Chapter 14: Duel

41 5 0
                                    

After our conversation, we decided to walk towards the forest.

Along the way, napag-usapan din namin ang mga bagay na dapat pag-usapan. We have discussed what are the measures we should do when unforeseen circumstance gets along the way.

Among the three, I noticed how enthusiastic Xinyu is regarding our journey. He kept on talking and blubbering nonsense, which is ayos din dahil nagkakaroon ng magandang ambiance ang paligid dahil sa pagiging talkative niya.

Minsan nagtatanong ito kung paano ko nabuo ang pakpak kanina at mga bagay na related sa aking abilidad. Sinasagot ko ang kaniyang tanong but if his questions went beyond the boundary, hindi ako sasagot at mananatili lamang na tahimik.

Base from their observations and the vague answers I told them, they assumed I am a Charmer player having affiliation with an ice element. Hinayaan ko nalang sila kung gano'n ang iniisip nila sa 'kin.

Nasa gilid ko lamang si Xunyi, tahimik ngunit nakikinig din sa usapan. Paminsan-minsan ay nagsasalita ito ngunit kaunti lang. Nagtatanong din ito at sinasagot ko naman siya nang maayos.

We walked through the forest full of harmony. We never ask questions too personal and would only ask related to the game. We would talk about our experiences in this game. This is also the time I realized na hindi ko na alam kung ilang araw na ba akong naglalaro sa game na ito.

According sa kanila, they have been playing this game for more than three months. Sobrang hirap daw kasi makapag gain ng level kaya tumagal sila rito. Isa pa, nakakatuwa naman daw maglaro rito kaya kahit na hindi pa nila nar-reach ang level 30, sinusulit nila ang kanilang paglalakbay. They entered this game to enjoy and to relax, and to escape reality for a while.

Since matagal-tagal na rin sila rito, halos alam na nila ang pasikot-sikot dito sa forest. Marami na silang nabisitang mga kakaibang lugar dito sa game. Kahit na nakakapagod ito, nae-enjoy parin nila ang kanilang ginagawa dahil gusto rin nila ng adventures.

In their journey, it was inevitable that they would meet other players and made some friends. But they don't really trust players because they might have hidden intentions. These players might stab them without them knowing. They only trusted themselves.

However, they clearly emphasize that I was a different breed. They held nothing against me at wala na raw silang masamang balak na gawin sa akin. After what I have done, they realized they made a mistake but they have never regretted meeting me. Kung hindi daw dahil sa akin, they wouldn't have acquired one of the rarest accessory in this game.

Ngayon, tinuturing na raw nila ako na nakakabatang kapatid. Ewan ko kung paano tumakbo ang utak ng dalawang unggot na 'to. Hindi nga nila alam ang aking edad at baka nga magka-edad pa kami. Hindi nga rin nila alam na ako ay isang babae.

Habang naglalakad kami, nasabi rin nila ang kanilang plano. Since nakuha na nila ang Eyes of Green Serpent, ang plano na nila ngayon ay makakuha ng wings. They would try to look for the ingredients to create wings. Mahirap ito kung hanapin kaya paniguradong matatagalan pa siguro bago sila makakuha.

Isa pa, worth it din naman ang dugo at pawis kung makakuha na sila wings. Having wings will give them access to hidden and popular places in this game, thus the desperation to acquire one.

They even tried persuading me na sumama raw ako kanilang paglalakbay but I decisively refused. In the first place, wala akong planong sumama sa dalawang ito at wala sa plano kong magkaroon ng kakilala rito sa game. I enjoy being alone and all I really want was to log out soon as possible, nothing more, nothing less.

Nagkataon lang na kailangan ko sila ngayon.

Kaya nasabi kong pagkatapos namin sa problemang ito, maghihiwalay-hiwalay na kami. Ngunit mamaya pa 'yun at may kakakaharapin muna kaming kalaban bago mangyari iyon.

August Is OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon