Mabilis lumipas ang oras habang nag t-training kami kahapon. Halos mag ha-hating gabi na rin kami natapos. At habang nag t-training ay napapansin kong nag iimprove rin kami.
Si Valerie, natutunan n'yang mas gamitin ang future vision n'ya. Si Crain mas na-master ang pag cocontrol nito gamit ang kan'yang utak. Si Sheila na tulad ni Crain. Si Paul na mas dumarami ang naa-adopt na anyo. Si Damon na mas tumatagal na ang kan'yang invisibility. At si Arese sa pag control ng kan'yang apoy.
Ako, masasabi kong na cocontrol ko na rin ng mas maayos ang ability ko. Ang emosyon ko ay hindi pa gaano kaayos.
Last day na ng pag eensayo namin ngayon at bukas ay pupunta na kami sa Magic Quest Arena. Sabi ni Ms. Venus ay doon ginaganap palagi ang Magic Quest. Ngunit after ng isang paligsahan ay nag babago ang loob nito para sa susunod.
Hindi ko pa rin nakakausap si Mama dahil hindi ito sumasagot sa mga tawag ko. Sana ay sumagot ito mamaya dahil mula bukas ay maaring hindi ko na s'ya maka-usap.
Ang training namin ngayon ay nag focus sa mga maaari naming makuha sa paligid. Hindi raw lagi ay mayroon kaming dala na dagger dahil maari itong mahulong kung saan at hindi namin makuha. Kailangan daw namin maging resourceful.
"Focus on your opponent. Hanapin n'yo kung ano ang kan'yang kahinaan. Maari n'yo iyon gamitin laban sa kan'ya," sambit ni sir Castor.
Buong araw kami nag t-train at titigil lamang kapag mag papahinga at kakain. Nauna akong tumigil at pinanood ko kung paano makipag laban ang iba kong kasama.
Bots ang kalaban na'min ngayon at kung pag mamasdan silang lima ay si Arese ang pinaka madami at mabilis na napatay, sumunod si Crain at Sheila tapos si Paul at si Valerie. Si Valerie ay more on things ang gamit. Sabi ni Ms. Venus ay maaring gamitin ni Valerie ang kung anong makikita nito gamit ang future vision n'ya na maaring makapang hina sa kalaban.
Si Damon ay hindi ko makita, of course he's invisible. Pinuri siya ni Sir Castor dahil kung ikukumpara dati ay mas napapatagal na ni Damon ang pag gamit sa kan'yang ability.
Napa-tingin ako sa gawi ni Arese. Seryoso itong pumapatay ng bots na para bang wala lang sa kan'ya. Pero napatigil ako at napa-tingin sa kan'yang kamay na kanina pa dumudugo.
"Arese," sambit ni Ms. Venus kaya tumigil si Arese.
Napa-tingin ito sa kamay n'ya at napa-mura. Tinanggal nito ang tela sa kamay at kumuha ng alcohol sa lamesa saka halos ibuhos iyon sa kamay n'ya. Binalutan n'ya muli iyon ng panibagong tela.
"Anong nangyari?" Tanong ko kay Sir Castor.
"The more he uses his ability, the more it consumes it's body," sambit nito.
Napa-kunot ang noo ko. "What? Why?"
"Some abilities have their own time limit. Tulad ng kay Damon, his invincibility only last for four to five hours. Paul's shapeshifting can only last for 1 day and Arese's fire manipulation can only last for 7 hours. Kapag ginagamit mo pa rin ito way past it's limit, maari na nitong masaktan ang sarili," paliwanag n'ya.
Kaya pala palagi s'yang nag lalagay ng tela sa kamay n'ya kapag may training. Sa aming anim ay s'ya ang palaging mas matagal nag t-training.
Tumigil kami sa pag t-training at nag pahinga. Napa-ngiti ako nang makitang nilapitan ni Damon si Arese at kinausap. Kahapon ay matapos kong sabihan si Damon, kinausap n'ya si Arese at simula noon ay palagi na n'ya itong kinakausap. Noong una ay awkward pa sila pero nung tumagal ay parang nawawala na ang ilang sa isa't isa.
"They were the best duo back then," I almost jumped when Paul suddenly appeared beside me. "They were inseparable," umiling pa ito.
Lalo akong napa-ngiti. It's good to see them talking again. Siguro ay napaka saya ni Damon ngayon dahil nagiging close na muli sila ng best friend n'ya.
Mabilis ang oras at natapos na kami sa training. Halos mag aalas nuebe na ng gabi kaya nag si-uwian na kami sa building namin. Malapit na ako sa building ko ng maka-kita ng liwanag sa may pa-likod ng Academy. Out of curiosity ay sinundan ko ang liwanag at nagulat ako nang makita si Arese na ginagamit ang ability n'ya. Aalis na sana ako para hindi s'ya magulo pero natakid ako sa isang bato at napa-upo.
Agad naalarma si Arese at lumingon. I smiled awkwardly when he saw me. Mukha siguro ako ngayong creepy stalker.
"What are you doing here?" Tanong n'ya.
Iyong itsura n'ya ay gaya noong una ko s'yang nakita. Nakakatakot ang ekspresyon ng mukha n'ya. Tumayo ako at pinag pagan ang sarili. "Wala. Napa-daan lang," sambit ko. "Una na ako," aalis na sana ako nang maramdaman ko ang kamay n'ya sa braso ko kaya nilingon ko ito.
"Stay,"
For a second, nawala ang nakakatakot na ekspresyon sa mukha n'ya. Para s'yang isang tigreng biglang umamo ang mukha. Unti-unti n'yang binitawan ang braso ko at bumalik sa inuupuan n'ya kanina na bato.
Sinundan ko s'ya. Tumabi ako sa kan'ya at pinag masdan s'ya. Mukha s'yang problemado. "Anong problema mo?" Tanong ko.
"Ikaw,"
Kumunot ang noo ko. "Anong ako? Ikaw ang tinatanong ko,"
Napa-iling ito at ngumiti na para bang ineenjoy ang mga sagot ko. "Ikaw nga,"
"Wala akong problema. Ikaw ang mukhang may problema. Sagutin mo nga ako ng ayos!" Irap ko.
"Little beast," bulong n'ya. "Ang bilis mapikon,"
Tinaasan ko s'ya ng kilay. "Wow ha? Nag salita ang lalaking muntik na akong patayin dahil lang sa nasanggi ko ang kamay," muli ko syang inirapan.
Natigilan s'ya sa sinabi ko at napa-iwas ng tingin. Na-itikom ko ang bibig ko. "Gabi na, bumalik na tayo sa building natin," sagot ko.
Tumayo ako at tumayo rin siya. Magkatabi lang halos ang building namin kaya parehas kami ng tinahak na daan. Nauna akong makarating sa akin kaya nag paalam na ako. Papasok na sana ako ng mag salita ito.
"Promise me you'll come back alive,"
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
BINABASA MO ANG
Agate Academy: Zodiac Sign Academy
Fantasy[COMPLETED] Zoe Hulien, an ordinary girl whose only dream is to enter Agate Academy. At the day she steps in, she uncovers the past of its old students. What journey awaits her? How long will she last? What part of the past will she uncover? Is she...