CHAPTER 20: Time Traveler

209 9 3
                                    

Humakbang ako pa-una at tinanaw ang nasa kabilang pwesto. Medyo dumidilim na at tiningnan ko ang mga kasama ko at napansin kong nag hahanda na sila. Napa-tingin ako sa itaas nang makita ang countdown. Ten seconds before the final battle begins. Mayroon ring anim na berdeng ilaw habang naka may pangalan na Zoids at Zircons.




Nang sumaktong zero ay may narinig kaming pito, agad akong na-alarma nang may dumaan sa gilid ko at nasagutan ako gamit ng dala nyang dagger. Paulit-ulit n'ya itong ginagawa pero hindi ko makita kung nasaan sya dahil sa bilis n'ya.




Sa pangatlong dikit nito sa akin ay hinawi ko ang kamay ko sa ere at bumagal ang pag-takbo n'ya. Nakita kong nagulat ito at tumingin sa'kin. Nginitian ko s'ya.





"Hi," sambit ko at lumapit sa kan'ya. Sapilitan kong kinuha ang dagger sa kamay n'ya. "Sorry," sambit ko at saka sya sinaksak sa dibdib.




Tinigil ko ang ability ko at bumagsak ito sa lupa. Kita ko kung paano ito mamilipit sa sakit. Naalarma ang sistema ko nang maramdaman ko ang pag yanig ng lupa. Sinaksak kong muli sa dibdib iyong nakahiga sa lupa at iniwan ko iyon. Tiningnan ko ang ilaw sa itaas at nabawasan ng isa ang sa Zircons.




Lumapit ako kay Paul dahil s'ya ang pinaka-malapit sa pwesto ko. "Earth manipulation," sambit ni Paul at napa-tingin kami sa lalaki sa harap namin na may mga lupa sa kamay na pinag didikit ng lava.




Teka, sya iyong lalaki na kasama noong may humabol sa'kin dati. Hinampas nito ang lupa at may lumabas doon na isang malaking Earth Golem. Cinocontrol niya iyon gamit ng kamay n'ya.




"Any plan?" Tanong ni Paul.





Nag kibit balikat ako. "Don't die?" sagot ko at saka namin sinugod ang Earth Golem.




Gamit ang time freeze ay hindi mai-galaw nung lalaki ang Golem n'ya. Paul changed himself to something big and strong. An.. elephant.





He uses his all strength at binunggo ang Golem. I used my time reversal at pinaulit-ulit ko iyon. Nawasak namin ang Golem ngunit ngumisi lamang ang lalaki at may lumabas muli na Earth Golems. Tatlong Earth Golems.




"Huwag ang Golem ang pag paguran n'yo. Destroy the creator not the creation," biglang sambit ni Valerie sa tabi ko.




Umalis din si Valerie at tinulungan si Crain sa isa pang kalaban. Tama siya. Ang lalaki ang dapat naming patayin. Nilapitan ko si Paul at nag anyong tao muli ito.





"Here's a plan. I want you to distract the Golems. Sa paraan na iyon ay pati iyong lalaki ay makukuha mo ang atensyon. Saka ko ito susugurin," sambit ko.





Tumango si Paul at nag anyong oso. Nag isip ako ng paraan para hindi mapansin ang pag lapit ko sa lalaki at saktong dumating si Damon sa tabi ko. "Humawak ka sa'kin," sambit nito.






Sinunod ko ang utos n'ya at saka ito muling nag laho. Nakita ko kung paano madamay ang katawan ko sa pag laho. "Wow," hindi ko mapigilan ang humanga. I didn't know he can do this!




Lumapit kami sa lalaki at sa likod kami dumaan. Saktong mayroon ring susugod sa likod namin kaya agad iyon inagapan ni Damon. Nawala ang invisibility sa katawan ko at hindi na ako nag aksaya ng oras agad kong pinatigil ang lalaki gamit ng time freeze at saka ko ito sinakal at hiniga sa lupa.




Sinaksak ko ito sa dibdib pero hindi pa rin nawawala ang golems nito. Ngumisi ito sa'kin.





"I like your pink eyes," sambit n'ya.





Agate Academy: Zodiac Sign AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon