Marlon's POV
Naranasan niyo na ba yung pakiramdam na tila ba malapit ng sumabog yung puso niyo dahil sa saya?
Kasi ako yan ang nararamdaman ko ngayon. Yung taong matagal ko nang gusto, gusto rin ako. Medyo matagal nga lang bago ko nasabi sakanya na mahal ko siya pero worth it kasi ngayon I know that I am mature enough to handle things.
"Marlon?" Bumalik naman ako sa realidad ng ilang beses tawagin ni Paul ang pangalan ko.
"Po" nakangiting pagtatanong.
"Tinatawag ka na nila Ron" sabi ni Paul. Tumingin naman ako sa gawing kanan kung nasaan ang mga tropa ko.
Mukhang kanina pa nga nila ako tinatawag dahil pinapakyu na ako ni Mark.
"Lumapit ka na duon" ani Paul. Niyaya ko naman ito na pumunta rin duon pero mas pinili niyang magstay nalang sa may table namin.
"Huwag kang uminom ng marami, mahirap kang alagaan" pagpapaalala nito saakin.
Pagkarating ko naman sa pwesto ng tropa ko ay inuulit ni Vincent ang instructions kung paano ulit laruin ang nilaro namin kagabi.
"Bakit si Paul hindi mo ayain" pagtatanong ni Ron saakin.
"Ayaw daw niya" sabi ko.
"Pinagbawalan mo ba?" Umiling naman ako. Sinabi ko naman sa tropa ko na hindi ako sasama sa paglalaro ng kings game at hindi din ako gaanong iinom.
"Kj naman toh" ani Mark.
"Pinagbawalan ni bossing eh" pagtuturo ko kay Paul.
"Ano ba kayo magjowa para pagbawalan ka?" Ani Louie. Nakuha naman ni Ron ang pagngisi ko.
"Yayain mo nalang si Paul dito para alam niya ginagawa mo" pagsusuggest ni Ron.
"Yayain mo din yung mga babae" ani Louie. Binalikan ko naman si Paul para pilitin pumunta sa pwesto namin.
"Pinapapunta ka nila Ron duon" sabi ko kay Paul.
"Kala ko ba bawal ako uminom" ani Paul. Ngumiti naman ako dahil naalala nito ang sinabi ko sakanya kagabi.
"Do you want to try ba?" Pagtatanong ko sakanya. Hindi ko naman alam kung anong pumasok sa isip niya dahil gulat na gulat ito.
"Alin?" Gulat na sabi nito.
"Uminom, bakit ano ba iniisip mo?" Natatawang sabi ko. Napansin ko namang biglang namula ang mga pisngi nito.
"Yu--n din nasaisip ko. Ikaw ata yung may ibang iniisip" nauutal na sabi niya. Tumawa naman ako sa pinapakita nitong expression.
"Mamaya mo na alamin yung nasaisip ko, sumama ka na munang maglaro." Pangangasar ko rito.
"He!" Galit na sabi niya. Tumayo rin naman ito saka naglakad papunta sa lamesa nila Ron, habang ako ay pumunta naman sa table nila Ysa para yayain ang mga ito na sumamang maglaro.
"Ysa, Bianca, Bea, Elle baka gusto niyong sumamang maglaro" pagtuturo ko sa table kung nasaan ang iba pa naming mga kaibigan.
"Anong nilalaro niyo?" Tanong ni Elle.
"Kings game"
"Ay weh? Bakit hindi kayo nagaaya" ani Elle.
"Niyayaya ko na nga kayo eh" natatawang sabi ko.
"Ano yun?" Pagtatanong ni Ysa.
"Parang truth or dare pero panay dare" pagpapaliwanag ko. Nakuha naman nito ang ibig kong sabihin.
BINABASA MO ANG
Uncontrolled Love❤
Romance"Oo masakit, pero kailangan kong tanggapin" sabi nito habang pinipigilan niyang tumulo ang mga luhang namumuo sakanyang mga mata. "Kailangan kong tanggapin na kahit kailan alam kong wala akong space diyan sa puso mo." "Sinubukan kong pigilan, sinub...