"Did my heart lone 'till now?
For swear it, sight!
For I ne'er saw true beauty
'till this night."
-William Shakespeare, Romeo and JulietBiglang nawala yung ingay na narinig ko. Tumahimik ang lahat. Anong sabi nya?
" Huh?" tanong ko.
"Liligawan kita," ulit nya.
"Heh, nababaliw ka n-"
"Liligawan kita."
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko lalo na nung tiningnan ko ulit ang mukha nya at nakita ko naman yung seryosong mukha na nakita ko kanina.Kinakabahan ako. Kinakabahan ako kase parang nangyari na to.
"Bakit?? B-bakit ako??" tanong ko.
"Kase gusto kita."
"Ba-bakit?"
"Gusto mo talagang malaman?"
Mas tumalas pa yung mga tingin nya.
"Hindi."
Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? New year na new year ganito nararamdaman ko.
Bigla syang ngumiti, haaaay. Nawala rin yung mukhang yun. Ayoko ng ganitong atmosphere. Nakatitig pa rin sya saken, nag hihintay ba sya ng sasabihin ko? Eh anong dapat kong sabihin? Ibahin ko nalang kaya yung usapan?
"Bipolar ka ba?" tanong ko.
"Pick-up line ba yan?"
"Haha, adik hindi!"
"Hay salamat tumawa ka din. Natatakot ako sa reaksyon mo eh. Akala ko naihi ka na sa sobrang kaba."
"At bakit naman ako kakabahan? May bagay ba na dapat akong ikakaba?"
"Palusot mo pero kanina di maipinta yung mukha mo. Syempre di ka makapaniwala na si Reylan Soril na tinaguriang 'Hearthrob' at 'Pinakagwapo sa campus' at 'May pinaka hot na Bench Body' ay manliligaw sayo." pagmamalaki nya.
"Waaw naman talaga! Para lang malaman mo mas gwapo pa yung paa ko sayo."
"Grabe ka naman. Sige nga patingin ng paa mo??"
"Ewan ko sayo. Manahimik ka na nga . Bagong taon na bagong taon eh." tapos ay tumalikod na ako at bumalik na sa may pwesto namin.
Nanood lang kami ng mga fireworks at inubos yung mga pagkain hanggang 2 am. Pagkatapos ay bumalik na kami at inihatid nya nako sa boarding house.
Kinausap nya na rin nagbabantay kanina at nagsorry. Nasa may gate kami at pauwi na rin sya."O blessed, blessed night! I-," sabay tingin sakin, "Being in night all this but a dream," tapos tumingin ulit. "Too flattering sweet to beeeee-" tumingin uli sya, "substancial." Tapos huminga sya ng malalim.
Tinignan ko lang sya tapos tumawa.
"Ahahaha! Ano yun? Nagdedeclam ka?"
"Hindi ah! Sa Romeo and Juliet kaya yun. Yung paalis na si Romeo."
"Alam ko, sakin galing yung librong binabasamo eh. Hindi pa nga sinasauli eh. 2019 na oh."
"Pamasko mo na lang yun. Pwede ka namang magdownload ng kopya nun sa net eh."
Hays, hindi kasi naiintindihan neto ang kagandahan ng mga libro. Hinding hindi mapapalitan ng electronics books ang mga libro na binubuo ng mga papel na gawa sa puno kahit kelan.
"E-books lack character. Books are not something that you just read words in. They're also a tool to adjust your senses. It is like a mental tuning. What's important when you tune is the feeling of the paper that you're touching with fingers and the momentary stimulation your brain receives when you turn pages." sabi ko sa kanya sabay ngiti.
BINABASA MO ANG
For Thy Love
Science Fiction'Twas the night before the awaited Tick Tock, -- Tumatakbo nang mabilis ang oras. Kasabay nito ang unti unting paglalim ng pagtitinginan ni Lans at Teresa, na umpisa pa lang ay dapat winakasan na. Dahil ito ang magdadala sa pangyayaring babali at ma...