April 21, 2019
06:32 pm
Teresa Malli
24 hours left
"O cursed spite,
The time is out of joint
O cursed spite,
That ever I was born to set it right."
"Yun! Diba? Sabi na sayo madali lang eh. Basta alam mo lang yung tamang feeling ng bawat salita," sabi ko sa kanya pagkatapos nyang irecite yung ilang lines sa Hamlet.
Nakadapa sya sa may damo, ako naman nakaupo sa tabi nya. Nakapwesto kami kung saan kami pumwesto nung new year dito sa tuktok ng bundok na parati naming pinupuntahan.
"Nakakainis naman kasi. Bakit kasi kabisado mo?" irita nyang tanong.
"Hindi ko kabisado. Mga favorite lines ko lang yun. Manghihingi ka ng favor tapos magrereklamo ka." sagot ko sa kanya tapos tumayo na ako. "Halika na madilim na oh."
Tumayo na din sya. Tapos nag unat. Wala na yung semento nya sa binti kaya hindi na sya awkward maglakad.
"Aalis na agad tao dito?" tanong nya.
"Eh ano pang gagawin natin dito? Hindi ka ba nagugutom? Anong oras na kaya."
"Nagugutom ka na naman? Kakakain mo lang kanina ah? Wala pang 6 hours ang lumipas, gutom na agad?" sunod sunod nyang tanong tapos bigla syang sumigaw habang nakaharap sa cityscape. "SI TERESA MALLI MAY BULATE NA SA TYAN! KAKAKAIN NG NAKAKASUKANG CHEESECAKE NA BINIGAY NI AC!!" tapos tumawa sya.
"Hoy! Antagal na nun di ka pa rin makamove on?!" tumatawa pa rin ako tapos tinitigan ko yung view ng cityscape at sumigaw din.
"MAS OKAY NA YUN KESA MAG FEELING SLIM AND FIT AT MANGARAP NA MAY 6 PACK ABS!!!!"
"PARA LANG MALAMAN NYO HINDI NA YUN PANGARAP DAHIL NATUPAD NA!!" sigaw nya ulit. Feelingero talaga. Asaran pala gusto nya ah.
"WEH?! SI REYLAN SORIL PO NATUTULOG NG WALANG DAMIT!! HA-HA-HA! NAKAKAHIYA PO!" tumatawa pa rin ako.
"DI TULAD NG ISA DYAN NA PAULIT ULIT YUNG PAJAMA NA SINUSUOT!!"
"Hoy nilalabhan ko yon ah!" hinampas ko sya sa braso.
"NAPIKON SI TERESA! IBIG SABIHIN, TOTOO!!" sigaw ulit nya.
"Dinedepensahan ko lang sarili ko no. Sira ka talaga."
"ATSAKA NANINILIP SI TERESA MALLI! PANO NYA NALAMANG WALA AKONG DAMIT?!!"
"HAH! SINO KAYANG NANINILIP DITO?! TAMAAN SANA NG KIDLAT! HAHA!!"
"WALA AKONG KASALANAN! INOSENTE ANG PAGIISIP KO!"
Haha, kala mo dyan ha.
"GUILTY MERONG TINAMAAN DITO! HAHAH-" napatigil ako nang biglang may sumigaw.
"HOY! MAGPATULOG KAYO!!!! ANG INGAY NYO!!"
Pati si Lans napatigil sa pagtawa. Saan kaya nanggaling yun? Wala namang bahay dito.
BINABASA MO ANG
For Thy Love
Science Fiction'Twas the night before the awaited Tick Tock, -- Tumatakbo nang mabilis ang oras. Kasabay nito ang unti unting paglalim ng pagtitinginan ni Lans at Teresa, na umpisa pa lang ay dapat winakasan na. Dahil ito ang magdadala sa pangyayaring babali at ma...