CHAPTER 14: Duel

188 10 0
                                    

Dumiretso kami sa training room. Umupo ako sa sahig at ganoon rin sila Damon. Katabi ko si Damon at ang iba habang nasa harap namin si Arese.




"Malaki ang pinasok na'tin," sambit ni sir Castor kaya napa-tingin kami sa kan'ya. "Kaya wala dapat tayong sinasayang na oras. Tumayo kayo, mag sisimula tayo mag training,"




Agad kaming tumayo at luminya.




Magka-tabi si Ms. Venus at Sir Castor.




"First, Ms. Venus is here to explain you what's Game Quest at kung ano ang gagawin," sambit ni sir Castor.




Ms. Venus used her ability and for a second, ang paligid namin ay naging forest. "Magic Quest. Where the Council decides which magic is stronger. This Quest consists two teams, Team Agate and Team Zircons. Each team consists of 6 members," she waved her hand and suddenly may lumabas na tao sa gubat at nag simula mag laban.


Anim? Tiningnan ko ang mga kasama ko isa-isa. Pito kami. Paano 'to?


"Ngunit napag-alaman namin na pito ang hinihingi ngayon ng Councils. Nakakapag taka ngunit iyon ang nasa sulat na ipinabasa sa amin ni head teacher kanina," dagdag pa niya at napa-iling.


"Every 2 years ito ginaganap pero itinigil ito 20 years ago,"




"How do Magic Quest works? There are three stages in this game. First is collecting. Sa loob ng arena may nakatagong tatlong bato sa na mag sisilbing lagusan papunta sa kweba kung saan ninyo mahahanap ang mga lunas. Hindi lang ito basta-basta nakatago, may pumoprotekta rito. Kailangan n'yong gamitin ang inyong kakayahan at ability upang malagpasan ito," sambit n'ya.



"Pito kayo at pito rin ang hahanapin n'yo. Tig-iisa kayo nang hahanapin at once na matapos ang nakalaang oras at hindi n'yo pa rin nakukuha ang lunas n'yo ay tuluyan kayong mamamatay," dagdag nito ngunit hindi naka-tingin sa'min. "Second stage ay survival. Ang lunas na nakuha ninyo ay may kasamang pang patulog. Magigising kayo na hindi magkakasama. Kailangan n'yo muling mag kita kita sa sentro ng arena," paliwanag nito.




Sa kan'yang illusion ay may lumabas na isang tao na mayroong pito na kulay berdeng ilaw sa wrist nito. "Ang mga berdeng ilaw ang nag sisilbing buhay ng bawat kasama n'yo. Once na naging pula ang isa rito ang ang ibig sabihin noon ay wala na ito,"




Tiningnan ko isa-isa sila Damon. Mukha silang seryoso at inuunawa ang bawat binibitiwang salita ni Ms. Venus. Bumagsak ang paningin ko kay Arese na tulad nila Damon, ay nakikinig din kay ms. Venus. Magkatabi sila ni Damon. I wonder kung anong nararamdaman ngayon ni Damon.



"Tulad sa unang stage ay may oras lamang din na naka laan para kayo ay mag kita-kita. Kapag hindi kayo umabot ay otomatiko kayong mamamatay,"




Nag bago ang aming paligid at naging isa itong battle arena. "Final stage is the final battle. Ang huling kailangan n'yong gawin ay pumatay. Remeber, final stage is all about to kill or to be killed. Ubusan ng lahi. The last team or man standing will automatically be announced as the Magic Quest winner. Naiintindihan n'yo? First and final stage is about team work," paliwanag ni ms. Venus.




Bumalik sa dati ang paligid at tinawag kami ni sir Castor para mag simula sa training.




"Duel," sambit ni sir Castor at pinag-pares kaming pito.




Si Crain ay ipinares kay Valerie, si Paul ay kay Sheila, si Damon ay kay sir Castor at si Arese.. ay sa'kin. "You are now team Agate,"




Nag simula kami sa training at mabilis akong umilag nang batuhin ako ni Arese ng fire ball. Tulad ng ginawa n'ya sa'kin noon. Tiningnan ko si Arese at nakitang naka-ngiti ito sa'kin. Sinamaan ko s'ya ng tingin at ginamitan ng aking abilitity.




Madali ko lamang natutunan ang ability ko dahil hindi naman ito ganoon ka-hirap gamitin. Gamit ang ability ko ay napapabagal ko ang mga ibinabatong apoy sa'kin ni Arese.




Kita ko kung gaano naiinis si Arese dahil hindi ako tinatamaan ng mga apoy na binabato n'ya. Pero ang inis sa kan'yang mukha ay napaltan agad nang isang ngisi.




Nagulat ako nang maramdaman ang apoy sa paligid ko. Tiningnan ko ng masama si Arese na ngayon ay naka-ngiti sa'kin. "Fire ring," sambit nito.




Unti-unting nag susugat ang balat ko kaya ginamit ko ang time freeze para patigilin ang galaw ni Arese at unti-unti rin nawawala ang apoy na naka-ikot sa'kin. Ginamit ko ang oras na iyon para umatake kay Arese. Kinuha ko ang dagger at agad lumapit kay Arese.




Malapit ko na s'yang masaksak pero nagulat ako nang bigla s'yang umilag. "Hindi mo pa rin namamaster ang pag gamit sa ability mo, huh?" He mocked me.




Sa inis ay mabilis ko itong hinagisan ng dagger at nadaplisan s'ya sa tagiliran. "All that for just a scratch?" Pang-inis n'ya. "Come on, Zoe! You're better than this!" Dagdag pa n'ya.





Argh. Nag simula akong kainin ng inis at agad s'yang sinugod. Ginamit ko ang future vision na kasama sa ability ko para malaman ang mga gagawin nyang atake at hindi ako nabigo sa ginawa ko. Mabilis kong inilagan ang mga atake n'ya ngunit tinatamaan pa rin ako ng iba kaya nag tatamo ako ng mga galos. Hindi pwedeng puro lamang ako ilag. Kinuha ko ang tatlong dagger na malapit sa'kin.




Ginamit ko ang buong lakas ko para patigilin ang galaw ni Arese. Nang magawa ko ito ay mabilis kong hinagis ang tatlong dagger sa kan'ya at kapa bumabaon iyon sa kan'ya ginamit ko ang boomerang para paulit-ulitin iyon.



Kita ko kung paano s'ya ngumiwi kaya tinigil ko ang pag gamit sa ability ko. Napa-upo si Arese at dahan dahan tinanggal ang dagger na bumaon sa braso, tagiliran at binti n'ya.




"Not bad," rinig kong sambit n'ya. Kita ko kung paano ito tumayo at lumapit sa'kin. "Looking forward for tomorrow's training," bulong nito at umupo sa upuan katabi si Damon.




Hingal kong nilibot ang tingin ko sa training room saka ko narealize na kanina pa tapos mag training ang iba at pinapanood lamang kami. Pati ang healer na si Hannah ay nasa loob na rin ng silid at ginagamot ang mga galos ni Valerie. Napansin kong umiiwas ng tingin sa'kin si Hannah.




"Good job, Zoids," sambit ni sir Castor. May sasabihin pa sana ito nang may kumatok sa pinto ay may ini-abot na sulat sa kan'ya. Kumunot ang noo nito at huminga ng malalim saka tumingin sa'min. "Dalawang araw lamang ang binigay sa'tin ng Zircons para mag handa. Bukas at sa isang araw ay mas pag iigihin natin ang pag eensayo," sambit nito.





Umupo ako sa sahig kung saan ako naka-tayo at saka pinoproseso ang nangyayari. Dalawang araw lamang ang panahong ibinigay sa amin para mag ensayo. Kakayanin ba namin ito? Bahagya kong iniling ang ulo ko. Kaya namin ito. Para sa kapwa namin na nasa puder nila, kakayanin namin.




___________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Agate Academy: Zodiac Sign AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon