Chapter 3: "Thou Shalt Know"

61 2 0
                                    

December 24, 2018

5:12 am

Nagising ako sa katok. Anong oras na ba? Ang aga aga pa ah.

Tok! Tok! Tok!

"Nandyan na!" sigaw ko ng may nangangarag na boses. Binuksan ko ng kaunti yung pinto, balak ko sanang silipin lang pero nung pagbukas ko...

"Hoy, babaita! Anong ginagawa mo?! Anong oras na?! Late ka na!!" sabi ni Ally? Anong ginagawa nya dito? Late? Madilim pa ah. Teka, madilim pa. Ay, shet anong oras na? Binuksan ko yung ilaw.

"Anong oras na ba? Pumasok ka nga muna." sabi ko kay Ally habang nagpapanic.

"Ala sais na!! Wag ka na maligo! Dun ka na maligo sa kanila. Magsuklay ka na lang tapos magbihis. Ang usapan 5 am, kasi mahirap nang mamalengke ngayon. Ikaw naman tulog lang ng tulog. Bilisan mo!" sigaw ni Ally.
Oo nga pala, oo nga pala. Bakit di ako nagising sa alarm? Sige di na ako maliligo. Bilis. Bilis. Bilis. Nagtoothbrush na lang ako atsaka nag hilamos tapos bihis. Buti nalang naligo ako kagabi, buti nalang naayos ko na mga dadalhin ko ngayon. Hays, ang malas naman.

05:20 am

"Tara na!" sigaw ko kay Ally. Yung mukha nya di makapaniwala na tapos nako.

"Talagang tinotoo mong di maligo ah, haha. Good!" sabay tawa.

"Che! Tumigil ka dyan. Antok na antok pako. Magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising." sabi ko habang nilolock yung pinto.

"Yes, mam. Lets go sagoo! Im so excited! Wohohoo!" sabi ni Ally.
Malapit lang bahay nila L. Isang sakay lang ng jeep, kaya within 20 minutes nakarating na kami.

"Tao pooo! Merry Christmaaaaaaaas!!" sigaw ni Ally habang kinakatok yung gate. Hay, antok na antok pa talaga ako. Hindi ako nakatulog sa jeep dahil biyaheng langit ang nasakyan namin.

Maya maya bumukas na yung gate, si L nakashorts? First time, ah? Hihi.

"Pasok kayo, anong nangyari sayo Tere? Bangag ka ata?" tanong ni L sakin.

"Shhh, nananaginip pa yan. Mamaya masapak ka nyan, bahala ka. Nandyan na si Lans?" tanong ni Ally.

"Oo, 04:30 palang nandito na sya. Excited pa sa excited eh," sabi ni L habang pinapapasok kami.

"Ay. Oo nga pala L. Pwedeng makiligo sa inyo si Rhesa? Kasalanan ko kasi kung bakit di sya nakaligo eh. Sige na..." sabi ni Ally.

"Oo naman, sige. Nandun yung CR sa tabi ng hagdan. Basta pag may nakita kang kakaiba dun wag mong ipagsasabi sa iba ah. Atin atin lang." sabi ni L sakin.

"Hala grabe nakakatakot naman dun. Anong kakaiba?" tanong ko sa kanya pero di sya sumagot, tumawa lang.

Pagpasok namin sa loob nakita ko agad si Lans, nasa may kusina ata sya? Nang makita nya kame binitawan agad nya yung sandok at lumapit samin.

"Late na kayo! Pag tayo walang napamalengke kayo lulutuin namin ah," sabi ni Lans samin tapos napatitig sya saken. "Ahahaha! Anong mukha yan? May panis na laway ka pa ata eh, di ka naligo no?? Hahahaha." Hay, wala akong panahong makipag asaran sayo.

Di ko nalang sya pinansin, dumiretso ako nang CR dala mga gamit ko.

"Snobber na sya ngayon, nagpasko lang di na namansin." sabi ni Lans tapos siniko sya ni Ally.

"Shhh! Wag mo syang aasarin! Hayaan mo munang bumalik ang dati nyang sarili. Binadtrip ko kanina yan eh. Hihi." sabi ni Ally sa kanila.

Binuksan ko na yung pinto ng CR kaso madilim, san ba switch dito? Wala akong makita, ang dilim. Nilibot ko yung tingin ko nang may naaninag akong tao. Tao. Tao yun diba?? Nilapitan ko onti..... tao nga. Ohh maygaaad may tao nga!

For Thy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon