Reylan Soril
Nakatulala pa rin ako sa mukha ni L. Tinitingnan bawat korte ng mukha nya. Na magiging mukha ko sa hinaharap. Nilulunok ko lang lahat ng sinasabi nya pero hindi pa rin ako makapaniwala.
"Eh di kaya umaga ulit kasi binalik mo yung oras gamit yung machine na gagawin ko pa lang sa hinaharap? Tapos si Ally galing din sa future?" Nasan yung present na Ally? Ibibg sabihin sa mga oras na to, buhay pa talaga si Tere? Tayo lang ba nakakaalam nito? Bakit? Ipaliwanag mo nga ng mabuti sakin L! Naguguluhan ako! Eh di ang tawag ko na sayo Lans din? Reylan? Sarili ko? Me? Future Lans? Reylan Jr.? Lans the second? Ano?!"
Wala pa ding ehpression ang mukha nya. Gano kaya kahirap mga pinagdaanan nya at naging ganun sya? Na pagdadaanan ko din sa susunod na taon. Nakakakilabot.
"Hindi mo na ko kailangan pang tawagin ng kung ano ano. Tayong dalawa lang ang nakakaalam nito dahil iisa tayo. Alam ni Allysa na nasakin yung orasan at alam nyang kaya kong mag travel pero hindi nya alam kung kelan ako nagtatime leap at hindi rin nya alam na gumagana na ulit yun. Makinig kang mabuti baka hindi mo naiintindihan ang mga nangyayari ngayon," nilapit nya mukha nya sakin. Kitang kita ko yung kulay ng mukha nya na kaparehas ng sakin. Para akong nakatingin sa salamin.
"Mamamatay pa rin soi Teresa ngayon, kung wala tayong mababago. Sa mga sundo sunod na pangyayari at kung hidni natin malalaman kung sino ang nakapatay sa kanya. Namatay sya dahil may bumaril sa kanya kaya dapat mo syang ilayo dun sa fiesta at huwag mo syang hahayaang pumunta sa open area na lugar. Tandaan mo Lans, KAILANGAN NATING PIGILAN ANG PAGKAMATAY NYA. HANGGAT MAAARI WAG MO SYANG PA LABASIN NG KWARTO NYA. Kapag hindi natin to nagawa ... kapag hindi natin napigilan... hindi ko kakayanin... hindi mo kakayanin..."
Tsaka ko lang naisip at naintindihan ang mga nagyayari.Hindi dapat ako matuwa dahil buhay pa rin si Teresa ngayon. Pero may magagawa pako.
"Sige, anong unang kailangan kong gawin?" tanong ko sa kanya.
-------------------------------
11:02 am
7 hours and 30 minutes left
Papunta pa lang ako kila Tere. Hindi ko na dinaanan si Ally. Tineht ko na lang sya na sya na lang bahala sa mga pagkain kung gusto nya. Si L dumiretso sa kanila kung nasan yung nachine.
"Oo ngaeh. Ang hassle tuloy. Bakit kasi kailangan ngayon pa nasira yung LRT. Nakakainis naman," sabi nung babae sa jeep.
Totoo nga lahat ng to. Nasir yung LRT. Alam kong mangyayari yun. Ibig sabihin lang maya maya madadaanan ko na yung street na may fiesta. At ayun, nadaanan ko nga.
Pagdating ko sa dorm nya, dumiretso na agad ako sa loob. Tapos pumunta sa kawarto nya. Binuksan ko agad yung pinto. Gusto kong malaman kung andito talaga sya.
Pagbukas ko, nakita ko sya. Nakaupo pa rin sa tapat ng salamin na ganun yung suot, nagaayos. Nandito sya... Buhay... maririning ko pa boses nya... Ayokong mawala sya... Hindi ko hahayaang mamatay ulit sya. Hindi na ulit.
Tumakbo ako papunta sa kanya. Napatayo sya sa gulat. Niyakap ko agad sya.
"A- Nakakagulat ka naman, di ka talaga marunong kumatok eh no," sabi nya.
Hindi pa rin ako bumibitaw.
"O-kay. Wala man lang bati dyan?" Bumitiw nako tapos tumingin ulit sa mukha nya. Hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi. Nakangiti sya. Sobtang saya ko.
BINABASA MO ANG
For Thy Love
Science Fiction'Twas the night before the awaited Tick Tock, -- Tumatakbo nang mabilis ang oras. Kasabay nito ang unti unting paglalim ng pagtitinginan ni Lans at Teresa, na umpisa pa lang ay dapat winakasan na. Dahil ito ang magdadala sa pangyayaring babali at ma...