“It’s possible to meet your self in the past.
If you do, you simply move world lines.
Time isn’t a single line moving from past to future. It is composed of infinite parallel lines called ‘world lines’.
Let’s say I go back and change something that has happened. This alters something called the divergence number and the world line will change and will move to a different world line. When there’s a world line move, people’s memories are altered.”
-*****ScientistMatagal nang pinagdedebatehan ang mga salitang ‘time travel’, ‘time machine’ at kung ano ano pang may kinalaman sa pagpapahinto o pagpapatigil sa oras. Taong 2009, grade 7 palang ako, sumikat ang isang scientist galing sa di kilalang bansa dahil sa inilabas nyang bagong teorya na posible ang time travel at nagawa na nila yun sa US. Marami ang kumontra at nagsabing isa lang syang ‘mad scientist’. Pero may ibang scientist na nabuhayan ng dugo dahil sa sinabi nya. Doon nag umpisa ang napakaraming research laboratory na layuning patotohanan ang teoryang ginawa nya. Hindi talaga ako naniniwala na kayang pigilin o ulitin ang mga bagay na nangyari na gamit lang ang makina, NOON. Dahil ngayon, kung saan posible nang makipagusap sa isang hologram o cellphone na may isip at nagawa na rin ang quantum teleportation, posible din kayang ang mundong ginagalawan natin ngayon at mga pangyayari sa oras na to ay nangyari na? At hindi lang natin maramdaman dahil when there’s a world line move, people memories will be altered?
Hay nako, bakit ko ba naiisip to? masyado akong nadala sa mga orasang nakikita ko at sa balitang may time machine research laboratory na dito sa Pilipinas.
03:48 pm
“Sigurado kayong pwede na natin tong puntahan? Bukas pa dapat to, ang alam ko eh.” sabi niChris.
Nasa loob na kami, walang katao tao.
“Wala na rin tayong oras para hanapin yung dapat nating puntahan. Mas wise kung ito na lang muna tapos bukas na lang yung iba,” sagot naman ni AC.
Hindi na nagsasalita si Ally simula nung pumasok kami, tumitingin tingin nalang din sya nang biglang may babaeng sumalubong samen na nakalab gown. Scientist? Mukhang hindi.
“Welcome to Time Machine Research Laboratory. I am Erica and I will be your tour guide in this lab and if you have uestions feel free to ask, okay? Let’s go.”
Sumakay kami sa elevator, walang nagsasalita. Hindi ko alam kung excited sila masyado o kinakabahan. Kinakabahan saan?
Tumigil kami sa third floor. Pagbukas nung pinto ng elevator tumambad agad samin ang napakalaking kwarto na imbes na pader ang nakaharang ay transparent na glass kaya kitang kit lahat ng ginagawa nila.
“Is it okay for you since you are all Filipino, na I”ll speak in tagalog na lang? Mas komportable kasi ako kapag nag eehplain in tagalog.”
Um-oo kaming lahat ehcept kay Janice na may binulong pa.“No, it’s not fine with me. You are a professional after all.” bulong nya. Ako lang ata nakarinig.
“So this is our main laboratory. Dito ginagawa ang halos lahat ng mga experiments. Nakikita nyo yung pinakamalaking makina? Yan ang time machine na binibuild namin, pinakarecent.”
“Talaga? Ano nang nagagawa nyan?” tanong ni Chris.
“Di pa nitokayang mag time travel, yet. Because our research is not yet complete. So ngayon, ang kaya lang nitong gawin ay to make you think na nakapagtime travel ka.”
“Huh? Pano yun?” tanong ni Lans.
“I’m sure you are all open sa possibility ng time travel kaya you need to accept that possibility. Ang mga ipapaliwanag ko ngayon ay evidences lang ng possibility na tinutukoy ko kaya sa maniwala kayo or hindi, our world is changing RAPIDLY and kung pipiliin nyong hindi maniwala at magpaiwan na lang, that is your choice and no one is to blame. Nature na ng tao ang mag ehplore and to know more bout this world at hindi na natin mapipigilan yon.”
BINABASA MO ANG
For Thy Love
Science Fiction'Twas the night before the awaited Tick Tock, -- Tumatakbo nang mabilis ang oras. Kasabay nito ang unti unting paglalim ng pagtitinginan ni Lans at Teresa, na umpisa pa lang ay dapat winakasan na. Dahil ito ang magdadala sa pangyayaring babali at ma...