CHAPTER 6: Arese

229 13 8
                                    

Agad akong napa atras nang makita ko kung sino 'yung naka bangga sa'kin. Ito yung lalaking naka-usap ko nung nag lakad ako mag isa sa Agate Academy. Ang sama ng tingin nito sa'kin.





Ang kapal ng mukha! S'ya na nga itong nakabangga ay s'ya pa itong galit!





Napatingin ako kay Sheila nang hawakan nito ang braso ko na para bang hinihila ako palayo. "Zoe, tara na," sambit nito.





What? Why? Para s'yang takot sa lalaking nasa harap namin. Kunot noo kong binalik ang tingin sa lalaki at sinuri ang ang katawan noon. Madali ko s'yang nasuri dahil naka sando ito na malaki ang butas sa manggas. Abot sa tagiliran. Nagulat ako nang makita ang sign nya sa tagiliran.





He's an Aries.





"Hey Zoe--" napalingon kami ni Sheila sa nag salita at nakita namin si Crain na hinihingal. Mukhang tinakbo nya ang papunta samin. Napa-tingin si Crain dun sa lalaki at napa-ayos ng tayo. "Oy Arese, long time no see, pare,"





Arese? Is that his name?





Tumango lamang yung lalaki at umalis na ngunit bago ito umalis ay napansin ko pa ang matalim nitong tingin sa'kin.





What? Wala naman akong ginagawa sa kanya. S'ya itong bumangga sa'kin! Tsk.





"Hoo, buti naabutan ko kaagad kayo. Kung hindi, hay kawawa kayo," sambit ni Crain at umakbay sa'min. "Ang bilis nyo mag lakad! Kanina ko pa kayo sinusundan!"








Agad nanlaki ang mga mata ni Sheila. "Ikaw ha! May gusto ka pala kay Shiftie!" asar ni Crain.





"Shiftie?" nagtatakang tanong ni Sheila.





"Nickname ni Paul 'yun! Ano ba yan, ang dami mo pa palang hindi alam kay Shiftie," iling ni Crain.





Buong paglalakad namin ay nag si-semenar si Crain kay Sheila ng mga tungkol kay Paul. Hindi ko sila masyado maintindihan dahil occupied ang utak ko.





Arese, huh? One of the most dangerous Zoid in this academy. Naalala ko ang sinabi ni Crain na kung hindi daw nya kami inabutan ay kawawa daw kami. Ganoon ba talaga ka-nakakatakot ang Aries?





I mean, nakakatakot nga ang aura at presensya nya pero nung nangkita naman kami noon ay wala naman syang ginawa sakin. Mas lalo tuloy akong nacurious sa aries at taurus.





Gusto kong malaman ang kaya nilang gawin. Gusto kong malaman kung ano mismo ang gulo na nangyari dati sa pagitan ng aries at taurus.








"Earth to Zoe! Hello!"





Napabalik ako sa reyalidad nang alugin ni Sheila ang balikat ko. Nasa cafeteria na pala kami. Medyo malayo kasi ang cafeteria sa training room.



Si Sheila at Crain ang nag order. Hinintay ko lamang sila sa pinto ng cafeteria. Sinabi ko naman na hindi pa ako gutom, hindi naman talaga gusto ko lang chikahin si Sheila kaya ko s'ya inaya.



"Move,"



Napa-abante ako nang may nagsalita sa may leeg ko. Nilingon ko 'yon at nakita si Arese na naka taas ang kilay habang naka tingin sa'kin.




Tinitigan ko ito ng matalim, kahit na nakakatakot ang aura n'ya ay hindi dapat ako magpa-apekto.



I saw him smirked at nilagay ang dalawa nyang braso sa dibdib n'ya saka isinandal ang sarili sa gilid ng pinto. "Brave, huh?" Sambit nito.



Agate Academy: Zodiac Sign AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon