Zircons? What Zircons? Hanggang ngayon dito sa kwarto ko ay iniisip ko pa din ang sinabi ni Arese. Tinanong ko s'ya kung anong ibigsabihin n'ya pero pumasok lang s'ya kaya sumunod ako ngunit pag pasok ko ay wala na s'ya. Dumiretso ako sa kwarto ko at agad nag linis ng katawan. Nag palit ako ng dami at humiga sa kama.
8:30 na ng umaga. Hindi ako umabot sa breakfast kaya mag-isa akong pumunta sa Agate Dining. Kamusta kaya sila Damon? Hindi nga pala nila alam na suspended ako. At hindi rin nila alam na hindi ako umuwi kagabi.
Umayos ako ng upo at inayos ang pagkain sa harap ko. Medyo dinamihan ko na dahil plano kong tumakas papuntang training room. Gusto ko mag training mag isa. Para kahit wala pa akong ability atleast malalaman ko kung paano dumepensa. Hindi tulad nang ginawa ko kagabi. Tumakbo at tumakas lamang ako.
Natapos ako sa pagkain at umalis na ako roon. Pumasok ako sa hallway ng school building at maingat na pumunta sa training room. Success naman ang pag punta ko at naka-rating ako ng maayos. Tiningnan ko ang mga galos ko at mukhang humihilom na ito.
Sinara ko ang pinto ng training room at kumuha ng tatlong dagger sa table kung saan ito nakalagay. Hindi naman ako bobo pag dating sa ganito dahil maalam din naman ako makipag laban. Ayun nga lang, sa mga normal na tao.
Humarap ako sa tatlong bag targets at unti-unting lumayo. Tumayo ako sa sahig kung saan may naka markang 'X'.
Huminga ako ng malalim at mabilis na hinagis ang tatlong dagger ng sunod sunod. Tiningnan ko ang bag targets at nakitang dalawa lamang ang naging perfect hit. Kinuha ko muli ang daggers at bumalik sa pwesto ko kanina.
Tinutok ko ang mga dagger sa bag targets at huminga ng malalim. "Come on, Zoe," bulong ko at hinagis muli ang dagger isa-isa. Mas mabilis kaysa kanina.
Napatalon ako sa tuwa ng makitang perfect hit silang lahat. Ilang beses ko iyon inulit para testingin kung chamba lang ba iyong nagawa ko kanina.
Nang makalipas ang halos kalahating minuto ay binuksan ko ang switch para lumabas ang bots. Tulad kahapon, noong nag training sila Damon.
Isa-isa lumabas ang bots ngunit hindi ako nito sinusugod. Nag tataka akong tiningnan ang switch nito. Naka lagay pala sa Zoid mode. I switched it to normal mode at nagulat ako nang makitang sabay sabay silang sumusugod sa'kin.
Kumuha ako ng ilang daggers at sunod sunod na binato iyon sa mga bots na sumusugod sa'kin. Lahat 'yon ay bumagsak maliban sa isa kaya kumuha ako ng isang dagger at saka ito sinugod.
Ang mga bots na ito ay may hawak din na weapons tulad nang ginagamit ko. These bots will harm us and give us real wounds.
Sinugod ko 'yung isang bots. Sasaksakin ko sana ito nang maunahan n'ya ako pero agad akong naka iwas ngunit nadaplisan pa din ako nito sa tagiliran. Sinaksak ko ang dagger na hawak ko sa parteng dibdib nito nang limang beses hanggang sa bumagsak ito.
Ilang bots pa ang pinatay ko gamit ang daggers hanggang sa patayin ko ang switch dahil naka-rinig ako ng mga yapak sa labas.
Nang patayin ko ang switch ay parang hinihigop ng sahig ang mga bots na naka-laban ko. Hinawakan ko ang tagiliran ko at napansin kong dumudugo ito. Binalik ko ang mga dagger na hawak ko sa lamesa at umupo saglit. Mababaw lamang ang natamo kong sugat pero mahapdi ito.
Napa-tingin ako sa pinto nang training room nang bumukas ito. Akala ko ay mapapagalitan nanaman ako dahil hindi dapat ako nandito pero naka-hinga ako ng maayos nang makitang sila Sheila ang dumating.
Mukhang naging ka-close na rin nila si Sheila dahil nag tatawanan si Sheila at Crain habang si Damon at Valeri naman ay seryosong nag uusap. Napa-tingin ako kay Paul na naka-tingin sa nag tatawanang Sheila at Crain.
"Zoe! Where the hell have you been?!"
Bungad ni Sheila nang makita ako. Napa-tingin ito sa kamay ko na nakahawak sa tagiliran ko na dumudugo. Nanlaki ang mata nito at akmang aalis sana- siguro para tawagin si Hannah pero pinigilan ko.
"Okay lang ako. The bot did this," sambit ko at nag lakad papunta sa kanila.
I saw Valerie raised her eyebrow at sinuri ako. "Where have you been?" She asked with her bitchy tone.
Paano ko ba ieexplain sa kanila ang nangyari? Bumalik ako sa inuupuan ko kanina at tumabi sakin si Valerie at Sheila. The boys remained standing.
"What is Zircons?"
Nagka-tinginan sila dahil sa tanong ko. Tumingin sa'kin si Paul at nag salita. "The question is who. Not what,"
"They are the rival school of Agate Academy," sambit ni Damon.
Rival school? Kaya ba gusto nila akong kunin? But why?
"Bakit? Sa'n mo narinig 'yon?" Tanong ni Crain.
"They chased me last night," bulong ko.
"They what?" This time, Valerie looked at me. "How?"
Umiling ako. "Lumabas kasi ako tapos hindi agad ako naka-balik hanggang sa nakita nila ako. Masama ang kutob ko kaya tumakbo ako palayo at hinabol nila ako. Hanggang sa akala nila ay nahulog ako sa bangin," paliwanag ko.
Kita kong seryoso ang itsura nila. Naramdaman kong bumaba si Damon at lumevel sa'min.
"Delikado ang ginawa mo, Zoe. Mabuti at natakasan mo sila. They want your sign, Zoe. They want your ability," sambit nito. "Siguro ay akala nila may ability ka na dahil galing ka sa Agate. Sila ang dahilan kaya tayo nag t-training, Zoe,"
Naka-tingin lamang ako kay Damon habang nag poproseso sa utak ko ang mga sinasabi n'ya. Sila ang dapat namin, layuan. Sila ang gustong kumuha ng ability namin. Sila ang kalaban.
Para akong naestatwa sa nalaman ko. Muntikan na ako kagabi. Mabuti nalang talaga at natakasan ko sila.
And all of that happened because I freaking followed Arese!
"Anong sinabi nila sa'yo? May sinabi ba sila?" Tanong ni Paul.
Si Sheila tahimik lang din na nakikinig sa tabi ko. Siguro dahil ay pinoproseso nya din ang lahat sa utak n'ya.
"Wala silang sinabi sa'kin. Pero may sinabi sila sa isa't isa. Kung nakuha raw nila ako ay matutuwa ang head master nila. At nung inakala nilang namatay ako sa bangin, they will hunt again tomorrow," sagot ko.
Valerie sighed and looked at Crain. May binulong ito doon at saka lumabas ng training room. Did I made a mess?
Nag paalam si Sheila na tatawagin daw n'ya si Hannah para gamutin muli ako at sumama naman si Paul. Natira kami ni Damon sa training room.
"What you did is risky, Zoe," paninula n'ya at umupo sa tabi ko. "Mabuti at walang nangyaring masama sa'yo," nakita ko kung paano n'ya ikuyom ang kamay n'ya.
"I'm sorry,"
"Don't do it again. Please," lumingon s'ya sa'kin. "Hinanap kita kagabi, Zoe. Hinanap ka namin. Akala namin ay umalis ka na talaga,"
Ngumiti lamang ako dito. My life is in danger here. Our life is in danger. Should I still stay?
"Let's see how long you'll last, Beastie,"
_______________________________________________________________________________________________________________________________________
BINABASA MO ANG
Agate Academy: Zodiac Sign Academy
Fantasy[COMPLETED] Zoe Hulien, an ordinary girl whose only dream is to enter Agate Academy. At the day she steps in, she uncovers the past of its old students. What journey awaits her? How long will she last? What part of the past will she uncover? Is she...