Chapter 4: "Thou Shalt Profess"

45 2 0
                                    

December 31, 2014

07:36 am

"I missed you so much. Just wait for me, okay?"

Nagising ako bigla. Ilang beses ko nang napanaginipan yun.

Paggising namin nung December 25, normal naman si L. Ganun pa din naman pakikitungo nya sakit at sa kanila. Gusto ko sanang itanong kung bakit sya nagsabi ng ganun kasi hindi talaga ako mapakali. Eh bigla kong naisip na malay mo ganun lang talaga managinip si L, nagsasalita atsaka naglalakad. Malay mo nga nag iisleep walk pa sya, di natin alam. Kaya hinayaan ko nalang, kaso ilang araw na ang nakakalipas nang mangyari yun di pa rin ako makaget over. Kakaiba kasi yung pakiramdam.

Kriiing!!

"Hello? Ally? Himala ang aga mong magising ngayon ah? Ano kamusta? Tuloy ba tayo mamaya??" tanong ko sa kanya.

"Yun nga Rhesa eh. Kaya kita tinawagan kasi gusto ko sanang sabihin sayo na hindi kita masasamahan mamaya hanggang New Year. Soorrrrryy talaga!! Nakiusap kasi si mama sakin eh. Minsan lang kasi kami magkikita eh. Ano okay lang ba sayo?" sabi nya.

"Ano ka ba okay lang sakin no. Ano ba iniisip mo, sanay na kong mag isa dito. Atsaka ako naman nanghingi ng pabor sayo eh. Chance mo na rin yun para makaclose mo yung mama mo." sagot ko naman sa kanya.

"Salamat, Rhesa ah. Wag ka mag alala babawi ako sa susunod. Babye! Happy New Year!"

Binaba ko na yung cellphone. Ayun magisa ako mamaya, ano kayang trip ang gagawin ko dito para malibang ako.

10:22 am

Naghalungkat ako ng mga CDs. Napag desisyunan kong magmomovie marathon na lang ako habang kumakain. Sinara ko yung mga bintana kasabay ng pagbaba ko sa kurtina, ayan medyo madilim na.

Niready ko na lahat, naglatag na rin ako ng foam sa may sahig na katapat ng TV. Nasa gilid yung mga kakainin ko. Whoo! Ansaya.

Nilakasan ko ng todo yung volume ng speaker. Sobrang ingay kasi sa labas.

12:01 pm

Nakatapos nako ng isang movie nang biglang nag ring yung phone ko.

Kriingg!!

Sinong tumatawag? Tinignan ko kung sino, si Lans lang pala.

"Bakit?" tinanong ko kaagad sya.

"Yow! Teresita Consolacion! Happy New-" sigaw nya.

"Sorry, wrong number." sagot ko agad sa kanya. Ibaba ko na sana nang sumigaw sigaw sya.

Lans: Oi! Oi! Oi! Oi! Oi!Wet lang! Wet lang! Grabe ka naman. Maganda naman si Consolacion a!

Teresa: Wrong number po ulet.

Lans: Oo na! Oo na! Oo na ! Oo na! Mas maganda ka na sa kanya!"

Teresa: Bakit ka ba tumatawag Lans? Mangugulo ka lang ata eh. New year na New year ehh."

Lans: New year na New year nga tapos ang sungit sungit mo. May itatanong lang naman ako eh.

Teresa: Hay nako, oh sige. Ano yun?

Lans: May installer ka ba ng photoshop?

Teresa: Huh??

L: MAY INSTALLER KA BA NG PHOTOSHOP??! Hanggang ngayon di ka pa rin naglilinis ng tenga mo??! Tagal na nun ah! Barado na yan!!

Teresa: Tanggegs! Hindi naman kasi yun yung ibig kong sabihin! Ang boplaks mo!

Lans: Sus pauso mo! Palusot ka lang eh. Sige tanggap naman kita eh. Maglinis ka muna, hihintayin kitang matapos.

For Thy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon