Chapter 31

177 11 0
                                    

Marlon's POV

Mula sa pagpasok ni Paul sa convenience store hanggang sa paglabas nito ay pinagmamasdan ko ito. Hindi ko na nga namalayang papalapit na pala ito saakin.

"Anong nginingit ngiti mo diyan" tanong nito. Dahil hindi ko alam na nakangiti pala ako ay iniiwas ko nalang ang paningin ko sa ibang lugar. Nang hindi naman ako sumagot sa tanong nito ay iniabot nalang nito ang tubig na bitbit niya.

"Salamat" sabi ko. Tumango naman ito saka sumakay sa sasakyan. Paakyat narin sana ako ng sasakyan ng biglang may lumapit saakin.

"Kuya, kuya" pagtawag ng bata saakin. Nilingon ko naman ito para kausapin.

"Bakit?" Pagtatanong ko rito.

"Baka gusto mo pong bumili ng bulaklak" sabi nito. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Wala akong mapagbibigyan niyan eh, saka nalang pag meron na" pagdadahilan ko rito.

"Wala ka bang nililigawan kuya?" Sabi nang bata.

"Wala eh, pero may nagpapatibok ng puso ko" sabi ko rito sabay tingin sa loob ng sasakyan. Tumingin din naman ito kung saan ako tumingin.

"Subukan mo kuya, wala naman po sigurong mawawala kung susubukan mo" sabi nito, napangiti naman ako sa sinabi nito.

"HAHAHA, alam mo ambata mo pa andami mo nang alam. Sige na nga bibili na ako" sabi ko.

"Talaga ba kuya?" Masayang sabi nito.

"Magkano ba lahat nang bulaklak na iyan?" Pagtatanong ko.

"300 po, mga bagong pitas lang po ito" sabi nito. Inilabas ko namang ang pitaka ko para kumuha ng pera.

"Kuya wala ka bang barya? Wala po akong panukli dito" sabi nito pagkaabot ko ng pera.

"Sayo na lahat yan" sabi ko rito. Mapapansin mo naman sa mukha nito ang saya, kaya naman napangiti rin ako ng husto.
"Salamat po ng marami kuya" masayang sabi nito.

"Ano bang pangalan mo atsaka bakit ikaw ang nagbebenta niyan, asan mga magulang mo?" Pagtatanong ko rito.

"Jayson po ang pangalan ko, wala na po kasi ang mga magulang ko kaya ako na ang naghahanap buhay para makakain sa araw araw." Tila bumagsak naman ang ngiti sa mga labi ko nang marinig ang sinabi nito.

"Kumain ka na ba?" Pagtatanong ko rito. Umiling naman ito kaya naman napagpasyahan ko na bibilhan ko ito nang makakain. Bago ko pa man bilhan si Jayson ng makakain niya ay nilapitan ko muna si Paul na kanina pa naghihintay sa sasakyan.

"Paul, bibilhan ko lang saglit nang pagkain yung bata hintayin mo nalang ako dito." Sabi ko rito. Tila bumilis naman ang tibok ng puso ko nang bigla itong ngumiti.

"Para kang manliligaw diyan sa dami ng bulaklak na hawak mo ah" sabi nito. Natawa naman ako nang maalalang hawak ko parin ang bulaklak na binili ko kay Jayson.

"Binili ko para tulong narin sa bata, ibibigay ko nalang kay mama." Sabi ko rito. Binuksan ko naman ang pintuan sa likod ng sasakyan para duon na ilagay ang bulaklak.

"Gusto mo bang sumama o maiwan ka nalang dito?" Tanong ko rito. Hindi naman na ito nagisip saka bumaba ng sasakyan.

"Sama na ako, baka magtagal ka pa diyan" sabi nito. Nang tumingin naman ako kay Jayson ay nakangiti ito na tila ba pinagmamasdan kaming dalawa ni Paul.

"Saan mo ba gustong kumain Jayson?" Tanong ko sa bata.

"Kahit saan po" sabi nito. Napagpasyahan ko namang sa fast food chain nalang siya pakainin na katabi lang nitong gas station.

Uncontrolled Love❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon