Chaoter 34

224 17 0
                                    

Paul's POV

Kagaya nga ng ipinangako namin kela Mark ay bumalik kami sa kwarto kung nasaan ang karamihan sakanila.

"Akala ko tatalkshitin tayo ni Marlon" hindi makapaniwalang sabi ni Mark.

"Baka pinayagan ni Paul na bumalik" ani Ron.

"Ako nga ang hindi pinayagan sumama niyan" pagsingit ko.

"Ay wow protective husband" pangangasar ni Ron kay Marlon.

"Mahirap mag-alaga, lightweight pamandin" sarkastikong sabi ni Marlon, pakiramdam ko naman ay inaasar ako nito.

"Baka nga lightweight" pagaangas ko rito. Tumawa lang naman ito saka pinalitan agad ang pinaguusapan.

"Sino nanalo sa laro niyo kanina." Ani Marlon. Tinignan ko naman ito ng masama dahil sa pagiba niya ng topic.

"Siyempre sino pa ba?" Ani Louie.

"Siyempre hindi ikaw" pang gagaya ni Marlon sa tono nito.

"Ano sama ba kayo? 5v5?" Ani Vincent. Kahit hindi ko kilala ang isang toh ay kinausap ko parin.

"Anong laro?" Pagtatanong ko. Ipinakita naman ng mga ito saakin ang nilalaro nila.

"Diba naglalaro ka din nito Paul?" Sabi ni Jc, tumango naman ako.

"Ayun naman pala eh, tara game" ani Leo.

"Ako, si Ron, Mark, Leo, Jc na magkakakampi." Ani Vincent

"Joshua, Karl, Paul, Louie galingan niyo ha." Sabi ni Jerry.

"Putcha kayo ako pa hindi niyo sinama" ani Marlon.

"Ikaw na bumili ng alak sa baba, magpasama ka kila Michael at Jacob" ani Jerry. Nagtawanan naman sila Joshua.

"Si Birthday boy pa talaga pinabili mo" natatawang sabi ni Joshua.

"Kung gusto mo naman ikaw nalang bumili Joshua si Marlon papalit sayo." Natatawang sabi ni Jerry.

"Kaya mo na pala yan Marlon, sige ingat" sabi nito. Nagtawanan naman ulit at isa ako sa mga tumawa rin.

"Matalo sana kayo" ani Marlon. "Michael samahan mo nga ako" pagbaling nito sa atensyon niya kay Michael.

"Sama narin ako" sabi ng isa pa sa hindi ko kilala. Halos lahat naman sila ay kilala ko maliban kay Jacob at Vincent. Bago pa man tuluyang makalabas ng pintuan sila Marlon ay biglang sumigaw si Louie.

"Naks bati na sila" minidlle finger naman ni Marlon ito bilang tugon.

Pagkaalis naman nila Marlon ay tinannong ko sila Ron.
"Hindi parin ba magkaayos yung dalawa"

"Magkaayos na yun, gago lang talaga toh si Louie." Ani Donny.

"Bakit ba, ang saya lang pagtripan ni Marlon" natatawang sabi ni Louie.

"Invite na" pagsingit naman ni Mark.

Ilang minuto naman kaming naglaro bago dumating sila Marlon na may bitbit na alak.

"Change player naman" pagpaparinig ni Marlon.

"Icoach mo nalang asawa mo" ani Ron. Nagtaka naman ako ng bigla ako tignan ni Ron sabay tawa.

"Hindi ka pa umiinom may tama ka na" sabi ni Marlon kay Ron.

"Buksan niyo na yan para makapagsimula narin tayo" sabi ni Mark habang nakafocus sa paglalaro.

"May dala ba kayong baraha?" Pagtatanong ni Jacob. Nagtaka naman ang lahat sa tinanong nito.

"Wala atang may dala, bakit?" Pagtatanong ni Leo.

Uncontrolled Love❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon