Nilapag ko ang libro sa kama ko. Ano nanaman ba itong ginawa ko? Umupo ako sa kama at binuklat ang libro. Wala namang hindi ka-aya aya rito. Nandito kung paano nabuo ang eskwelahan. Kung sino sino ang mga unang estudyante at iba pa.
Napa-tigil ako sa pag bubuklat nang maka kita ng litrato. Mukha itong group picture ng limang tao, apat babae at isang lalaki. Sinuri ko isa-isa ang mga naroroon at laking gulat ko nang makita si Mama. Tinalikod ko ang picture at nakita ko roon ang mga pangalan ng nasa picture.
Zyrene Aetós
Dalia Pi
Artemis Chloros
Celestia Adamos
Cornelio AngelosBest team of Magic Quest
My mouth automatically formed an 'o' when I saw the head teacher and my mother's name. At 'yung Artemis. Iyon 'yung kausap ng head teacher kanina hindi ba? Sino naman iyong tatlo?
Nag simula nanaman akong kainin ng kyuryosidad. Kaano ano ni Mama ang apat ito? Best team of Magic Quest?
Tinigil ko ang pag buklat sa libro at dali-dali ko iyon tinago sa ilalim ng unan nang may kumatok sa pinto. Inayos ko ang sarili ko saka naglakad palapit sa pinto at binuksan iyon.
Napa-kunot ang noo ko nang makita si Hannah na pawisan at mukhang pagod na pagod. Dumiretso ito sa loob ng kwarto ko kaya sinara ko ang pinto at sumunod sa kan'ya. Umupo ito sa kama at tinabihan ko s'ya.
"Okay ka lang?" Tanong ko.
Tumingin ito sa'kin. Para bang may gusto s'yang sabihin pero hindi n'ya magawa. Umiling ito sa'kin at nagulat ako nang bigla itong tumayo at hinila ako palabas.
"Saan mo ako dadalhin?!" Nag tataka kong tanong sa kanya pero hindi n'ya ako sinasagot.
Nararamdaman kong humihigpit ang hawak n'ya sa braso ko kaya napapa-daing ako sa sakit. "Hannah ano ba!"
Tumigil si Hannah at pinag masdan ako. Mukha s'yang nag aalala na ewan. Nilibot ko ang tingin at napag-tantong nasa likod kami ng main building. Madamo at masukal dito. Tiningnan ko si Hannah at handa na sana mag tanong nang bumulong ito.
"I-I'm sorry," at saka s'ya tumakbo paalis.
Nagulat ako ng may matigas na tumama sa ulo ko. Lumabo ang paningin ko dahil don at nasundan pa iyon ng hampas sa magkabila kong braso. Sinubukan kong tingnan ang humahampas sa'kin pero masyadong nanlalabo ang paningin ko para maaninag ko ang itsura nila.
"You think you can just walk around here and mess with my Arese?!" Narinig kong sambit nang isa at hinampas sa likod ko ang bakal na cinocontrol n'ya gamit ng ability n'ya.
Kahit sobrang sakit ng katawan ko at nagawa kong matawa. Arese? Iyon ang dahilan niya? Damn love can really manipulate people huh.
Napa-luhod ako sa lupa dahil sa panghihina. Naramdaman kong may nag angat ng baba ko at tinapat sa'kin ang mukha n'ya. Dahil sa lapit ng mukha n'ya ay lumilinaw ang paningin ko at natatanaw ko ng mabuti ang itsura n'ya.
Lindsy.
"That's what you get for staying here," sambit nito at sinampal ako ng dalawang beses. Causing the side of my lips to bleed.
Tatlo sila. I assume na si Lorenz ang isa pa nilang kasama dahil iyon din ang kasama ni Lindsy noong unang beses nila akong kinausap. Talagang na recruit pa sila ah?
BINABASA MO ANG
Agate Academy: Zodiac Sign Academy
Fantasia[COMPLETED] Zoe Hulien, an ordinary girl whose only dream is to enter Agate Academy. At the day she steps in, she uncovers the past of its old students. What journey awaits her? How long will she last? What part of the past will she uncover? Is she...