Madilim na nang matapos kaming gamutin ni Hannah at dumiretso agad ako sa building ng Taurus pagkatapos. Habang ginagamot ako ni Hannah ay pinilit kong huwag siyang tingnan. Hindi ko pa alam kung anong reaction ang ibibigay sa kan'ya dahil unang una ay sinet-up n'ya ako. Pero salamat din dahil nalaman ko ang sign ko.
Dumiretso ako sa shower room at nag linis ng katawan. After ko mag linis ay nag palit ako ng damit at humiga sa kama. Kinuha ko ang libro na nakuha ko sa silid kaninang madaling araw. Binuklat ko iyon at kinuha ang litratong nasa loob non. Tiningnan ko ang likod noon at muling binasa ang naka sulat.
Best team of Magic Quest.
Magic Quest. Ang sabi ni ms. Venus at kada dalawang taon ito ginaganap pero itinigil twenty years ako. Muli kong tiningnan ang itsura ng mga nasa litrato at nag focus sa mukha ni Mama. Napaka bata pa ng mukha n'ya rito. Isa s'ya sa mga lumaban sa Magic Quest. At kasama n'ya ang head teacher. Magka-kilala ba sila? Siguro. Naalala ko ang sinabi nito noong una kong pasok rito.
"Wala kang sign. Para kang ang iyong ina nung una syang dumating dito,"
Ibig sabihin ay magka-kilala talaga sila. At maaring, mag kaibigan sila.. hindi ba? Sinuri kong mabuti ang litrato. Hindi pamilyar sa'kin ang iba nilang kasama. Inikot ko muli ang litrato at nagulat ako nang may kumikinang kapag tinatagilid ko ito. Inulit ko iyon at tama nga ako. Sa tabi ng lalaki ay parang may ginurihan na isa pa. Ginurihan gamit ng itim na panulat.
Tama. Ang sabi ni ms. Venus ay binubuo ng anim na kalahok ang bawat team na sasali sa Magic Quest, nagkataon lamang na pito ang sinabi ng Councils ngayon. Ibig sabihin ay may isa pa silang kasama. Ngunit sino? At bakit hindi ito kasama sa naka sulat sa likod? Bakit may guri ito sa litrato?
Muling bumalik ang katagang sinabi sa'kin kanina nang head teacher. Muntik ko na iyon maka-limutan dahil sa dami ng pinoproseso ko sa utak pero ngayon ay aking naalala.
"Good luck following your mother's trail,"
My mother's trail? Bakit? Ano bang ginawa ni Mama noon dito?
Binaba ko ang hawak ko sa kama at kinuha ang telepono upang tawagan si Mama. Naka ilang ring na pero wala pa rin sumasagot. Tiningnan ko ang relo at nakitang late na. Siguro ay tulog na si Mama. Pinatay ko na ang tawag at bumalik sa kama. Binalik ko ang litrato sa libro at ipinatong iyon sa lamesa katabi ng kama ko.
Humiga na ako at natulog na.
—
Maaga akong nagising at agad dumiretso sa training room. Habang nag lalakad ay may mga tumitingin sa'kin na estudyante. Hindi ko nalang sila pinansin. Wala akong panahon para pansinin sila.
"Diba s'ya yung dahilan kaya nasa hospital si Lindsy at Lorenz?"
"Oo, kasali din s'ya sa Magic Quest,"
"Hindi naman mukhang malakas,"
Ilan lamang yan sa narinig kong bulungan pero hindi ko na pinatulan. Dumiretso na lamang ako sa training room. Pag pasok ko roon ay nadatnan ko si Damon at Arese. Hindi sila nag-uusap. Si Damon ay nilalaro ang dagger at si Arese naman ay nag lalagay ng tela sa kamay. Parehas silang napa-tingin sa'kin ng buksan ko ang pinto.
"You're early," banggit ni Arese habang patuloy sa pag lalagay ng tela sa kamay n'ya.
I just shrugged at tumabi kay Damon. Kinuha ko ang dagger sa kamay n'ya at binato iyon sa bag target.
BINABASA MO ANG
Agate Academy: Zodiac Sign Academy
Fantasy[COMPLETED] Zoe Hulien, an ordinary girl whose only dream is to enter Agate Academy. At the day she steps in, she uncovers the past of its old students. What journey awaits her? How long will she last? What part of the past will she uncover? Is she...