Chapter 7: "Thou Shalt Discover"

28 1 0
                                    

March 22, 2019

1 month left

5:30 am

Teresa Malli

Tok! Tok! Tok!

Binuksan ko agad ang pinto.

"Wow naman, hindi ka late ng gising ah." bati ni Ally sabay pasok sa kwarto ko. Isang maliit na maleta at bag ang dala nya.

"Syempre excited. Di nga ako halos nakatulog kagabi eh." kinuha ko na rin yung maliit kong maleta at nagsuklay na ng maayos pagkatapos ay dumiretso na agad kami sa school.

Dapat talaga mga 5th year lang ang magfifield trip ngayon. Mga 4th year palang kame kaya hindi pwede kaso kailangan daw mapuno yung slots kasi nakareserve na. Mga anim din kaming 4th year na sumama kasama si Lans at Ally.

May pumigil kay Lans na sumama dahil nakasemento pa yung isang binti nya pero nagpumilit parin sya at sinabi pang kahit daw gumagapang na lang sya sasama pa rin. Sa huli wala silang nagawa sa kakulitan nya.

"Grabe Rhesa, excited na excited ako. Alam mo bang four hours lang tulog ko kagabi kakaisip kung anong hitsura ng plantation na pupuntahan natin?"

"Buti ka pa nga apat na oras eh. Ako tatlong oras lang. Ang tagal kong bumili ng damit na dadalhin eh."

Sabay kaming tumawa papasok sa school. Nakikita na namin yung mga bus na sasakyan lalo kaming naexcite.

05:48 am

"Okay guys! Attention!" sigaw ni prof. Lisa. Napatingin kaming lahat sa kaniya. "Until 06:30 am ang call time natin right? So kung sino man ang dumating ng 06:31 ay considered late at maiiwan dito sa campus! No refunds and complaints because that is our golden rule! Failure to comply with the instructions is a sign of being irresponsible and walang proffesional na irresponsible! Got that?!"

"Yes ma'am." sigaw naming lahat.

"Now because we are more than 50 and we didn't expect that kase last time 30 lang kami kasama na yung mga 4th years- we will be dividing you into groups, with 6 members. Yung mga fourth year, isang group nalang kayo para di na masyado magulo okay? " um-oo agad kami, "and then mga 5th year, let's discuss how are we going to divide you."

Nagsama sama na kaming mga fourth year. Apat pa lang kami si Lans wala pa.

"Nasan na si Lans? Tawagan mo na kaya." utos sakin ni Ally.

Tinatawagan ko na sya pero walang sumasagot. Sinuggest kong sabay nalang kami pero wag na lang daw kasi mabagal na daw syang kumilos ngayon dahil sa paa nya. Baka malate pa daw ako dahil sa kanya.

"Hindi sya sumasagot eh." sabi ko kay Ally.

"Tsk." sagot nya.

06:19 am

Tsk. Ano oras na. Nasan ka na ba Lans??

Nasa loob na kami ng bus. Magkakatabi ang mga magkakagrupo at nakaupo ako sa may bintana. Hindi pa rin sinasagot ni Lans mga tawag namin. Si Ally bumili lang daw ng pagkain.

"Miss, fourth year ka diba? May nakaupo dito?"

Napalingon ako sa kanya. Tinuturo nya yung katabi kong upuan. Nasa room pa mga gamit ni Ally at di pa rin dumadating si Lans. Nakakahiya naman kung sasabihin kong nakareserve na.

"Ahhmm, wala pa," tapos nginitian ko sya.

"Sige dito na lang ako uupo. Wala pa kasi yung kakilala kong fourth year na kasama din natin eh. Baka di na sya umabot." Tumango lang ako sa kanya.

For Thy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon