Chapter 10: BEFORE THE TIME LEAP

28 1 0
                                    

(********)/L/Lance Reyes/Reylan Soril

GAGAWIN KO ANG LAHAT. GAGAWIN KO ANG LAHAT. GAGAWIN KO ANG LAHAT. GAGAWIN KO ANG LAHAT.

Pero nagawa ko ba? HINDI.

Mahal din naman kita Lans eh. Ang huling sinabi nya.

Pero pinakinggan ko ba? HINDI

Masyado akong nabingi, nabulag at namanhid sa mga nangyari. NABALIW AKO. OO, NABALIW AKO AT WALA KANG PAKE. WALA KANG PAKE KASE HINDI MO NARAMDAMAN ANG NARAMDAMAN KO. WALA KANG PAKE KASI HINDI MO NAKITA ANG MGA NAKITA KO. WALA KANG PAKE KASE HINDI KA NAMAN NAWALAN NG BUHAY TULAD KO. WALA KANG PAKE KASI-

KASI...

Kasi...

...hindi mo pa naman alam ang lahat. Kung sasabihin ko ba sayo maiintindihan mo ko? Alam kong nababaliw nako pero hindi mo alam kung bakit kung malaman mo man kung bakit masasabi mo pa kayang nababaliw lang ako? Tama kaya ang ginagawa ko?

Pano kong sinabi ko lang to dahil nababaliw nako. Maniniwala ka pa kaya sa ikekwento ko?

Mahal din naman kita Lans eh.

Gumuho ang mundo ko nang bumitaw sya sa kamay ko. Pilit kong iniisip na natutulog lang talaga sya. .Pilit kong iniisip na kapag kiniliti ko sya magigising sya atghahampasin ako- magagalit. Pero hindi. Kahit anong titig ang gawin ko wala nakong magagawa. Hindi ako umalis sa pwesto ko. Umaasang magkakamilagro at babalik ulit sya. Pero wala. Dugo lang nya ang natira dun. Tapos na. Wala na. Tapos na ang kwento ko.

Hindi ko alam kung bakit sya namatay. Oras na nya? Hindi. Tadhana? Hindi. Tayo ang gumagawa ng tadhana natin. Tayo ang gumagawa ng pagpipilian. At pinili nyang tumakbo papunta sakin. At nabaril sya. San nanggaling yung bala? Walang nakakaalam. Sa mga nagfifiesta? Pano? Imposible. Walang katao tao dun. Pano ko nalaman? Hindi ko sigaurado.

Sa mga sumunod na araw nilubog ko ang sarili ko sa pagiisip ng mga bagay tulad ng 'Hindi naman talaga syadapat namatay'. Araw araw akong bumabalik sa kalsadang yun at iniisip kung san ba nanggaling ang bala. Hindi ko tinanggap na nabaril lang sya dun dahil IMPOSIBLE.

Nung burol nya hindi ako pumunta. Para san pa? Makikiiyak sa kanila? Ipapakitang sobrang lungkot mo dahil wala na sya? Magbibigay respeto? Para kanino? Para sa namatay? Di na kailangan. Alam na ni Teresa yun.

Nagisip ako ng nagisip. 'Bakit nangyari yun?' 'Bakit ganito?' 'Dahil ba sa nakilalanya ko?' 'Bakit?' 'Bakit?' 'Kasalanan ko ba?' 'Ano bang ginagawa ko?' 'Ano bang nagawa ko?' 'May magagawa pa ba ako?' 'May ma-'

Hanggang sa bumigay na ako. Hindi ako nakakakain ng maayos. Anlaki ng ipinayat ko. Hindi ko rin alam kung nakakatulog pa ba ako. Maligo? Minsan pag naisip kong pumasok sa banyo.

Hindi alam ng magulang ko kahit si Kris wala ring alam kasi magisa lang ako sa bahay. Bakit pa nila kailangang malaman? Para matulungan ako? Bakit kaya ba nilang buhayin si Teresa? Sabihin lang nila.

Nabagot ako sa bahay. 'Teresa' nalang palagi ang naiisip ko. Walang kwenta. Dapat di ko nalang sya nakilala. Lumabas labas ako. Naghanap ng mga panandaliang kaibigan kesa magmukmok sa kwarto at tawagin ang taong nangiwan saken.

Mabilis akong nakahanap. Mabilis lp ding nakalimutan ang dati kong buhay kapag kasama sila. Sumaya ako kahit papano. Halos di na ko nakakauwi sa bahay. Parati ko silang kasama. Inuman dito, inuman don. Inumpisahan ko na ring manigarilyo. Tutal wala namang maninita sakin.

Minsanan na lang ako umuwi at kapag umuwi ako iba ibang babae ang kasama ko. Minsan paisa isa. Minsan dala dalawa, depende sa mood.

Nagtuloy tuloy ang mga gawain ko hanggang sa malapit na ulit magpasukan. Sinabi ko sa magulang ko na nag-aaral ako, pero ni isang hakbang sa school hindi ko nagawa, Pakiramdam ko babalik lang ulit ang lahat at ayokong mangyari yun.

For Thy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon