Chapter 2: "Thou Shalt Meet"

97 2 0
                                    

November 5, 2018

12:06 pm

"Okay naiirita na kasi talaga ako eh. Kapag tinawag ko ang isa sa inyo pareho kayong lilingon. Bakit kasi pareho kayong Lance/s?" sabi ni Ally sabay tawa naming apat.

"Alam ko na!" sabay lapag ko ng baso sa lamesa.

Matatapos na kaming kumain dito sa karinderya. Kahit ako naiirita din tuwing tinatawag ko ang isa sa kanila.

"Ikaw Lance na matangkad," sabay turo ko sa kanya, "L, nalang tawag namin sayo."

"Okay na rin saken. Sayo, okay ba? Tutal ikaw naman kapangalan nya?" sabi ni Ally kay Lans.

"Okay lang. Si Tere lang naman kasi nagpauso ng pangalan ko eh." sabay tawa. Pasalamat nga sya hindi Rey tawag ko sa kanya eh.

"Pasalamat ka nga eh." sabi ko sa kanya.

"Sige, okay na ren ako sa L, ikaw nag-suggest eh." sabi ni Lance sabay ngiti.

"Ahem." sabi ni Ally. Sabay higop ng sabaw. Si Lans naman nakayuko lang. Okay, nagiging awkward na. Kailangang baguhin ang atmosphere.

"L, wag kang ma oofend sa itatanong ko ah," pagkatapos ay naging alert lahat sila. Ooops, haha.

"Natakot talaga ako sayo nung una kitang makita... I mean yung dun sa library. Kakaiba kasi talaga aura mo, pati hitsura mo, parang ganun. Atsaka ang tangkad mo. Akala ko talaga mama ka. Sorry ah, ilang taon ka na ba?" gulat sila sa sinabi ko. Out of the blue, yun yung tinanong ko. Naghihintay rin sila ng sagot. Pati na rin yata sila yun yung naiisip.

"26."

!!! Ano daaaw?!

"Haaaaaa??!!"

"Whaaaat??!!"

Sabay na sabi ni Ally at Lans. Ako naman nanlaki yung mata.

"26?! Akala ko 32!! Goodness gracious!" sigaw ko sa kanila.

"Oi, Rhesa! Maka-32 ka naman! Joke lang naman ni L yun e. Naniwala ka naman agad!" sabay kurot sakin ni Ally at nagtawanan sila.

"Sorry, akala ko lang naman eh."

"Mukha ka na daw palang tatay L eh, hahaha." asar ni Lans kay L tapos tumawa sila ulit.

Tick Tock

Napatingin ako kay L tapos sa orasan ko.

"12:14 na, balik na tayo sa school." yaya ko sa kanila.

12:21 pm

Wala kaming ibang ginawa kundi magtawanan at mag-asaran habang naglalakad pabalik. Nagtanungan kami ng kung ano ano. Getting 2 kno its ader daw sabi ni Lans, haha. Sya parating nagpapatawa, ibang iba sa ugaling pinakita niya nung unang beses kaming magusap. Si L naman parating pinipigilan si Lans, asal tatay talaga. Kakaiba talaga kapag mga lalaki kasama mo. Mag pakatotoo ka lang, utol ka na nila. Madaling makipag close sa kanila. Walang plastikan, trip trip lang.

Ito kasing si Ally. Makatabi lang ako, love life nanaman ibubulong. Hays.

12:30 pm

"L, pwede magtanong?" di ko alam kung paano sya i aaproach. Dapat
bang may kuya pang kasama? HAHA.

"Oo naman, basta wag lang ang mga karanasan ko sa 26 years na pamumuhay ko dito sa mundo."

"Hahahaha, sorry na nga eh." tapos tinignan ko sya. Matuwid lang talaga muka niya kaya mukha siyang tatay na. Ay, sorry tatay ako ng tatay kala mo naman kagandahan ang mukha ko.

For Thy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon