapos ang 3rd year highschool namin ng magkakaaway at walang pansinan pero nagbago ang lahat nung nasa last term na kami ng 4th year.
BINABASA MO ANG
Uncontrolled Love❤
Romance"Oo masakit, pero kailangan kong tanggapin" sabi nito habang pinipigilan niyang tumulo ang mga luhang namumuo sakanyang mga mata. "Kailangan kong tanggapin na kahit kailan alam kong wala akong space diyan sa puso mo." "Sinubukan kong pigilan, sinub...